26

106 3 0
                                    

Chapter 26

Kylie's PoV

"F-Frost?"utal kong sabi ng makita ko si Frost na sobrang cold ang tingin samin ni Lister at parang kakainin niya na kami ng buhay.

"What a nice view huh?"sabi ni Frost kaya bigla akong kinilabutan dahil sa tono ng boses niya.

Papatulan sana ni Lister si Frost kaya hinarangan ko kaagad ang dibdib ni Lister para patigilin siya sa balak niyang gawin.

Napa tingin sakin si Lister at pinandilatan ko siya ng mata para tumigil siya at buti nalang ganon ang ginawa niya.

"Tss"sabi ni Frost habang umiiling at naglakad na palayo sa amin.

Napa hinga naman ako ng maluwag dahil umalis na si Frost kasi kung hindi baka magka gulo silang dalawa ni Lister and I don't want that to happen.

"Thankyou"sabi ko kay Lister kaya tumingin ulit siya sakin na naka kunot ang noo.

"For what?"takha niya paring tanong sakin.

"Because you obey me na wag patulan si Frost"sabi ko sa kaniya at ngumiti nalang ng pilit.

"Welcome"sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Tara na nagugutom na talaga ako"sabi niya kaya tumango ako at sabay na kaming naglakad papuntang cafeteria.

Nakarating na kami dito sa cafeteria pero wala kaming makita na upuan dahil ang daming studyante ang nandito sa loob.

"Wala tayong maupuan"sabi ko sakaniya.

"There"turo niya naman sa gitna na pang dalawahan lang kaya naglakad na kami papunta don at umupo.

Si Lister na ang nag order ng kakainin namin at siya na rin ang nag bayad.

Tahimik kaming kumakain ni Lister nang biglang nag tilian ang mga studyante kaya hindi na ako nag abalang tumingin pa dahil baka nakakita lang ng pogi ang mga yan jusme.

"There you are bi+ch" rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa gilid ko kaya naka kunot noo akong napatingin dito at laking gulat ko ng makita ko si Amber na galit na galit na naka tingin sakin.

"Amber stop!"pigil sa kaniya ni Lucy at ni Natasha and oh, kasama pala nila si Princess Kylie.

Napa tingin ako sa paligid at hindi ko inaasahan na lahat pala ng mga studyante ay naka tingin na saamin.

Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko at naramdaman ko ding tumayo si Lister pero hindi ko nalang ito pinansin.

"W-what is it Amber?"nagda-dalawang isip kong tanong kay Amber dahil baka mamaya nagkaka mali lang ako na sakin siya galit.

"Ano 'tong nababalitaan ko ha?!"singhal niya sakin kaya napa-pikit lang ako dahil ang ayoko pa naman sa lahat ay yung sinisigawan ako, kalma self she's your best friend. 

"H-ha? A-anong nababalitaan mo?"takhang tanong ko dahil hindi ko naman alam yung sinasabi niya.

*slap!*

Napa gilid ang mukha ko ng sampalin ako ng malakas ni Amber at hanggang ngayon ay hindi parin ma-process sa utak ko ang nangyari.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon