23

128 3 0
                                        

Chapter 23

Amber William's PoV
(Royalties side continuation*)

"Mauna na kami"sabi ko kay Natasha at lumabas na ng dorm kasama si Princess Kylie.

Ayaw ko na din sanang pumasok pero parang nakakahiya naman kung hahayaan naming pumasok si Princess Kylie mag-isa lalo na't unang pasok niya pa lang at saka may report din ako kaya kahit ayaw ko ay pumasok parin ako kasi ayaw ko din namang mawala ang tiwala sakin ng teachers ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako o kami masiyadong nakikipag usap kay Princess Kylie baka dahil bago pa lang kami magka-kilala pero hindi eh hindi ako komportable sa kaniya not like Kylie girl and speaking of Kylie girl, bakit niya kaya naisipang gawin ang bagay na yon ng walang sinasabi sa amin?

Baka ang iniisip niya dahil kasama na namin ang prinsesa ay wala na siyang lugar sa amin? Hindi naman kami ganon at bakit niya kami pagiisipan ng ganiyang bagay?

By the way naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom namin at wala naman masiyadong mga studyante ang nandito sa hallway dahil baka mga busy sila kaya hindi kami matatagalan.

Nandito na kami sa tapat ng classroom at binuksan ko na ang pintuan, nagsi-tayo-an ang mga classmate namin at nag bow kay Princess Kylie, so alam na pala nila ahh.

Nag bow din si Princess Kylie at ngumiti sa kanila bago pumasok sa loob, nakita 'kong naka upo na sila Bryson sa mga upuan nila at si Frost naman ay naka upo sa likod kung saan katabi niya dati si Kylie, bakit dun pa rin siya naka upo eh hindi naman talaga doon ang upuan niya ahh?

"May I sit here?"tanong ni Princess Kylie kay Frost na ang tinutukoy ay ang upuan ni Kylie.

"No!"malamig na sabi ni Frost at pinatungan niya pa ito ng dalawang paa niya at hindi natingin sa direksiyon ni Princess Kylie.

"Why not? Wala namang naka upo eh"maarteng sabi ni Princess Kylie at hinawakan pa ang upuan kaya this time napa tingin na sa kaniya si Frost, lagot na mukang nainis niya 'ata si Frost.

"I said no! Just a simple word you can't understand! You cannot sit here because someone's own it!"singhal sa kaniya ni Frost at ang mukha ni Princess Kylie ay parang nairita, kami namang Royalties ay hindi kami pumapasok sa usapan nila dahil baka kami naman ang pag initan ng ulo ni Frost, huhuhu nakakatakot magalit 'yang si Frost kung hindi niyo lang alam.

Nagulat kami ng umupo parin si Princess Kylie sa upuan ni Kylie girl kaya nag apoy lalo ang tingin sa kaniya ni Frost, you're dead.

Nagulat kami ng biglang tumayo si Frost at itinulak ng malakas ang upuan niya dahilan para magulat kaming lahat na nandito sa loob ng classroom.

Dire-diretsong naglakad si Frost palabas ng classroom at wala niisa sa amin ang balak na sundan siya dahil baka hindi na kami maka balik dahil naging abo na kami.

"Ahm... Princess Kylie? ... Wag niyo po m-masiyadong galitin yung si Frost dahil hindi po maganda ang nangyayari kapag nagagalit siya dahil wala siyang sinasanto"sabi sa kaniya ng kakambal ko kaya tumango lang si Princess Kylie at ngumiti.

Bakit parang wala akong nararamdaman manlang na takot mula sa kaniya? Kung kami kasi yon baka hanggang ngayon kinakabahan parin kami kahit wala na dito sa loob ng room si Frost.

Halata kay Frost kanina na naiinis na talaga siya sa Prinsesa at pinipigilan niya lang ang sarili niya, ewan ko ba kung bakit ganiyan niya tratuhin ang kaniyang makakatuluyan balang araw.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon