Dalawang gabi na ang nagdaan na di sya dinadalaw sa kanyang kakaibang panaginip katulad sa mga nakaraang panaginip nya. Kaya medyo napanatag ang kanyang kalooban ng humiga sa kama ng gabing iyon.
Galing sila ni Lelette sa sinehan ng mall kung saan sila nagtatrabaho. Napagdiskitahan nilang panoorin ang love story na bagong labas lamang sa mall. Last full show ang kanilang napiling time. Kaya nman gabi na masyado ng makauwi silang dalawa.
Pagdating nya sa bahay ay agad syang naligo at naghanda sa pagtulog nang muli syang managinip.
Mag-uumaga na iyon ng dalawin na nman sya ng kanyang kakaibang panaginip.
Sa kanyang panaginip ay nasa bagong bahay daw sya. At bahay daw nila iyon. Halatang bagong gawa at pinta ang buong kabahayan. Lahat ay bago at may kasama syang babae at lalaki roon. Nagtanong sya kung saan ang cr dahil naiihi na sya.
Tinuro nman ng mga ito. Nasa bandang likurang bahagi daw iyon ng bahay. Katabi ng malaking puno.
Paglabas nya ay nakita nyang nasa loob pala ng kagubatan ang bahay nila. May maraming punong kahoy na nakatayo sa paligid.
"Bakit kaya dito pa nagpatayo ng bahay sa loob ng gubat? Pwede nmang doon sa may maraming tao. Dito, ni wala akong makitang kapitbahay, ah. "Ang murmur nya habang binabaybay ang daan patungo sa likurang bahagi ng bahay.
Agad syang pumasok sa loob ng palikuran. Maganda ang loob noon. Malinis at para lang rin cr sa syudad ang palikuran na ginawa.
Di nya malaman kung bakit para syang nakaramdam na may taong nakamasid sa kanya habang nakaupo sa toilet bowl.
Kinabahan syang bigla. Para bang may humahaplos sa kanyang katawan. Na sa wari nya ay inaakit sya. Ramdam nya ang kanyang ay ng parang may kaniig ng sandaling iyon. At ang epekto sa kanya ay napakalakas. Tila mayroon talagang gumagalaw at humahaplos sa kanyang kabuuhan.Pilit nyang nilabanan ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Agad nyang inayos ang sarili at akmang tutunguhin ang pintuan. Nang biglang nabuhay at gumalaw ang punong nasama sa ginawang haligi ng palikuran nila.
Napaatras sya bigla. Kitang-kita nya ang malaking mukha ng puno. Para itong nagsasabing lapitan nya ito. Ngunit di sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Di rin sya makasigaw. Para syang napipi na walang boses na maririnig sa kanyang bunganga kahit pilit nyang ibinubuka. Nagpumilit syang makatungo sa pintuan. Kahit pa nga ba tila may malakas na pwersang pumipigil sa kanya.
Para syang hinihigop ng malaking puno patungo rito. Nahawakan nya ang knob ng pintuan. At nakita nyang gumalaw ang kamay nito para abutin sya.
Ang lapit-lapit na talaga ng kamay nito kay Meilina. Halos ikapugto nman iyon ng hininga ni Meilina sa kba. Sa kanyang isip ay mahahawakan na talaga sya ng pangit na punong iyon.
Ang mukha nito ay nakakatakot tingnan. Kulay brown na kulubutin ang kanyang nakikita sa buong pagmumukha nito.May malalaking mata at bunganga.
Ramdam nyang panginginig ng katawan at ang pagnanais nyang makalayo rito ngunit di sya makaalis roon.
Nilabanan nyang pilit ang pwersang nagpapahina sa kanya. Napakapit sya ng mahigpit sa knob saka pwesahang binuksan iyon.Nabuksan nya sa wakas ang pintuan. Dali-dali syang lumabas doon na nakasunod ang kamay nito sa kanya para abutin sana sya pabalik.
Napatakbo syang muli sa loob ng bahay. Wala na ang mga kasama nya roon. Kaya nman ay napalabas syang muli upang hanapin ang mga ito.
Nagulat sya ng makita ang isang lalaking nakahubad baro at pantaas lamang ang tanging suot nito. Ramdam nyang kilala nya ito at may kaugnayan silang dalawa. Ngunit ramdam nyang familiar sya dito. Di nya lamang maalala kung saan nya ito unang nakita.
Napalapit ito sa kanya.
"Are you ok? "Ang wikang tanong nito.Napatango lamang sya rito. Di sya nakapagsalita. Naramdaman nyanv lumapit ito sa kanya saka sya hinila payakap. Napaganti rin sya rito ng yakap. Mahigpit ang kanyang pagkakayakap rito na para bang ayaw nya ng bumitiw rito kaylanman.
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Inangat nito ang mukha nya. Saka dahan-dahang yumuko upang hagkan ang kanyang mga labi.
Napakapit nman sya sa balikat nitong walang damit. Napakalapad pala ng shoulder nito. Iyon ang napansin nya ng mapakapit roon.
Para bang love na love nya talaga ang taong ito. Kung pagbabasehan nya ang totoong nararamdaman.
Naramdaman nyang dumampi ang labi nito sa kanyang labi. Magkalapat ang mga labi nila ng maalala nyang baka may makakita sa kanila doon.
May mga kasamahan sya ngunit di nya alam kung nasaan ang mga iyon.
"Nasa labas tayo ng bahay. Halika pasok ka. "Ang ani nya rito.Ngunit ng makapasok na siya ay nakita nya ng babaeng kasama nya dito kanina. Nasa loob na ito. Pero kanina ng pumasok sya wala syang nakitang tao doon.
Luminga sya sa kanyang likuran para ayain uli ang lalaki. Ngunitdi nya ito nakita roon. Wala na ang lalaking piling nya ay may malaking kaugnayan sa kanya. Di lang sila basta magkakilala. Parang nobyo nya ito na di nya mawari. Subalit alam nyang totoo ang kanyang attachment dito. Dahil iyon ang kanyang nakapa sa kanyang puso ng sandaling iyon.
Nagising sya bigla. Humihingal pa syang tutop ang kanyang dibdib.
"Huh! Nanaginip na nman ako! "Ang bigla nyang nasabi sa sarili.Pinakiramdaman nya muna ang sarili. Na feel nyang parang in love talaga ang puso nya. Magaan ang kanyang pakiramdam.
Pilit nyang binalikan ang panaginip ngunit di nya na maalala ang mukha ng lalaki. Pero sa panaginip ay kilala nya ito. Anu kaya ang kaugnayan nito sa kanya? Bakit ng halikan sya nito napatugon sya at dama nya ang pagmamahal nito. At ganun din sya rito. Love ang nakakapa nya sa kanyang puso.
Parang sasakit ang ulo nya sa kakaisip ng mukha noong lalaki sa kanyang panaginip. Ngunit kahit anung gawin nya ay di nya pa rin maalala ang pagmumukha nito. Tanging broad shoulders lamang nito ang napagkit sa kanyang alaala.
Napabuga sya ng hangin sa kawalan saka nagtungo sa banyo upang maligo. Wala syang mapapala sa kakaisip kung sino iyong lalaking nakahalikan nya sa panaginip. Dahil di nya rin nman ito maalala na. Tanging ang puso nya lamang ang nakakakilala rito.
BINABASA MO ANG
LOVE AFFAIR IN DREAMWORLD(Completed)
Fantasi#2-dreamworld #3-otherworld #6-fellinlove TEASER "Meilina.... Meilina.... "ang naririnig na tawag sa kanya ng isang lalaki. Lumingon sya at tumingin sa paligid. Nahagip ng paningin nya ang isang lalaking may matikas na pangangatawan. Malaki i...