15

139 3 0
                                    

Chapter 15

Kylie's PoV

Nandito na ako sa loob ng kwarto ko at pinikit ang mata ko, itulog ko na lang 'toh para mawala yung stress ko.

**a few moments later**

"Kylie? Kylie?"rinig kong sabi ng isang boses ngunit hindi ito pamilyar sakin.

"S-sino ka?"tanong ko naman dito.

"Ako ang guardian mo"sabi niya naman.

"Huh? Wala akong natatandaan na may guardian ako"sabi ko dito habang nakakunot ang noo malay ko bang nangunguha pala ng mga maga-ganda 'yan? Edi nayare ako? Chareng haha.

"Ako ang guardian mo at nagparamdam ako sayo dahil gusto kitang turuan ng kakaibang ability at alam kong magagamit mo ito"sabi niya naman sakin kaya parang na excite ako, alam niyo naman ako diba? Kapag power o abilities mabilis ako diyan haha.

"T-talaga po?"tanong ko dito at hindi maka paniwala.

Meron siyang mga sinabi sa akin at mga pinagawa, nung una nahirapan ako pero nung bandang huli na naging madali na ito sakin.

**back to reality**

Nagising ako at napatingin sa orasan ko, 5:10am na pala pero bakit parang saglit lang yung tulog ko?

Dumiretso na ako sa kusina sa baba at nag luto ng breakfast namin tsaka ako naligo.

Binuksan ko yung speaker namin at kinonek sa cp ko at nagpa tugtog pero mahina lang syempre baka magising ang mga kapit bahay.

Umakyat ako papunta sa kwarto nila Natasha at pinihit ang door knob nagulat naman ako kasi hindi nila ni lock, baliw talaga tss.

"Hoy magsi gising na kayo aba! Baka nakaka limutan niyo may misyon pa tayo"sabi ko sa kanila at niyugyog sila, ang unang nagising ay si Lucy sunod si Amber at huli naman si Natasha.

"Bakit naka bath robe ka lang?"tanong kaagad ni Amber.

"Good morning ho ahh!"sarcastic kong sabi kasi nag tanong agad wala pang good morning, ayos din.

"Ayy haha sorry, Good morning Kylie"naka ngiti niyang sabi sakin At bumabagsak parin ang talukap niya.

"Osiya! Magsi ligo na kayo at kumain na tayo nagugutom na ko pero bago yun magbibihis muna ako"sabi ko sa kanila at halatang babalik pa sana sila sa higaan ng magsalita ulit ako.

"Hep! hep! Kilos na!"sabi ko sa kanila.

"Horayy!"sabi naman ni Lucy at tumayo na at naglakad papasok sa cr kaya napatawa ako, hephep horay pa nais haha wowowin na this.

"Haha loko loko!"sabi ko na lang at pumasok na sa mini room ko sa atique.

Sinarado ko na ang pinto at ni-lock nung makapasok ako dito sa loob, nag hanap muna ako ng susuotin kong damit para sa pag pasok ko dahil wala namang uniform yung High University na 'yun dahil P.E lang ang meron sila.

Nakita ko naman yung sando na color white na sobrang nipis ng strap at yung fitted na jeans, kinuha ko yung denim ko at sinuot din.

Sinaksak ko muna yung charger ng cellphone ko at chinarge ito.

Tinanggal ko na yung tuwalya sa ulo ko at sumasabay sa kanta habang nag susuklay.

~ havana oh na na, half of my heart is in havana oh na na, He took me back to east atlanta na na na, all of my heart is in havana there's something 'bout his manners havana oh na na ~

Sabay ko sa kanta habang nag susuklay ako, nag-lagay na ako ng foundation at blush on naglagay din ako ng lip tinit na night berry yung shade.

Tinignan ko yung kabuoan ko sa salamin at okay na, sandali! Yung mata ko pala bawal sa school at yung mga buhok nila dahil bawal ang may kulay at contact lense sa University na yun.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon