The story of Kylie Jaime Khatz who is abandoned by her parents without any reason, maybe they have reasons why they left her but Kylie didn't know that because she was a baby that time at wala pang kamuwang-muwang, back then there was a lady na lagi...
Panibagong araw na naman at may pasok na ulit kami, tatlong araw na kaming naghahanap sa prinsesa pero wala parin kaming nakikita at lagpas isang linggo na kami dito sa mundo ng mga tao, minsan nga naiisip ko kung mapagta-tagumpay-an pa ba namin ang misyon na ito. Ito ang unang misyon na natanggap ko at napaka bigat na agad nito, hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang ganon na nga, charott.
Ah! Ngayong araw pala ay may laro ang Varsity ng school namin, ang Madrid University ang pinaka matinding kalaban ng High University kaya I'm sure na maraming manonood at marami ding susuporta sa magkabilang school, kaya pwedeng pumasok at manood ang mga taga outsiders at syempre kailangan namin mag support sa mga ka-school mates namin.
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko upang maligo Pagkatapos kong mag luto kanina.
Pagkatapos kong gawin ang routine ko ay bumaba na ako para sumabay sa kanila kumain nag dress lang ako dahil tinatamad akong mag combine ng mga damit ko at ito ang OOTD ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagkababa ko ay saktong tapos na din silang mag bihis kaya sabay sabay na kaming kumain at pumunta ng school.
Nandito na kami sa school at lahat mg mga nadadaanan ay mga busy at may kaniya-kaniyang ginagawa.
Pumasok na kami dito sa room at lahat naman ng mga classmates namin ay mga busy din.
"Thea? Bakit lahat kayo may ginagawa?"tanong ko kay Thea ng makita kong nagle-letterings siya.
"Sabi kasi ng Adviser natin since classmate natin ang isa sa Varsity nitong school which is Mr. Jimenez we need to support him at para naman sa iba pang varsity section na nila ang bahala sa kanila"paliwanag samin ni Thea.
"Kelan naman yan sinabi?"tanong ko ulit sa kaniya.
"Kanina, kaka-alis nga lang ni Ma'am Rosalie eh"sabi niya ulit, okay sige hirap talaga pag walang alam.
"Good morning class"biglang sabi ni sir Marte ng pumasok siya dito sa loob ng classroom namin kaya lahat ng mga kaklase ko ay agad na tinago ang mga ginagawa nila at nag response sa pagbati samin ni sir.
"Okay you may now sit"sabi ni sir Marte kaya umupo na kami.
"Since mamaya na ang laban ng varsity natin at ako ang coach nila ay papayagan ko kayong tapusin lahat ng ginagawa niyo para sa classmate niyo na si mr. Jimenez"sabi ni sir kaya nag hiyawan tuloy yung mga kaklase ko at pinagpatuloy ang mga ginagawa nila.
Tumingin ako kung saan naka upo si Ivan Jimenez at hindi ko siya doon nakita marahil ay naghahanda na sila para mamaya.
"Iiwan ko na muna kayo saglit para tignan kung maayos ba ang ginagawa ng mga players natin okay? Maasahan ko ba kayo na walang gulong mangyayari dito at tatahimik kayo?"sabi samin ni sir kaya napatingin kami sa kaniya.