Chapter 2

522 10 0
                                    

         Napapaisip si Meilina habang nakaupo sa kanyang upuan sa harapan ng cash register. Kung anu bang ibig ipinapahiwatig ng kanyang panaginip bago sya magising kaninang umaga. Sangkot pa naman din ang kanyang mga abuelo at abuela roon. Gusto nyang malaman kung anu bang gusto nilang ipahatid sa kanya.

"Hoy! Meilina, anung bang tinutunganga mo riyan? Hinihintay na ng customer natin ang total ng bayarin nya. Dali na at baka magalit na yan! "Ang pukaw ni Lelette sa pagmumuni-muni nya.
"H-huh?! Ah, wait. Pasensya na girl ha,"ang sabi nya dito sabay total ng mga prices ng books. Pagkatapos ay nakangiti nyang inabot ang bayad nito.

  Nang makaalis na ang customer nila ay agad syang nilapitan uli ni Lelette sa kanyang pwesto.

"Anu bang iniisip mo at parang wala ka ata sa sarili? "Ang agad nitong tanong sa kanya pagkalapit na pagkalapit nito.

"Nanaginip kasi ako girl eh. May lalaki akong nakausap sa kagubatan then biglang napunta kina lolo at lola. "Ang sabi nya rito.

"Eh, di ba matagal ng patay ang mga abuelo mo? Baka may nais silang iparating sayo. "Ang sabi nito saka biglang napangiti.

"Hmmm... diba sabi mo may lalaki kang nakausap? Baka iririto ka ng mga abuelo mo doon girl! Ayy nakakakilig naman yang panaginip mo!"ang napatili nitong wika sa kanya.

"Heh! Magtigil ka nga dyan, Lelette! Kilabutan ka nga dyan sa mga pinagsasabi mo, anu? "Ang sabi nya rito.

Di sya nangiti sa sinabi nito. Bagkus ay bigla syang nakadama ng kakaiba at di nya malaman kung bakit ganoon.

"Sus! Ito nman di na talaga mabiro.. "ang sabi nito saka ito umakbay sa kanyang balikat.

"Alam mo ha, baka gusto lang ng mga namayapang matatanda na bisitahin mo iyong puntod nila. At puntahan mo ang maliit na bukiring ipinamana nila sayo! "Ang sabi nito na biglang nagseryuso.

"Iyan nga din ang naiisip ko eh. Next month na lang kapag medyo matumal na ang benta natin saka ko pupuntahan iyong bukid. "Ang wika nya.

Sabay pa silang napalingon sa pintuan ng store ng dumating ang boss nilang si Ronald. Agad namang bumalik si Lelette sa pwesto nito at nagbi-busy-han. Sya nman ay muling ipinagpatuloy ang ginagawang pag-u-audit sa computer.

   Kinagabihan ay muli na nman syang nanaginip na kanyang ikinamangha ng labis.

Sa kanyang panaginip ay kasama nya ang kanyang mga old classmates noong high school sya. Matagal nya ng di nakikita ang mga ito. Simula ng magwork na sila ay di nya na nakikita ang mga ito. Kaya nman ay labis syang natuwa.

   Sumakay sila ng bus. Mayroon daw silang field trip ng araw na iyon. At masaya silang nagkukwentuhan habang tumatakbo sa daanang kanilang service bus.

Nang marating nila ang paroroonan ay agad ng nagsibabaan ng mga ito. Kanya-kanyang kuha ng mga ito ng gamit bago bumaba sa bus.

Si Meilina nman ay sumama sa isang kakilala nya ng bumababa sa bus. Di nya alam kung saan nya ito nakilala. Basta ang alam nya ay dati nya na itong kilala. At di nya rin ito classmates. Parang teacher ata ito na ewan sa kanyang pagkaalala. 

Doon sya makikitulog sa bahay nito. Ang bahay nito ay nasa gilid lamang ng bundok na kanilang pupuntahan. Sakup ng bundok ang lupang kinatitirikan ng bahay nito. Hanggang sa pababang bahagi ng paanan ng bundok. Na kung saan ay may sapang may malinaw na tubig.

Bumaba sya papunta doon sa sapa.  Nang makita nyang bumaba rin ito. Dami nyang nadaanan na fruits trees. Nakita nya lamang ito ng malapit sya sa sapa.

"Sa inyo pa ito? "Ang di nya napigilang tanong ng madatnan nya itong nakatayo roon.

"Oo. "ang maikli nitong wika.

"Pwede ba akong mamasyal sa banda roon? "ang sabi nya sabay turo ng kabilang bahagi ng sapa.

Tumango ito, kaya agad syang lumusong sa mababang bahagi ng tubig ng sapa. Malamig iyon ngunit di nya alintana.

  Medyo makapal ang mga damo na nadadaanan nya hanggang marating nya ang isang puno na malaki. Napakataas niyon ng kanyang tingalain. At ang kulay ng puno ay itim na itim.

Namangha pa sya ng sa pagtingin nya bigla sa isang bahagi ng puno ay mayroong parang balon. Na may malinis na tubig s loob niyon. At namangha pa sya ng mapansing nasa loob pala iyon ng kahoy na hugis pabilog na nagsilbing balon.

"Paano kaya nangyari na biglang napunta sa loob ng kahoy iyong tubig? "Ang nagtatakang sabi nya sa sarili. Di nya talaga maintidihan paanonangyari iyon.

Naipagkibit-balikat na lamang nya iyon. Di nya ginalaw ang tubig or ni hinawakan man lang ang punong iyon. Nagpatuloy sya sa kanyang paglalakad. Maya-maya pa ay  may nakita syang isang maliit na kubo.

Na curious sya kaya kanya itong nilapitan. Gusto nya pa sanang pumasok ngunit parang may pumipigil sa kanyang huwag pumasok doon. Kaya di nya itinuloy ang balak.

Nang biglang bumukas ang pintuan niyon at iniluwa ang isang matandang babae na may mahabang buhok. May kaputian na ang mga buhok nito sa ulo.

"Halika ka ineng. Pumasok ka rine. "Ang aya nitong wika sa kanya.

Papasok na sana sya ng may biglang humawak sa kanya.
"Huwag! Wag na wag kang papasok sa loob. Dahil di ka na muling makakalabas pa! "Ang mahinang sabi ng lalaking di nya maapuhap ang mukha.

Pagkatapos ay bigla itong nawala ,  kaya nman ay napalinga- linga sya kung saan ito nagpunta. Muling napalabas ang matanda at akmang hahawakan sya nito. Ngunit agad syang nakaatras sabay takbo paalis doon. Humihingal syang napahinto ng malayo na ang natakbo.

"Huh! Muntikan nya na talaga akong mahila papasok doon ah! "Ang napabuntung-hininga nyang usal sa sarili.

Tutop ang dibdib ay muli syang nagulatang ng nasa harapan na sya uli ng malaking punong itim.

Napatingala sya sa matayog nitong katawan. Napakataas talaga niyon ng tingnan. Nagtataka sya sa sarili kung paano sya nakarating doon. Samantalang malayo na ang kanyang narating ng maglakad sya palayo dito kanin. Kesa sa magkalkal ng magkalkal sya ng sagot sa isip ay naisipan nya na lamang bumalik na sa bahay ng kaibigan. Tatanungin nya ito kung matagal na bang nakatayo ang punong iyon sa pag-aaring lupa ng mga ito.

"Buti na lang talaga ay may lalaking pumigil sa aking pasukin ang kubong iyon. Sino kaya iyon? Bakit di ko man lang naaaninag ang mukha nito. "Ang sabi nya habang naglalakad.

Ramdam nya pa ang kabang bumalot sa kanya. Medyo hingal pa rin syang naglakad pabalik.

     Napabalikwas bigla si Meilina ng marinig ang kanyang alarm. Tunog iyon ng tunog. Natahimik lamang ang kanyang buong silid ng ini- off nya ang alarm.

"Huh! "Ang namutawi sa bibig nya.

"Ang sama nman ng panaginip na iyon. Ramdam ko pa ang takot ko. "Ang usal nya sa kawalan sabay hawak ng dibdib.

Agad syang tumayo para tunguhin ang kanyang kusina. Kumuha ng baso saka nagsalin ng tubig roon. Nakailang lagok muna sya ng tubig bago nahimasmasan sa kabang nadarama nya.

Parang totoo talaga ang panaginip nya. Pangalawang beses na syang nananaginip na may kasamang lalaki. Bakit kaya ganun ang  panaginip nya? Ang mga tanong na iyon ang naglalaro sa kanyang isip bago sya naghanda papasok sa work nya.

LOVE AFFAIR IN DREAMWORLD(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon