Chapter 30
Kylie's PoV
"So bakit ka napa punta dito sa office ko?"tanong niya sa akin ng hindi ako tinitignan.
"Wala lang, bored kasi ako sa dorm eh ako lang mag isa don"sabi ko at pinalibot ang tingin ko sa kabuoan ng office niya.
"Tomorrow, pag wala kang gagawin pumunta ka dito at samahan mo akong pumunta sa bayan"sabi niya kaya na-excite tuloy ako bigla.
"What? M-may bayan dito?"tanong ko sa kaniya, ang tagal ko na dito sa academy pero ngayon ko lang nalaman na may bayan pala dito.
"Kakasabi ko lang diba? Uulitin ko pa?"pambabara niya sakin kaya natahimik ako kasi wala akong masabi.
Tumayo ako sa pagkaka upo at nilibot ang buong opisina ni tita at hinawakan ang mga gamit niya.
In fairness sobrang linis ng buong opisina niya at wala akong nahawakan na kahit alikabok man lang.
"Done checking around?"sarcastic na sabi ni tita kaya napa tingin ako sa kaniya.
"Wala akong magawa eh"sabi ko at pinalibot pa ulit ang tingin ko sa buong opisina niya.
May nakita akong mga papel papel sa maliit niyang drawer kaya kinuha ko iyon at binasa, may mga naka sulat ng sched gaya ng Morning class 7:00am to 1:00pm, Afternoon class 9:00am to 3:00pm, Evening class 12:00pm to 6:00pm.
Binalik ko na yung papel at nagpa alam na kay tita dahil nababagot ako kahit anong gawin ko.
"Bye tita, I love you, see you tomorrow"sabi ko at hinalikan siya sa pisnge at lumabas na ng office niya.
Habang naglalakad ako may bumabati saking mga studyante kaya binabati ko rin sila pabalik.
"Kylie?"rinig kong tawag sakin ng isang boses babae pero hindi ito pamilyar sakin kaya hinanap ko kung sino ang tumatawag sa pangalan ko, and then I saw the Elemental Princess.
"Oh, hi"sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Hi, can I ask for a favor?"maarte niyang tanong sakin kaya kumunot ang noo ko at nag isip kung papayag ba ako o hindi.
"O-oo naman"sabi ko nalang kasi hindi ko siya pwedeng ireject.
"Can you hold this one?"Sabi niya sakin habang inaabot ang parang pencil case?
"S-sure"sabi ko at kinuha ang inaabot niya.
"Bigay mo nalang sakin after dinner sa garden"sabi niya at ngumiti ng peke.
Huh? Bakit niya sakin pinahawak 'to? Hindi ko namang pwedeng tignan o pakialaman ito dahil pinahawak lang naman niya sakin, ewan bahala na nga.
Bumalik na lang ako papasok sa loob ng dorm at nag ayos ng mga homework ko at binura ko na ang make up ko, pagkatapos ay lumabas na ako at nakita ko sila Jamaica na naghahanda na ng pagkain kaya tumulong na ako at kumain na kami.
Hindi ko namalayan ang oras at gabi na pala, busy kasi ako kakagawa ng mga kailangan kong gawin eh.
Pagkatapos kong kumain ang nag toothbrush na muna ako kasi mamaya may mga naiwan pang pag kain sa ngipin ko nakakahiya yon hahaha.
Nagpalit ako ng pants at longsleeve dahil sobrang lamig ngayon lalo na't gabi pa, nagpaalam muna ako kila Alesha na May pupuntahan lang ako saglit, lumabas na ako ng pinto ng dorm at dumiretso na agad sa garden.
Nandito na ako ngayon sa loob ng garden at kasalukuyang hinahanap ko kung nasaan ang Elemental Princess, hindi naman madilim dito sa garden dahil may ilaw naman bawat metro.

BINABASA MO ANG
Magical Academy
Viễn tưởngThe story of Kylie Jaime Khatz who is abandoned by her parents without any reason, maybe they have reasons why they left her but Kylie didn't know that because she was a baby that time at wala pang kamuwang-muwang, back then there was a lady na lagi...