Story 3: Confusion or LOVE part 1

687 9 2
                                    

DREW:


"F**K!!!!!! WAAAH! HAYOP !! ANONG GINAWA NYO SA UNIFORM KO??!??!?!" Tae naman oh! FIRST DAY sa school, nabangasan uniform ko? Langya! Palibhasa di naman sila yung naglalaba ng uniporme ko kundi yung katulong namen! AAAARGH! nakakabad trip pa ren kahit hindi ako yung naglalaba!

TAPUNAN DAW BA AKO NG KETCHUP!?!??! Arrrghhhh!! Nakakahiya maglakad ng may ketsup sa damit! Sasabihin na naman nila, nakipag-basagan na naman ako ng bungo! Langya! Sa bawat pagka-basag ng bungo dito sa eskwelahang ito, SA AKIN lagi isinisi eh! Kasalanan ko ba kung nalalagas ang mga bungo nila?! pati ba naman kakulangan nila sa calcium at pag-breastfeed ng nanay nila, KASALANAN KO PA RIN?!?!? Putch*!! LAHAT na talaga!

Kasalanan ko ba kung WEAK Sila? Kasalanan ko bang ipinanganak akong Mayaman. SIkat. Kumpleto sa Buto. Matigas ang Bungo. Matalino. Na-Breastfeed ng maayos. Sagana sa Calcium??

Kung KASALANAN ang maging GWAPO....

Kelangan ko na palang MANGUMPISAL.. masyado na akong MAKASALANAN. O_O

"HOY NIKS!! Eto na papel ko oh!!" napatingin ako dun sa babaeng sumigaw... Tama ba yung Rinig ko? NIKS daw??

...Pangalan ng GIRLFRIEND ko yun ah?

Ay.. mali.. EX girlfriend pala..

Napalingon ako sa kung saan nakatingin yung babaeng sumigaw ng Niks kanina.. At sa aking pagka-dismaya... Ibang NIKS pala yung tinutukoy nya...

Wala. Babae lang. mahaba buhok. maliit mukha. maputi. chinita. mukhang manika... Definitely hindi si Niks yan. =_= Putcha... lingon-lingon pa ako.. ibang tao naman pala! Langya!

Lumapit ng lumapit sa kinalulugaran ko yung babae.... Nasa likod ko kase yung tumawag sa kanya... pero ang sama ng tingin saken netong taong toh ah. di ako napatol sa babae oy! >_<

"HOY DREW!!!" tawag nya sakin

Bakit nya naman ako kilala? SIguro kase ako ang dakilang basagulero ng campus. malamang sikat talaga ako. Tinalikuran ko nalang ung baliw na babaeng tumawag saken.

"DREW!! Bastusan? Bastusan!?" sabi nya pa ulit. =_= tigas ng mukha nito ah

"OY!!! Anu ba! DREW!!!!" sigaw na naman nya sabay higit ng damit ko na naging dahilan ng pagka-ubos ng pasensya ko at pagka-inis ko.

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon