Chapter 1

1.2K 27 3
                                    

Maagang natulog si Meilina ng gabing iyon dahil sobra syang napagod sa kakaistima ng mga customers nila sa shop na pinagtatrabahuan nya. Isa syang cashier sa isang Book sale shop sa isang mall.

Tatlo silang magkakasama roon. Si Ronald, na syang may-ari ng naturang shop.  At ang friend nyang si Lelette na syang sales lady naman doon. Mga lumang books na kalimitan nilang na sini-sale sa kanilang shop. Iyong bang tinatawag nilang love books! At di nya alam kung saan kinukuha ni Ronald ang mga naturang free love books na binebenta ila sa shop.

Nasa kahimbingan si Meilina ng kanyang pagtulog ng managinip sya. At sa kanyang panaginip ay
tumatakbo sya ng may kabilisan pababa ng bundok. Dahil may mga humahabol sa kanya ng mga sandaling iyon. Sumusuot-suot pa sya sa mga punong kahoy na kanyang madadaanan.

At palinga-linga rin sya sa kanyang likuran. Tiningnan nya ang mga humahabol sa kanya. Ang nasa isip nya ng sadaling iyon ay kailangang makahanap ng mapagtataguan.

Napahinto sya bigla sa pagtakbo ng matanawan ang huling bahagi ng lupa na kanyang tinatahak.
Nasa unahan nya lamang iyon, ilang hakbang ang layo noon sa kanya.

At ng sipatin nya ang nasa baba noon ay tubig na pala iyon. Ngunit dahil kelangan nyang makalayo sa mga taong humahabol sa kanya.
Walang pag-aatubiling lumundag sya sa tubig para doon magtago.

May pagtataka pa sya kung bakit nya nakikitang lumalampas lamang sa kanya ang mga taong naghahabol sa kanya. Samantalang nasa loob sya ng tubig at doon nagtatago ng mga sandaling iyon.

Nang makitang wala na ang naghahabol sa kanya ay napagpasyahan nyang lumabas. At di nya lubos maisip na ang kanyang lalabasan ay isang malapad na bato na syang nagsilbing pinagkublihan nya kanina.

Ang ipinagtataka nya lamang ay bakit may batong nakalapag sa tubig. Kung tama ang kanyang sapantaha ay wala iyon doon kanina ng lumundag sya sa tubig.

Kahit may pagtataka sa sarili ay ipinagkibit-balikat nya na lamang iyon saka sya nagpasyang umahon mula sa tubig.

Napalaki pa ang kanyang mga mata ng makitang di man lang nabasa ang kanyang mga damit na suot. Samantalang lumublob sya kanina sa tubig habang nagtatago. Lalo pa syang nagtaka sa mga nangyayari sa kanya ng sabdaling iyon. Di sya makapaniwalang di sya nabasa kahit na kaunti.

Sa gitna ng kanyang confusion ay pinili nya na lang maglakad sa loob ng kagubatan. Habang daan ay may nakita syang magandang bulaklak. May ngiting nilapitan nya ito.

"Gusto mo bang pitasin ko iyan para sayo? "Ang narinig nyang sabi ng lalaking may malamyos na tinig.

Agad syang napalinga rito bigla. Di nya maaninag ang mukha nitong nakatalikod sa sinag ng araw.

Madilim sa kinatatayuan nito dahil sa shading ng malagong punong kahoy sa kagubatan.

"No, sayang. Salamat na lamang ginoo. Nagandahan lamang akong tingnan ang bulaklak kaya ko nilapitan. " ang naisatinig nya rito.

"Ang ganda mo at napakabait pa.. "ang muli nyang narinig nitong sabi sa kanya.

"H-huh? Salamat muli. Sa iyo ba itong flowers? "Ang tanong nya rito.

Medyo nakaramdam sya ng asiwa sa lalaki. Mukha naman itong mabait sa kanya but di nya nga lang makita ang mukha nito. Nakadama sya ng pagkadismaya dahil doon.

"Yes. Amin nga iyang flowers na yan. Nandirito ka sa aming hardin. "Ang wika nito na banaag ang ngiti sa mga labi nito.
"Oh.... so, paano, aalis na ako. Goodbye! "Ang sabi nya na agad itong tinalikuran at naglakd palayo roon.

Di sya muling lumingon kahit pa nga ba tinatawag sya nito. Nasa kakaibang parte sya ng kagubatan ng makita nya ang kanyang lolo.

"Apo, bakit ka naparine? Ang daming mababangis ritong mga hayop. Mga wild boar kalimitan ang naririto sa gubat. At mapanganib ang magstay rito. Parine ka na at naghihintay na ang lola Lila mo sa iyo. "Ang wika nito.

Inakay nya ito palayo roon. Maya-maya pa ay nakita na nila ang munting kubo ng mga ito.

"Andito na pala kayo. Halina na at ng makapaghain na ako. "Ang wika ng lola nya ng lumabas ito sa maliit na kubo.

"Alam mo apo. Gusto nmin ng lolo mong dumito ka muna sa bukirin. Nang may tumao nman dito. Wala ng nag-aalaga ng mga pananim namin ng lolo mo dito "Ang sabi nito ng nasa hapag-kainan na silang tatlo.

"La, Lo, andyan nman kayong nag-aalaga eh. Bakit
pa ako didito. Saka po may work po ako kaya di po ako pwedeng manatili rito."ang paliwanag nya.

"Isang araw ay makakapanatili ka rin dito. Mas gugustuhin mong manatili na lamang rito habang buhay. "Ang makahulugang wika ng abuela nya.

Napatingin sya rito ng seryoso. Parang may nais ipahiwatig ang kanyang lola sa kanya. Magtatanong pa sana sya ng bigla syang magising dahil sa tunog ng doorbell sa labas ng kanyang tirahan.

At nang tingnan nya ang kanyang wall clock ay laking gulat pa nya. Buti na lamang ay may nag-doorbell. Kung hindi ay baka hanggang ngayon ay tulog pa din sya.

LOVE AFFAIR IN DREAMWORLD(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon