Story 5: Unrequited Love part 1

537 6 2
                                    

Hindi lahat ng LALAKI... PAASA ...












Minsan, BABAE pa mismo ang nagpapaasa..






RENZ:



Laurenz... Yan ang totoong pangalan ko. pero mukang tinatamad silang lahat na buuin ang pangalan ko, kaya Renz ang itinatawag nila sa akin..

Tahimik ang buhay ko.. ayoko ng maingay, kaya yun siguro ang dahilan kung bakit napagkakamalan nila akong masungit..

Ayaw ko rin kasing magsalita ng magsalita.. kaya nga hindi lumalampas sa 10 words ang sinasabi ko eh.. Nanghihinayang kasi ako sa laway ko na masasayang...

AT.. sabi nila.. medyo may pagka-SLOW daw ako.. pero.. parang hindi naman eh. ("_ _)

***

 "Oy Renz!! Ano ba?!?! Kanina ka pa tinatawag oh!!!!!"



tinitigan ko lang ang namumulang mukha at umuusok na ilong ng isang babae na may katamtamang tangkad at may matatabang pisngi.

"ANO?!?! NGANGA NALANG TAYO DITO LAURENZ? TITIGAN HANGGANG MAMAYA?!?!? HINDI EFFECTIVE SAKIN YANG KAGWAPUHAN MO OY!! KUMILOS KA ABA!!" kahit kailan talaga.. hindi nya magawang makipag-usap sa akin ng hindi sumisigaw at sa isang mapayapang paraan.. KAGWAPUHAN ?? meron ba ako nun?? woooaaa.. :D kayo nga ang humusga! tignan nyo sa gilid yung picture ko.. :)

tumayo na ako sa masarp kong pagkakaupo at kumuha ng isang brush upang gawin ang pagpipinturang inuutos sa amin ng matutinang babaeng ito..

RHYZA ... yan ang pangalan nya.. pero kung tinatamad kang buuin ang pangalan nya.. pwede mo na siyang tawagiing RHY ... oh di ba? :)

Masungit ba ako? Tinatamad lang naman akong sumagot eh.. tapos.. kung maka-sabi sila ng MASUNGIT sa akin! nakakasakit din ng damdamin yun noh! =___=

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon