Chapter 28
Kylie's PoV
"Opo"sagot ko sa paalala ni Jamaica, buti nalang at naniwala sila sa walang ka-kwenta kwenta kong palusot.
Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin kong wala pang sinaing kaya ako na mismo ang nag saing kasi wala naman ako ginagawa eh.
Nagdal-dalan lang kaming tatlo hanggang sa matapos ang mga niluluto namin kaya kumain na din kami kaagad.
***burp***
Tatlo kaming sabay sabay na nabusog dahil sa sobrang sarap ng kain namin.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas na kami ng mga pinagkainan namin at nagpahinga kami sa sala.
"Kyaaaaaaaah!!"napatili ako dahil sa lakas ng kulog at biglang umulan ng malakas.
"Sorry hahaha magugulatin lang talaga ako eh"sabi ko sa kanila at ngumiti pa.
"What if maligo tayo sa ulan?"tanong ni Alesha samin at halatang excited.
"Hindi na tayo bata Alesha mag tino ka"sabi sa kaniya ni Jamaica habang nailing pa.
"Ikaw lang 'noh! Gurang kana kasi!"pangaasar ni Alesha kay Jamaica kaya napa tawa ako.
"I find it good, wala namang mawawala kung maliligo tayo sa ulan diba? Basta wag lang tayo mag tagal kasi baka magka sakit tayo"sabi ko sa kanila kaya tumango naman silang dalawa.
"This is our bonding time together, arat naaaaa!"excited na sabi ni Alesha at hinila na kaming dalawa palabas ng dorm.
Kahit umuulan ay hindi naman madilim dahil 2:34pm pa lang naman at napa ngiti ako dahil may mga ibang studyante din pala na naliligo sa ulan hindi lang kami haha.
Naka spaghetti sando lang ako habang naliligo sa ulan at sila Alesha naman ay naka tshirt hindi na ako nakapag palit kasi nga hinila na kami ni Alesha kanina eh.
Nagulat ako ng bumuhos saming dalawa ni Alesha ang napaka raming tubig kaya napa lingon kami ngayon kay Jamaica na tawa ng tawa, malamang siya ang may gawa.
"Weh pa-enchin yung gurang"panga-asar ni Alesha kay Jamaica kaya makikisali na din ako.
"Ahh gurang ka pala eh HAHAHAHA"sabi ko at tumakbo ng marahang hahabulin niya kami ni Alesha.
"Lagot talaga kayo sakin pag nahuli ko kayoooooo!"sigaw samin ni Jamaica pero hindi niya naman kami mahabol hahaha.
"Ano tanda? Pagod kana?"pang aasar ko dito dahil huminto siya sa pag habol samin.
Hinawakan ni Alesha ang kamay ko at sabay kaming tumakbo dahil hindi ko nakita si Jamaica ay palapit na pala sakin kaya hinila ako ni Alesha.
Habang tumatakbo kami ay may nakikita akong anino ng parang tubig at ang laki nito pero huli na ng mapansin ko dahil nilamon na kami nito.
Potek! Hindi ako maka-hinga! Napa tingin ako sa baba at ngayon ko lang napansin na lumulutang pala kami at palapit na kami ngayon kay Jamaica.
"Pwede ka nang huminga Kylie nilagyan ko ng Air bubble ang buong ulo mo"pagkasabi sakin ni Alesha nun ay nag habol hininga ako.

BINABASA MO ANG
Magical Academy
FantasyThe story of Kylie Jaime Khatz who is abandoned by her parents without any reason, maybe they have reasons why they left her but Kylie didn't know that because she was a baby that time at wala pang kamuwang-muwang, back then there was a lady na lagi...