Story 3: Confusion or LOVE part 3

541 9 6
                                    

DREW:

Mabilis na lumipas ang panahon. At mas lalo pa rin akong kinulit netong "Girlfriend" ko..  

Noong una.. aminado ako.. Inis na inis ako kay Nikki.. Pero ngayon.. Ano na? Ang bilis ng panahon... MAHAL KO NA SYA...

PERO SYEMPRE KALOKOHAN LANG YON!

Ano ba naman yan! Hapit na hapit mag-end yung story? Mabilis ngang lumilipas ang panahon, pero hindi naman sa, MAHAL KO NA AGAD si Nikki... siguro nababawasan na ng unti yung inis ko sa kanya sa tuwing hahablutin nya ako at i-lilink ang arms nya sa akin.

Hindi na ako masyadong naiinis sa tuwing sumisigaw sya at sinsabing Mahal nya ako.

Hindi na ako masyadong naiinis sa tuwing nagkukwento sya ng kung ano-anong bagay na wala naman akong alam..

Medyo nasasanay na ako sa kanya...

"DREEEEEEEW!!!" ayan na naman si Nikki. Sumisigaw na naman habang tumatakbo palapit sa akin.. Kung dati nagsisigawan kaming dalawa... Ngayon, hinahayaan ko na lang syang sumigaw dyan. Sayang effort ko sa tuwing sinisigawan ko sya pabalik eh. Walang epekto

"Oh baket na naman?"

"Happy Monthsary Drew!!"

"Huh? Monthsary? Meron tayo nun?"

"Namaaan! Eto naman! Pangalawang beses na nga natin mag-monthsary ngayon eeeh! I Love You Drew!!!" sigaw na naman nya. Hindi ba nakakapagsalita ito ng mahina??

Bago pa ako makapagsalita ay hinila na naman nya ako.

Hindi na ako pumalag. Kase sayang lang effort ko. Kahit naman anong gawin ko, hindi nya naman ako tatantanan eh

Patuloy nya lang akong hinila hanggang sa makarating kami sa Mini Park sa school namin.

Doon, nakita ko ang isang malaking tela na naka-latag sa damuhan. May mga bulaklak sa paligid, at may isang basket na may lamang pagkain.

"Tara Drew! Kain na tayo!" sabi ni Nikki.. Bakit nya ba ginagawa ito? Dapat lalaki ang gumagawa nito di ba?

Umupo kami ang kumuha sya ng dalawang sandwich.. Binigay nya sa akin yung isa. Kumuha sya ng bottled juice at binuksan niya ito bago ibigay sa akin..

"Nikki...."

"Hmm? ANu yon Drew?"

"Bakit ba ganito ka?"

"H-huh? Paanong.. g-ganito?"

"Ganito.. Masyado mo akong pinapahalagahan.. Inaalagaan. Pinagtitiyagaan. Marami namang ibang lalaki dyan na pwedeng magmahal sa iyo ah.. Bakit ako pa? Ako na isang nilalayuan gangster. Ako na kilala bilang isang basagulero. Marami naman sigurong nanliligaw sa iyo na gwapo rin at matalino. Mabait. Maalalahanin. May kwenta. Bakit ako pa?" tanong ko sa kanya

Tumitig sya sa akin.. AT ibinaling nya ang tingin nya sa bulaklak na nasa tabihan nya.. Ngumiti sya... Isang ngiti na palagi nyang ginagawa. Isang ngiti na nakakaakit at nakakawala ng pagod. Isang ngiti na kahit ang iba'y mapapangiti..... Isang ngiti na..... parang nasasaktan..

"Alam mo Drew.. Tinanong ko na rin sa sarili ko yan sa araw-araw na magkasama tayo.. Bakit ikaw pa yung minahal ko at hindi na lang yung ibang mas nakaaangat sa iyo. bakit ikaw pa na walang kwenta at laging may kaaway. Bakit ikaw pa na magpapababa lang ng dangal ko bilang babae at mananakit lang ng damdamin ko...

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon