Story 3: Confusion or LOVE part 2

549 13 2
                                    

DREW:


Tsss.. Ang Boring naman ngayon! busy yung mga ka-bandmates ko...

Ano naman kayang pwede kong gawin? Gumala? maglaro? Manuod ng sine? mag-computer? Tumugtog?

Malabo ko nang magawa ang mga yan... Eh wala nang may gustong lumapit sa akin eh. Lahat sila... LAHAT sila... takot sa akin. At wala rin naman akong balak makipagkaibigan sa kanila dahil hindi ko sila kailangan!

 Ang tunay na kaibigan... hinding-hindi mang-iiwan sa ere..

"DREEEEEW!!!! Good Mooooorning!!!" sigaw ng isang nakatutuliling boses sa tenga ko. Nako! KUng di lang babae toh, nasapok ko na toh!

"ANO BA YON HA!?!?!??!" sigaw ko sa panira ng araw ko

"Hoy Drew! Tawagin mo ako sa pangalan ko! bilis!! Sabihin mo.... NIKKI... Bilis! Sige naaaa!"


"Ayoko. 'KI' nalang para maikli"

"EEEEHHH!!! Ang bastos ng dating eh! NIKS nalang! Maikli lang din yun."



Parang..... nabingi ako sa pangalang binanggit nya.... M-may sinabi ba sya? Wala akong narinig... WALA!!

"Wuuuy!! Bilis na Drew! Tawagin mo na akong NIKS! Bilis!!! "




" TAE! BAKIT BA KASE HA!?!?!??! ANO BANG PROBLEMA MO?!?!?"

Hindi ko na namalayan na bigla na pala akong napasigaw... Hindi ko naman sinadyang sumigaw eh.. pero.... Halatang nabigla sya. Nanlaki ang singkit nyang mata, at nakatitig lang sa akin.

Tinitigan ko sya kasabay ng pagtitig nya sa akin...

Maganda ang mata nya na mukhang laging nakangiti... Ang ilong nya na maliit lang at masarap pisilin... Ang bibig nya na parang pagmamay-ari ng isang manika... Ang pagkakahubog ng maliit nyang mukha,.. Cute sya.. Kaso nakakairita yung kakulitan nya..

Napansin kong may nangingilid ng mga luha sa mga mata nya... At ng maramdaman nyang tutulo na ito.... Tumingala sya..

"Ang ganda ng formation nung clouds oh! Siguro ang sarap humiga dyan noh?........ Lalo na pag kasama kita.." ..... Yan ang EKSAKTONG mga salita na sinabi sa akin ni Nika nung mga panahong nakahiga kami sa damuhan sa isang munting paraiso malapit sa tabing ilog na kami lang ang nakatuklas...

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon