Napakalaking palaisipan kay Meilina ang nangyari sa kanya. Mawala ba nman sya ng isang linggo ayon sa boss nya at kay lelette ng pumasok sya sa shop. Wala syang sagot or paliwanag na nasabi sa mga ito.
Madaming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan. Ngunit di nya kayang bigyan ng mga kasagutan. Dahil kahit sya ay nagtatanong din sa kanyang sarili.
Ang mga panaginip nya ay di nya na maalala ng buo. Tanging ang naalala nya nagkaron sya ng anak sa panaginip. Pero di nya mapaniwalaan kasi nga sa panaginip lamang nya nakikita iyon.
Ayaw nya din namang sabihin sa mga ito kasi di rin nman nila paniniwalaan.
Pilit nyang winaglit ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isip. Di nya maipapaliwag ang nangyayari sa kanyang panaginip na tanging sya lamang ang nakaka experience noon.
Pero bakit ganoon na lang ang saya nya sa kanyang panaginip. She feels like she do have a real family in her dreams.
Kinalimutan na lamang ng boss nya ang isyung pagkawala nya. Balik sa normal uli ang samahan nila. Na tila ba walang anumang nangyari.
Kinagabihan late na sya nakauwi dahil pilit nyang tinapos ang mga gawain na nakatambak sa loob ng isang linggong pagkawala.
Nang lumapat ang kanyang katawan sa bed agad syang nakatulog ng mahimbing. At kasabay ng mahimbing nyang tulog muli syang nanaginip.....
"Anak....anak..."ang naririnig nyang tawag ng boses babae.
Nakita ni meilina ang isang batang tantiya nya ay grade school na. Nakatalikod ito sa gawi nya at may kaharap na mataas na lalaki. Na pakiwari nya ay syang dahilan kung bakit naroroon ang batang lalaki.
Sa unahan ng mga ito parang may isang bangin na malalim kung saan may nakita si meilina na parang bilog na bato. At naisip nya na iyon ang dahilan kaya naroroon ang bata. Dahil gusto nitong mabawi iyon.
Gusto nya sanang lapitan ito ngunit lumakad ang lalaking parang isang hari ng mga bad guys!
Iniusog nito ang importanteng bagay malapit sa bangin upang maihulog nito agad kapag nagtangka itong abutin iyon.
Napaatras ang batang lalaki ng humakbang palapit ang hari na may tungkod na hawak. Hanggang malapitan nito ang bagay na kelangang nitong kunin. At sa isang iglap mabilis nitong nadampot ang batong bagay saka sya nito binalingan.
"Halika na kelangan na po nating umalis rito "ang baling nitong sabi sa kanya. Nagulat man sa sinabi nito ngunit napasunod na rin sya ng lumapit ito sa isang itim na wall. Bigla iyong naging lagusan.
"Dali sumunod ka sa akin.. "ang sabi nito saka pumasok sa lagusan.
Napasunod syang pumasok ng makita nyang nawala na ito. Halos di sya makahinga ng pumasok sa mala bubbles na lagusan. Para iyong plastic na nilalaruan nya noon. Iyong plastic na pinapaputok nya sa pamamagitan ng pagpisil. Akala nya masu-suffocate sya sa loob niyon ngunit di pala. Nakasunod sya sa bata hanggang sa marating nila ang lagusang parang slide tunnel sa mga malalaking palaruan.
"We need to fly! "Ang narinig nyang wika ng bata.
"Huh?"ang napangangang wika nya rito. Lilipad sila sa maliit na butas ng tunnel na iyon. Natatakot syang baka masipa nya or maipit ang bata.
Kaya ng mauna itong nagdive pababa. Napasunod rin syang dumive doon kahit alanganin sya. Buti na lang at nakontrol nya ang speed ng paglipad niya.Para tuloy silang si peter pan na lumilipad sa isang pasikot sikot na lagusan.
Ang bottom Line ng lagusan ay isang napakahabang stairs. Kung saan napatumbling pa sya dahil na out of balance sya. Di nya nakontrol ang lipad kaya ng bigla syang napahinto. Di nya napigilan ang tumambling. Natawa tuloy sya sa nangyari sa kanya.
Nang mapaangat sya ng mukha nagulat sya ng makita ang mga batang may suot suot na kulay green. Shirt and pants. At di lang basta pants iyon kundi nilalagyan ng air ang loob nito.
Kitang kita nya ng masira iyong isang pants ng green boy pinaayos nito kasi sumisingaw ang hangin palabas.
"Are you okay Meilina? "Ang narinig nyang wika ng isang lalaki.
Napalingon sya sa nagsalita. Si Aggriaco..
"O-ok lang ako. "Ang agad nyang sabi saka napatayo sa kinauupuan nya. Inabot nito ang isang kamay sa kanya.
"Come, I need to show you something. "Ang wika nito saka sya iginiya palabas roon. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya na para bang ayaw nitong mabitiwan iyon.
Pumasok sila sa isang silid. Muli nyang nakita ang batang lalaki na nakasama nya kanina sa isang madilim na lugar.
"Come Griaco... "ang wika nito sa bata.
"Opo kamahalan. "Ang agad na talima ng bata ng makita sila.
"Kilala mo ba kung sino ang kasama ko? "Ang tanong nito sa bata.
"Sino po sya? "Ang inosente nitong tanong.
"Sya ang iyong ina. "Ang nakangiti nitong wika sabay yuko sa bata at inakbayan ito.
"Sabi po ni inang reyna wala daw po akong ina dito. Paano sya napunta dito.? "Ang tanong nito saka sya sinulyapan.
Parang may kamay na humaplos sa puso ni meilina. Ang batang nakasama nya ay anak nya? Kahit naguguluhan pilit nyang inunawa ang sinabi ni Aggriaco.
"She'll stay with us. Promise. I won't ever let her go again. "Ang may determinasyong saad nito sa anak saka sya nilinga.
Nilapitan sya ng bata. Tinitigan, sinusuri sya. Na para bang binabasa nito ang nilalaman ng kanyang puso. Saka maya maya napatakbo iyon sa kanya. at yumakap ng mahigpit.
"Hwag nyo na po akong iwan ina.... "ang napapaluhang wika nito.
Nakadama sya ng habag rito. Nayakap nya rin ito ng mahigpit. Dama nya ang kakibang hatid ng yakap nito sa kanya. May anak sya na di nya man lang nakitang lumaki kasama sya?
"You will stay with us Meilina. "Ang sabi ni aggriaco sa kanyang likuran. Naramdaman nyang yumakap ito sa kanya. Niyakap silang dalawa ng anak nya.
Nang kumalas ang bata at nagpaalam na lumabas. Hinarap nya si Aggriaco.
"Maraming tanong na gumugulo sa isipan ko Aggriaco.. "ang naguguluhang wika nya rito.
"Alam ko meilina at ipapaliwanag ko sayo lahat."ang malumanay nitong wika. Iginiya sya nito sa pandalawahang upuan. Napaupo silang dalawa doon. Payakap syang hinawakan ni Aggriaco.
"Lahat ng bagay na nakikita mo rito ay totoo ngunit kapag ikaw ay nagigising na sa iyong pagtulog. Nakakalimutan mo na ang lahat ng ito Meilina. Dahil nasa daigdig kita. "Ang ani nito. Pinaharap sya nito saka hinawakan sa baba.
"Nang una kitang masilayan maraming taon na ang nakakaraan. Naging stalker mo na ako sa iyong panaginip. "Ang ani nito na lalo pa syang hinigit palapit.
Namamangha sya sa mga naririnig na salita mula rito. Parang di nya lubos maisip na nasa ibang daigdig sya.
"Ang katumbas ng isang taon sa inyo ay isang araw dito meilina..."ang wika nito kasabay ng pagbaba ng mga labi nito sa kanyang bibig. Naramdaman nyang lumapat iyon at hinalikan sya ng masuyo. Para bang hanging dumampi lamang sa kanyang labi.
Napayakap sya sa leeg nito ng angatin sya bigla sa upuan at dinala sa kama ng silid na iyon.
Muli nag-usap ang puso nilang dalawa. Nawawala sya sa katinuan kapag nasa kamay na sya ni Aggriaco .
"Akala ko noon di kita maaangkin meilina. Ngunit mali pala ako dahil dama ko rin na mahal mo ako kahit di mo naaalala ang aking mukha. "Ang wika nito sa pagitan ng mga halik.
"Ang puso ko ang nakakaalala sayo aggriaco. Kahit di kita namumukhaan. Nakatago ka nman sa loob ng puso ko. "Ang wika nya na muling tinugon ang mga maiinit nitong mga halik .
Makailang ulit sya nitong inangkin. Hanggang sa pawang maibsan ang kanilang pananabik sa isat isa.
"Will you stay with us this time? Paulit ulit ko na itong itinatanong sayo meilina. But until now you haven't give me your answer. "Ang wika nito. Nakayakap ito sa bewang nya. Wala silang anumang saplot tanging ang kumot lamang ang nakatabing sa kahubdan nila.
"Let me think it first aggriaco "ang naisatinig nya. Di nya malaman ang sasabihin. May family sya dito sa ibang daigdig. Ngunit tama bang di nya na nanaisin pang bumalik sa daigdig ng mga mortal?
BINABASA MO ANG
LOVE AFFAIR IN DREAMWORLD(Completed)
Fantasi#2-dreamworld #3-otherworld #6-fellinlove TEASER "Meilina.... Meilina.... "ang naririnig na tawag sa kanya ng isang lalaki. Lumingon sya at tumingin sa paligid. Nahagip ng paningin nya ang isang lalaking may matikas na pangangatawan. Malaki i...