Introduction

1.3K 18 17
                                    

At dahil umulan.. nagkaroon ng idea si Author.. Wuahahahaah! >:]

------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hoy! Tumahimik nga kayo! Di ako makapag-concentrate oh! Tsk!"Sabi ng isang babaeng nagki-keyboard..

That would be Ms. KYLIEN, the Snobbish Princess .. Maganda sya at maraming suitors.. matalino, perfect shape ang body, keyboard genius, mayaman.. Basta! Parang prinsesa! She's the keyboardist of the Rainfall Band... But there is one thing wrong with her... Sobrang sungit nya. Parang laging merong dalaw (=_= if you know what I mean...) Natural na kaya sa kanya yan? O may dahilan kung bakit sya nagsusungit ng ganyan?

Yan ba ang totoong ugali ni Kylien? O may itinatago lang sya?

"Parang tungkas. Aysos! Masyadong sineseryoso ang keyboard. Baka makapalitan mo ng mukha yan! Mag-relax ka nga paminsan-minsan. Sayang ang ganda mo." Sabi naman ng isang lalaking naghahawak ng drumsticks

Siguro sa hinahawakan nya pala, alam nyo nang lahat na Drummer yan ng banda hindi ba? siya si PAUL,the Childish Drummer ...Hindi naman sya yung tipo ng naglalaro pa ng patintero, piko o taguan sa kalsada. At lalong wala sa itsura nya ang lalaking maglalaro ng ganoon. Cute sya.... pero hindi yung cute na pambata.. ah basta =_= Sadyang maligalig lang sya at isip bata. Hindi sya mahilig magseryoso.. Laging LARO lang ang dating ng mga bagay sa kanya.

Kelan nya pa kaya matututunang magseryoso at mag-mature ng unti? May panahon pa kaya sya sa ibang bagay? O.. pagdating kaya sa PUSO ng isang babae... matuto kaya syang maging seryoso?

"FvCK! WHAT??!?! Sinong mga nandiyan? Sh**!! Wag kayong mapapatalo! Papunta na ako diyan! Pagbabayarin ko ang mga yan!" sabi ng isang lalaking naka-itim na jacket at may kausap sa cellphone nya... "Guys.. Skip muna ako sa practice. May importanteng bagay lang akong Tatapusin...." pagpapatuloy pa nya

Ang harsh magsalita no? Yan si DREW, the Stupid Gangster... Basag-ulo yan. Lagi nalang nakipag-away. Hinding-hindi mo makikitang walang sugat o galos sa kahit anong parte ng katawan nyan. Isa sya sa mga walang kwentang gangster na itinuturing nang salot sa Lipunan ngayon. pero sya ang Bass Guitarist ng banda

Hindi sya yung typical gangster na walang sense of fashion sa katawan. Yung mga  "Gangztaaaaah" na nakikita nyo sa kanto? yung mga tambay na arang walang mapagkaabalahan sa buhay at palamunin na lang dahil ni hindi man lang magsumikap at gumawa ng paraan? Tapos hindi pa maintindihan yung lenggwaheng ginagamit nila?

SWEAR! HINDI GANON SI DREW! matino naman si Drew... Sadyang nakakatakot lang yung itsura nya.. Parang laging mambubugbog? Yung tipong.. lalapit ka lang.. kukutusan ka na? or babasagin na yung mukha mo? Ganun sya. =_= pero di sya baduy. Gwapo kaya yan.

Meron pa kayang makakatapat si Drew na maaaring makapagpatino sa kanya?

"Shut up and Go!" sabi naman ng isang lalaki na nakaupo sa isang sulok, habang tumutugtog sa gitara...

Siya si RENZ, the Ultimate Heartthrob.... Hindi ata lalagpas sa 10 words ang mga salitang nababanggit nya. Hindi sya tahimik.. sadyang hindi lang sya madaldal. pero maniniwala ba kayong, SIYA ang VOCALIST? yang lalaking ganyan lang magsalita ang Vocalist ng banda.

Iniidolo sya ng halos lahat ng kababaihan sa school.. Ewan kung anung nagugustuhan nila.. well, gwapo naman sya.. pero, sobrang sungit ... =_= kung si Kylien, laging dinadalaw, eto, menopausal na ata. Hindi sya macho tulad ng iba.. medyo skinny nga siya eh.. pero, gwapo eh... anong magagawa natin.. Hahaha!

pero napaka-mysterious nya.. Hindi sya masyadong nagkekwento tungkol sa sarili nya. Hindi rin sya nagpapapunta ng kahit sino sa bahay nila. Kaya kahit sinong close friend nya.. walang ka-alam-alam sa kanya. Napaka-unpredictable nya... May makapagpapabago pa kaya dito? meron kayang taong makaka-alam ng mga sikreto nya? (Author: Sana.. AKO nalang! hahahah! pa-singit sagleet,.. xDDD)

(Author: TAPOS na ba lahat ng members? wala na bang nakalimutan? Okey. tapos na ang update )

Oy! OY! Ang daya! TT^TT di pa ako nakikilala ng readers! >____<

OKey okey. Mabilisan lang toh. Hahahaha!

Syempre, mawawala ba sa eksena etong Magandang narrator-for-this-update na itechiwa? x))

Hey yo! Ako si SAM, the Cheerful Lady.. Hahahah! yun lang! de joke. xDD SAMMANTHA ang real name ko.. pero dahil ayoko sa mahabang pangalan.. gusto ko, tawagin nyo akong SAM =_=

Hindi ako madaling magalit.. pero madali akong mainis sa makulit =_= nakaka-urat yung ganon.. Medyo may pagka-rebelde ako.. pero di ako tulad ni Drew noh. Malala na sakit sa utak nun eh.. =_= teka.. amy utak ba yon? tsss.. ahahhah! Joke lang. ;) Ako ang Lead Guitarist ng Banda

Nabasa ko yung Kwentong Barkada: Tropang ADIK SA LOVE... At nagkaroon ako ng idea. Super crush ko nga mga guys dun eh.. WUAHAHAHHA! bumabagyo ng kagwapuhan don.. naagawan na ata itong story namin eh. x))) Pero, dahil gwapo sila.. Ay mali.. Dahil nabasa ko yun, naging familiar ako sa ilang characters.. kaya, nais ko lang pong i-remind ang mga NAKABASA na nun na... Hindi po ako tulad nung MATCH MAKER dun...

WALA po akong kinalaman sa magiging lablayp netong mga ka-bandmates ko.. dahil AKO mismo, naghahagilap pa... APPLY na po yung may gusto.. WUAHAHAH! Charot! Basta, minsan lang ako makiki-epal. at baka nga dito lang.. tas sunod, dun na sa story ko eh. =_=

Ay nako.. basta... KYLIEN, PAUL, DREW, SAM, RENZ  Yan ang mga pangalang AABANGAN nyo dito sa story na eto. =)) Support nyo ang Band namin! <3

To be continued <3 <3 <3

~CrazyLittleDreamer~

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon