Story 1: Hidden Admiration part 4

775 13 6
                                    

KYLIEN:

Matapos sumagot ng isang napakahabang litanya si Renz, eh tumahimik ulit sya...

Isang mahabang katahimikan na naman...

Kapayapaan sa tenga...

Nahimasmasan na siguro ako ng unti ng dahil sa mga bagay na ipinamuka nya sakin.. Minsan siguro.. Hindi rin masamang MASAKTAN ng dahil sa KAPRANGKAHAN ng kaibigan mo.. At least ipinapamuka nila sa atin ang mga bagay na mali na hindi natin makita sa sarili natin..

"Nakakainis ang mga babae =_=" Nagulat ako ng biglang naghimutok si Renz habang nagmumuni-muni ako...

"Hala ka? Bakit naman?" Tanong ko naman sa kanya..

"Iniiyakan yung walang kwentang bagay." Sagot nya

"Pano mo naman nasabig walang kwentang bagay yun?"

"Kung hindi para sa inyo. wag nyo ipilit."

"Tss. Palibhasa di ka pa naiinlove eh."

"At ayokong maranasan."

"Bakit naman Renz?"

"Itsura mo palang. Nakakatrauma =_=" Ayyyyyssssshhhh! nangaasar na ata tong taong toh eh! Tsssskkk!

Napag-isipan ko nang umalis kasi ilang minuto na lang din ang natitira sa break time namin... Nang bigla syang may ipakitang papel sa akin.

"Ano toh Renz?"

"Tinapay. =_="

Oo Renz eh.. OO =_= salamat huh? grabe. tsk

"Welcome =_=" O_O Aba? Mind reader ba toh? Anlaaaa! O_____O

At dahil sa kinilabutan ako sa kanya, tuluyan na akong lumabas ng Practice Room namin..

"They're not worthy of your tears..."   Yan ang huli kong narinig na sinabi ni Renz... Wow aaaah.. PAPA JACK ang peg ni Renz ngayon ha? pa-advice-advice pa! Tsssss.. kala mo experienced na! XDDD

Tinignan ko ang nakasulat sa papel na iniabot sa akin ni Renz kanina... Musical Sheet pala..

BACK AT ONE ?? Ano namang trip nila at gusto nila akong patugtugin neto? =_=

Tinignan ko ang likod ng music sheet, at may nakita akong nakasulat dun...

Kylien,

Practice this for the other day. May special performance ka. :)

Love: Ever Beautiful SAM ;">

=_= okey... si Sam pala ang may kagagawan neto... tsk.. Aynako Sam.. ako lang ag tutugtog? Waaaaahh.. Torture? Torture?? =_=

 Lumipas ang oras na parang wala lang. pilit kong iniwasan ang matigas na mukha ni Aries. Ayoko muna syang makausap.. Kahit na feeling ko ang long hair much ko kasi nilalapit-lapitan nya ako.. eh hindi naman ako bibigay kaagad-agad at magpapalandi nalang. Naiinis kasi talaga ako sa kanya ngayon. =_= sarap nyang soplakin! NAKOOOO! >_<

**

Kinabukasan, medyo tanghali na akong pumasok..... wag nyong Isipin na dahil yun sa Broken Heart--.. ay mali.. COWARD pala... basta yon... Hindi yon ang dahilan. Tinatamad lang talaga ako =_= Gusto kong matulog at kumain at matulog at kumain ulet

Dumiretso na muna ako sa locker area... may 10 minutes pa naman before magtime ^_^

Paglapit ko dun.. Binuksan ko agad ang locker ko... Pagbukas ko...

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon