Story 3: Confusion or LOVE part 4

581 13 2
                                    

DREW: 

Buong araw kaming magkasama ni Nika ngayon. Lahat ng ligaya at masasayang alaala... isa-isang bumalik sa akin... Parang ayoko nang matapos ang araw na ito.

Lahat ng sakit at hinanakit na naramdaman ko para sa kanya simula nung binasag nya ang puso ko, parang bula lang sa softdrinks... biglang naglaho.

Ang saya-saya ko ngayon. Hindi ko mapigilang ngumiti. Walang mapaglagyan yung tuwa ko. Pakiramdam ko.. Kami na ulit... 

Pero may bahagi sa puso ko na nadudurog. Parang may ginawa akong mali. Parang... Kalahati ko ang hindi sumasang-ayon sa ginagawa ko ngayon...

Biglang lumulusbot sa isipan ko si Nikki... Yung mga ngiti nya na kahit may halong lungkot, eh ramdam mo yung tunay na kaligayahan.. Yung boses nyang kahit na masakit sa ulo eh hinahanap-hanap ng tenga ko.. Yung kahit na naiirita ako sa kanya.. hindi ko sya mapigilang... isipin. Parang nakatatak na sya sa utak ko.

nagpasama sa akin si Nika para makausap nya si Kuya Angelo for the last time...

.. matapos ang ilang buwan.. nakauwi na rin ako sa tahanan namin... sa tahanang nilayasan ko ng dahil sa kapatid ko.. Ang tahanang naging saksi sa lahat ng pighati ko na kagagawan ng kataksilan ng Ex-girlfriend ko at ng sarili kong kapatid. Hindi ko alam kung kakayanin kong pumasok dito sa loob nitong tahanan na ito kung saan makikita ko ang lalaking umagaw sa pinakamamahal kong babae...

bago ko pa man buksan yung gate.. may isang pamilyar na lalaking lumabas mula sa malaking pintuan sa harapan namin.

Nagkatinginan kami sa mata. 

Nagkatitigan.

Lalayo na sana ako ng bigla syang tumakbo at niyakap ako ng mahigpit..

**

"DREW!! Alam mo ba kung ilang buwan kong inintay ang pagbalik mo? Drew!!! Buti nagkita pa tayo bago ako umalis!!" tuwang-tuwa nyang sinabi.

nakikita ko ang mga luhang nangingilid sa mga mata nya na pinipigilan nyang tumulo. kaagad nya akong hinila papasok sa bahay namin at umupo sa sofa sa may sala.

hindi sya magkanda-ugaga kung anong gagawin nya. Pabalik-balik sya. hindi nya alam kung mag-oorder ba sya ng pagkain, o magtitimpla ng juice, o bubuksan ang tv, o aayusin ang gamit nya, o makikipag-usap sa akin.

"Angelo. Kakausapin ka lang namin. wag ka nang mag-abala." malamig ang tinig kong sinabi.

Nawala ang ngiting bumabalot sa muka nya... nakita ko ang kaunting pagka-dismaya. Ngunit mabilis nyang ibinalik ang mga ngiting ito.

"Ano bang pag-uusapan natin Drew?" tanong nya

"Hindi ako.. sy---" Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko.. dahil pagtingin ko sa tabi ko para ituro si Nika, wala na sya doon

"Ahh.. si Nika ba? nakausap ko na sya noong isang araw."

"Ah ganun ba.. wala na pala akong pakay dito. sige alis na ako. salam---"

Tinitigan nya ako.. isang titig na parang nagmamakaawa. Isang titig na hindi ko mawari kung ano ang pinahihiwatig..

Huminga sya ng malalim bago nagsalita.

"Drew. sabi sa akin ni Nika, dadalhin ka daw niya dito sa bahay natin bago ako umalis para makapag-usap tayo. Noong una hindi ako naniwala sa kanya. Akala ko nagbibiro lang sya. nagulat nalang ako ng dinala ka niya dito kanina. Alam mo bang sobrang saya ko nung makita ko ulit yung nakababatang kapatid ko? Alam mo yun? Ang saya-saya ko pre!" tuloy-tuloy nyang sabi.

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon