32

127 4 0
                                        

Chapter 32

Kylie's PoV

Kasalukuyan na akong nagbibihis ngayon dahil pupunta na ako sa office ni tita dahil may pupuntahan daw kami, naka suot na ako ngayon ng longsleeve na black at skirt na gray and then boots na black.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at kinuha na ang jacket kong makapal at sinuot ito.

Pag labas ko ng dorm ay nakita ko si Lister na nakakunot ang noo.

"Tara na"pagaaya ko sa kaniya at hinila na ang kamay niya pero dahil sa lakas niya ay ako ang nahila at napalapit sa kaniya.

Sinuot niya sakin ang scarf na suot niya kanina kaya napa simangot ako.

"It's too much"sabi ko habang nakanguso.

"No, it's for you not to get cold"sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

"Aray ko naman! Kung makapisil ka parang, pisngi mo?! Pisngi mo ha?!"sarcastic kong sabi sa kaniya habang nadaing.

"Come on"sabi niya at hinila na ako papunta sa office ni tita.

Nandito na kami ngayon sa loob ng office ni tita kaya takha niya akong tinignan mula ulo hanggang paa at ganon din ang ginawa niya kay Lister.

"Why didn't you wear your bonnet?"tanong niya sakin at nilapitan ako tsaka pinagpagan ang ulo ko at balikat na maraming yelo.

"And why are you here Mr. Jonz?"takha niyang tanong kay Lister.

"Ahm...he's coming with us"ako na ang sumagot kaya bumalik ang tingin sakin ni tita at tumango.

"Give me five minutes, I'll just go and get ready"sabi niya at umalis na.

Agad namang naka balik si tita at naka bihis na, lumapit siya sa akin at sinuotan ako ng bonnet.

Paalis na kami ng biglang may kumatok sa pintuan ng office ni tita kaya duon nabaling ang atensyon naming tatlo.

"Oh! You're going out?"tanong samin ni sir Mclath at nagulat ng makita kaming dalawa ni Lister pero ngumiti naman siya ng matamis kay tita.

"Yes, wanna come?"natural na tanong ni tita kay mr. Mclath.

"Pwede ba?"tanong ni sir kay tita at tumingin din sakin at kay Lister kaya tumango kami.

"Let's go, baka ma-late pa tayo"sabi ni tita at hinawakan na ang kamay ko kaya sumunod na lang ako sa kaniya.

Habang naglalakad kami sa kung saang hindi ko alam ay kahit malayo pa may nakikita na ako kabayong may pakpak tapos may sungay pero isa lang? U-unic-corn?

Nang makalapit na kami ni tita ay pinagmasdan ko ng maigi ang unicorn kung totoo nga siya kasi diba hindi naman sila totoo? They are just part of someone's imagination but now look at this beautiful creature it makes me adore her even though I don't really like unicorns.

Hinakawan ko ang pisnge ng unicorn at naka tingin ito sakin.

"Beautiful"mahina kong bigkas sa sarili ko.

"Thankyou honey"rinig kong sabi ng isang boses kaya napa lingon ako sa likod ko pero walang kahit sino, tinignan ko naman si tita pero hindi niya naman boses yon at imposibleng boses nila Lister yon, duh?

Kunot noo kong binalik ang atensiyon ko unicorn at nagsalita ako.

"I know it's crazy but are you the one who said thankyou?"tanong ko sa kaniya at nagulat ako ng bigla niya iangat ang dalawa nyang paa at iginalaw ang mga pakpak kaya dali-dali si Lister lumapit sakin at inilayo ako sa unicorn.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon