33

117 2 0
                                    

Chapter 33

Kylie's PoV

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Lister patungo kung saan, si Mr. Mclath at si tita ay naiwan doon sa book signing habang kami naman ni Lister bibili ng pagkaing gusto ko kainin.

"Where are we heading to? Is it still far? I'm tired"pagre-reklamo ko kay Lister kasi malayo-layo na kami kila tita at gusto ko na talagang ngumata.

"Hush, we're almost there"sabi niya kaya napa simangot nalang ako dahil paulit-ulit ayan ang sinasabi niya sakin.

Habang naglalakad kami ngayon ko lang napansin na lahat ng shop or store or house or something are made from woods and it looks so unique and I kinda like it.

Pansin ko na sa tuwing may makakasalubong kami ay bahagya silang yumuyuko pag nakikita nila si Lister pero tatanguhan niya lang ang mga ito kung minsan pa nga ay hindi niya napapansin.

Napahinto kami sa isang wooden house at sumilip ako sa glass window na kita ang loob.

Napalaki ang mata ko dahil sa mangha ng makita ko na puro candies and gummies ang loob and they have chocolates too.

Hinawakan ni Lister ang baba ko para maisara ang nakanganga kong bibig.

"Isara mo yan baka pasukan ng langaw"sabi niya kaya napalunok ako.

"Di naman halata na namamangha ka"sabi niya pa kaya inirapan ko nalang siya.

Pagpasok namin sa loob ay lalo akong namangha at hindi ko mapigilang isa-isahing tignan ang mga candies.

"Good morning"sabi ng tinderang nasa counter kaya binati ko din siya.

"Oh, Mr. Jonz, good morning"bati rin ng tindera kay Lister pero what the? Kilala siya nito? Pero sa mukha palang ni Lister halatang hindi niya ito kilala.

Kumuha si Lister ng supot at iniabot ito sa akin.

"How 'bout you?"I asked.

"Nah, I don't really like that kind of stuffs"sabi niya sa akin kaya napa irap nanaman ako sa kaniya, kalalaking tao napaka arte.

"Whatever"sabi ko at nag make face pa.

Halos lahat ng klase ng candies at gummies ay kinuha ko, nang matapos ako ay inilapag ko ito sa counter, kumuha din ako ng maraming chocolates para kapag stress ako may ngangatain ako.

Nang timbangin ito sa counter ay binayaran na kaagad ni Lister at saka kami nagpaalam na.

"Thankyou, I hope you enjoy"sabi nung tindera kaya nginitian ko siya ng matamis at tumango lang si Lister.

Si Lister ang nag buhat ng dalawang plastic bag ng mga chocolates and candies habang dala ko naman ang supot na puno ng gummies.

"Sana pala binili mo nalang ang buong candy shop"sarcastic niyang sabi sa akin habang naglalakad kami pabalik kila tita.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nginata ang gummy pizza na maliliit.

"There you are!"sabi ni tita ng makita kami ni Lister.

"Bakit ang tagal niyo naman?" Tanong ni Mr. Mclath.

"Paano ba naman kulang nalang bilihin ang buong candy shop eh, nahiya pa" sabi ni Lister kaya inirapan ko nalang siya.

"Wala kang paki!"sabi ko at parang batang inaasar siya.

"Of course I care! Duh? Ako kaya ang nagbayad"sabi ni Lister at sinapo ang noo niya.

"You care? Well I don't care"sabi ko sa kaniya at dinilaan siya, akmang makikipag talo pa sana siya ng magsalita si tita.

"Stop it! Ikaw talaga Kylie lumalabas nanaman pagiging childish mo, halina kayo't may meeting pa kami"sabi ni tita at nag simula ng maglakad.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon