Chapter 5

379 12 0
                                    

    Di na mapakali si Meilina sa kanyang mga napapanaginipan. Nababahala na sya at natatakot. Kaya napagpasyahan nyang umuwi sa kanilang probinsya ng dalawang araw. Ayaw sana syang payagan ng kanyang boss. Ngunit nagmakaawa sya at nagpumilit kaya pinayagan din sya sa huli.
    Maagang maaga ang napili nyang biyahe pauwi sa kanila. Anim na oras ang biyahe patungo sa kanilang bayan.
  Nang makarating ,agad syang nagpahatid sa bukirin ng mga abuelo. May mga kaanak nman sya sa probinsya nila. Tanging sya lang ang pinamanahan ng kanyang lola ng bukirin nito. Na ayun dito ay  espesyal.ang bukid na iyon at tanging sya lang daw ang  magmamalasakit sa bukid nito na minana pa nito sa kanuno-nunuan . Ang lolo nya nman ay may malapad rin na bukirin. Pinamana nito sa mga anak at mga apong wala ng mga magulang. Sya ay ulila na, maagang pumanaw ang kanyang mga magulang. Ang mga abuelo ng nagpalaki sa kanya at nagpaaral.
   Sya daw kasi ang paboritong apo ng kanyang lola kaya tanging sya lang ang pinamanahan ng di kalakihang bukirin nito. Iyon ang kalimitang naririnig nyang sinasabi ng mga kaanak na pilit di binibigyan pansin. Ayaw nya ng gulo. Kaya wala syang sinasabi kahit makarinig sya ng masama sa mga ito.
    Sumagap sya ng fresh air ng tuluyang makarating sa bukirin ng abuelo. Bigla syang nakadama ng kakaibang feeling. Para bang lahat ng bigat na naramdaman nya kanina habang nasa biyahe nawala lahat.
. Nagbilin sya sa naghatid sa kanya na bukas na lamang sya sunduin kasi doon na sya magpapalipas ng gabi sa kubo ng dating abuelo.
   May naglilinis doon araw araw. Isang kapitbahay nila na medyo may kalayuan sa kubo ang sinuswelduhan nya kada buwan. Para tumingin at maglinis ng bahay saka magmantini ng mga pananim ng lola nya.
   Nagpasabi na sya ritong uuwi kaya nilinis na nito ang kubo bago pa man sya dumating.
   Napangiti sya ng makita ang kubo . Parang walang ipinagbago ang mukha niyon. Ganun pa rin gaya ng dati dahil siguro sa mayrong magmamantini noon.
    Pumasok sya at inilagay ang kanyang mga dalang gamit. Saka lumabas muli at nagtungo sa kagubatang sakop nyon. Marami pa ring prutas na nakatanim doon. Mga tanim ng kanyang abuelo bago pumanaw ang mga ito. Pinuntahan nyang puntod ng mga ito malapit sa isang malaking puno. Doon napiling magpalibing ng mga ito noong nabubuhay pa. Ayaw daw ng mga itong mawalay sa bukirin kahit patay na silang dalawa kaya sinunod nila ang habilin ng mga ito.
    Nagdagkot sya ng tig tatatlong kandila sa puntod ng mga ito. Biglang umihip ang hangin. Pakiramdam nya may nakamasid sa kanya. Nasa malapit lang.
"Lo,la... wag nyo nman akong biruin oh. Andito na po ako dumadalaw. Sorry po if matagal akong di nkauwi rito..."ang usal nya sa harap ng puntod ng mga ito. Nilinis nya iyon.
Napatitig syang bigla sa malaking puno sa kanyang harapan. Napakaitim nyon. Napatingala sya sa taas nito. Mahaba na ang punong malapit sa puntod ng abuelo. Nag-iisang punong mataas  na nakatanim sa bukirin nila. Mayrong iba ngunit di gaya nito kalaki. Di nya na nga mayakap ito .Dalawang tao ang kelangang yumakap doon.
   Tinatawag ito ng mga abuelo nya noon na "PALO Negro ". Kasi nga maitim ang laman ng puno nito. At malamig ang  sa lilim nito. Malinis walang damo na tumubo.
    Naisipan nyang bumalik sa kubo para magpahinga. Tanghaling tapat na at gutom na rin sya.
  Pagdating sa kubo naghain sya ng dalang pagkain. Pagtapos tinungo ang silid sa kubo. Naglagay ng bagong kubre-kama saka nahiga.
   Dahil sa init at pagod mabilis syang nakatulog. Unang panaginip nya ng tanghaling tapat.
"Meilina.... Meilina.... "ang naririnig nyang tawag ng isang lalaki. Nasa kagubatan sya noon.
  Lumingon at tumingin sya sa paligid, nahagip ng paningin nya ang isang lalaking may matikas na pangangatawan. Nakatalikod sa gawi nya . Malaking tao ito  at tantiya nya six footer ang height.
"Sino ka? bakit ayaw mong iharap ang iyong mukha? "Ang naisatinig nya  sabay hakbang palapit sa kinaroroonan nito. Dahan dahang humarap sa kanya ang lalaki  hanggang masilayan nya ang mukha nito.
    "Kilala kita! I-ikaw iyong laman ng mga panaginip ko. "Ang namamanghang wika nya rito.
"Oo ako nga iyon Meilina "ang wika nito. Lumapit ito ng ilang hakbang sa kanya.
Maalon alon ang buhok nito na may mala pusang mata. Kulay dilaw na parang orange kapag tinitigan. Napatingala sya sa mukha nito. Maamo iyong tingnan. Para itong foreigner. Di nman ito masyadong maputi. Tamang tama lang ang kulay ng balat nito. Pero ang lakas ng appeal. Pangahan ito na may nagniningning na mga mata.
"Sino ka? Anung pangalan mo pala? Ang ibig kung sabihin. "Ang natatarantang tanong nya. Di nya alam kung bakit para syang di mapakali sa harap nito.
"Aggriaco.... "ang nakangiting wika nito. Lumabas tuloy ang mapuputi nitong ngipin. Napatulala sya.
' napakagwapo nya 'ang impit na tili ng utak nya.
"Oh.. "ang tanging nasabi nya. Bigla syang kinilig. Parang kilalang kilala sya nito at sya feel nyang matagal na itong nakakasama.
"Gusto mo bang sumama sa akin kahit sandali lang Meilina?"ang untag nito sa pananahimik nya.
"H-huh? Ah sige. "Ang sang-ayun nya rito. Nagulat at nanlamig sya ng hawakan nitong mga kamay nya. Gusto nya sanang bawiin iyon ngunit nagprotesta ang puso nya.
Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng kagubatan. Napahinto ito ng nasa harap na sila ng isang napakalaking puno na maitim. Matayog ang pagkakatayo nito at sa baba malapit sa roots nito mayroong parang bilog na bato.
  Nagtaka sya bakit binitiwan nito ang kamay nya. Lumapit ito sa gilid ng parang bato na brown saka iniusog iyon.
  Namangha sya ng makitang may lagusan pala sa likod nyon. Para syang cave.
"Halika pasok..."ang ani nito sabay abot ng kanyang kamay uli . Napahawak rin sya sa malapad nitong palad. Halos di nangalahati roon and kanyang palad.
  Maingat sya nitong hinila papasok. Nang makapasok may nakita syang mahabang hagdanan patungo sa taas niyon.
At may iba pang mga tao syang nakitang pumasok din sa cave saka umakyat sa taas.
"Gusto mo bang umakyat patungong itaas? "Ang tanong nito.
"No, dito na lang muna tayo. "Ang wika nya rito. Napaupo silang dalawa sa upuan malapit sa bilog na pintuan. Nang  may marinig silang mga yabag. "May paparating!"ang wika nito na agad napatayo. Tinungo ang bilog na pintuan at pilit isinara ng walang ingay. Naisara nga nito iyon ngunit nakaabot pala ang konting ingay noon ng mapadaan ang isang grupo ng kalalakihan.
Napatayo rin sya ng masilip na huminto ang mga lalaking sakay ng kabayo sa harap mismo ng pinto. Pwersahang binuksan ng mga iyon ang malabatong pintuan. Napaatras si Meilina. Agad tumabi sa kanya si Aggriaco at kinabig sya palapit rito. Na para bang anumang sandali sasaktan sya ng mga lalaking pumasok doon.
"Nasaan ang mga kasamahan nyo?! "Ang mabagsik na tanong ng lalaking mataba at  maputi. Di ito katangkaran at sa wari ni Meilina ito ang pinakaleder ng mga ito. Nadama nyang bad itong tao.
"Boss! May hagdan pataas. Akyatin ko na "ang baling rito ng lalaking payat na tiningala ang mahabang hagdan paitaas.
  Nabahala si Meilina para sa mga kasamahang umakyat sa taas. Di nya kasi alam kung anung maaaring gawin ng mga ito sa kanila.
   Dinala sila ng mga lalaki sa parang hardin. May maraming bulaklak na nakapaligid at medyo may kadiliman sa lugar na iyon .
    Nagulat sya ng may isang kaliitang animo ay dragonfly na parang fairy na  lalaki. Napakapit ito sa kanyang palad. Tapos pagkadaka'y may lumabas na babaeng dragonfly. May kalakihan sa lalaking dragonfly. Tila galit na galit ito sa kanya.
"Fairies ba ang mga ito? "Ang tanong nya. Na biglang kinabahan ng kapitan sya ng babaeng tila fairy. Ang ganda ng kulay nito. Magkahalong pink orange at black.
Ngunit nagtaka sya bakit tila galit na galit ito sa kanya. wala syang maalala na ginawang masama rito.
Naiwasiwas nyang kamay hanggang sa tumalbog ang babaeng dragonfly sa matabang lalaki.
"Dali kunin nyo ang fairy! Di pwedeng mapunta sya sa masamang lalaking iyan! "Ang naisigaw nya. Ngunit huli na ang lahat dahil tila na absorb ng bad guy ang fairy .tuluyan na iyong pumasok sa katawan nito. Nasa loob na ng katawan nito ang spirit ng fairy.
  Naligalig si Meilina sa nasaksihan. Nanganganip na ang mga buhay nila ng mga sandaling iyon. Ayaw nya mang manaig ang kasamaan ngunit wala na syang magagawa pa .......
   Bigla syang nagising. Pawis na pawis sya at ramdam nya ang sobrang lakas ng kaba ng dibdib.
"Thanks God!  Panaginip Lang pala iyon. Napasamang panaginip... "ang sabi nya. Napalinga sya sa paligid papahapon na pala. Di na matindi ang sikat ng araw sa labas ng kanilang kubo. Bumangon sya at lumabas ng silid. Gusto nyang sumagap ng hangin sa labas baka sakaling maibsan ang bigat na kanyang nararamdaman ng sandaling iyon.

LOVE AFFAIR IN DREAMWORLD(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon