Chapter 31
Kylie's PoV
Nang magising ako ay may nakita akong snow kaya nagulat ako, tinignan ko ng maigi sa bintana at totoo ngang may snow pero pano?
Naligo na ako at buti nalang may heater yung shower kaya naka ligo naman ako ng maayos.
Nang matapos akong maligo ay nagluto na ako ng almusan namin at kumain na, pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto ko at nag make up na.
Gagawin ko ang itinuro sakin ni Katie about sa make up, dahil hindi na ako ang dating ako na walang paki alam sa mukha.
Binigyan din ako ni Katie ng make up collection kaya completo ako ng mga brush at palette, natural make up lang naman yung gagawin ko ayoko ng full pack, sakana.
Una kong ginawa ay kinuha ko ang liquid foundation ko at nilagay ito sa mukha at siniguradong naka blend ng maayos, sunod ay ang concealer at nag lagay lang ako sa ilalim ng mata at sa noo at dapat naka blend din ng maayos, and then lose powder, naglagay ako ulit sa ilalim ng mata at ito na din ang ginawa kong finishing powder.
I used my ability para mapa-kapal at mapa haba ang eyelashes ko and then I curled it up, at dahil makapal naman na kontin ang kilay ko ay nag lagay nalang ako ng eyebrow gel na color brown at naglagay din ako ng highlighter sa taas ng cheekbone ko, sa taas ng kilay at sa ilong, and last naglagay ako ng matte lipstick na color brown.
Pinahaba ko ang buhok ko na hanggang bewang na curly yung dulo at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko naman sila Alesha na kumakain.
"Good morning, Wow! Ang ganda mo Kylie"sabi agad ni Jamaica at lumapit pa sa akin, ganon din ang ginawa ni Alesha.
"Mag boots ka, malamig ngayon"paalala sakin ni Alesha kaya tumango ako at sinuot ang boots ko na color black na 5 inches at hanggang taas ng tuhod, buti naman at maganda tignan sa uniform namin.
"I'll go ahead buddies, see yah"sabi ko sa kanila at lumabas na ng dorm at naglakad na papunta sa classroom namin.
Habang naglalakad ako ay binabati ako ng mga studyante na kilala ako at yung iba naman ay naka tingin lang pero hindi ako nagpapakita ng emosiyon sa kanila.
"KYLIEEEEEEEE" ayan nanaman sumigaw nanaman siya! Kilalang kilala ko na kung sino yan kahit hindi na ako lumingon, nagdire-diretso lang ako sa paglalakad ko at hindi siya pinansin.
"Naka tulog ka ba ng maayos kagabi?"tanong niya sakin ng maabutan niya akong maglakad.
"Medyo lang"paga-amin ko.
"Okay ka na ba?"tanong niya ulit sakin.
"Ofcourse, kailangan eh"sabi ko sa kaniya ng walang emosiyon.
"Very good!"sabi niya at ginulo ako buhok ko.
Ang daming tumatawag sa pangalan niya pero yung iba hindi niya pinapansin at yung iba naman ngini-ngitian lang niya, tss he's wearing that smile again? Ewan ko ba pero parang nasasanay na ako sa ngisi ng lalaking 'to.
"I don't know that you're a popular"sabi ko kaya tinignan niya lang ako at natawa ng kaunti.
"Selos ka ba sa kanila? Gusto mo wag ko na sila pansinin?"tanong niya sakin at tumawa pa ng bahagya.
"Sira ulo"sabi ko nalang at nilingon siya, nakita ko na may bandage na yung sugat niya sa noo.
"Ikaw, okay ka na ba?"tanong ko sa kaniya kasi feel ko talaga masakit yung mga sugat niya, MALAMANG masakit yung mga yon! Kahit nga maliit lang na sugat mahapdi parin.

BINABASA MO ANG
Magical Academy
FantasyThe story of Kylie Jaime Khatz who is abandoned by her parents without any reason, maybe they have reasons why they left her but Kylie didn't know that because she was a baby that time at wala pang kamuwang-muwang, back then there was a lady na lagi...