Story 1: Hidden Admiration part 3

752 12 9
                                    

KYLIEN:

wala ako sa sarili ko ngayon. basta.. niyakap ko nalang si Renz dahil tanging SYA lang ang nandito sa Practice Room namin..

It's not like, gusto ko syang CHANSINGAN.. as if naman noh. =_= It's just that.. I badly need a hug. :'(

"H-hoy.." yan lang yung sinabi ni Renz sakin.. na medyo natawa naman ako.. Ganyan lang ba talaga ka-ikli ang kaya nyang sabihin?

"Pa-iyak lang sandali Renz."

"Don't like rumors..." okey Renz.. Di talaga makabuo ng isang sentence?

Di ko nalang sya pinansin.. pero di naman sya nagreklamo sa yakap ko.. Hanggang sa mahimasmasan na ako ng unti at binitawan sya.

He gave me a "What-Happened-to-you?" look... =_= hindi man lang nya masabi yung mga katagang yun?Kailangan hanggang tingin na lang sya?

"W-wala.." wew. pakipot epek pa ako. pero syempre, gusto ko rin naman talagang ikwento yun. Baka kasi ma-drepress ako oag sinolo ko yung problema ko..

Tinitigan nya lang ako.. Isang nakakakilabot na titig... Kaya napilitan na rin akong magkwento ng talambuhay ko =_=

"K-kasi.. Kilala mo si Aries?" sabi ko sa kanya

"Hmm" yan lang yung sagot nya sakin =_= ano bang klaseng sagot yan? Okey. let's just assume na ang ibig sabihin nyan eh.. "OO KILALA KO" 

"Sya yung cute na Varsity.. Yung medyo may kahabaan yung buhok.. Classmate ko.."

"Hmm"

"Crush ko sya..."

"Hmm"

"Tapos kanina, medyo nakakahalata na ata sya. Kinukulit nya ako.. may sinabi pa nga syang MAHAL KITA.. tas biglang... pinapasabi daw pala nung Jerome. classmate ko ata yun.. Tapos kani-kanina lang.. pinagpipilitan nyang Crush ko daw sya..."

"Hmm"  walang kwenta kausap =_= pagtiyagaan ko na nga lang.

"Eh di syempre, ako, umaasa ako na Mutual ung nararamdaman namin,.. kase kinukulit nya ako masyado.."

"Hmm"

"Tapos bigla nyang sinabi sa akin.. DI NYA DAW AKO CRUSH TT^TT Kailangan nya pang ipamuka sa akin yun? Ang sakit kaya.. di nya kasi nararamdaman eh.."   yan ang huli kong sinabi... tapos naluha na naman ako. kaya lumapit ako sa may bintana at tinalikuran ang walang kwenta kong kausap...

Katahimikan...

Puro Paghikbi ko lang ang naririnig ko...

"Hindi lahat ng lalaki PAASA..."  O_O Nagulat ako ng biglang nagsalita si Renz... OH MY... 1, 2, 3, 4.... 5 WORDS din yon! Aba! Achievement!!

Napalingon naman ako sa kanya. Nakatayo sya sa likod ko.. Seryoso ang mukha...

"Y-you think so?"

"Sadyang ASSUMING lang ang girls" O_O o----okey?

Pagkatapos non ay tumalikod na ulit sya. at lumapit sa upuan nya kanina.. saka umupo...... at...... At natulog =_=

"oooy! Renz! Wag mo akong tulugan! =_= Anung gagawin ko ngayon?"

"Kain."

-_________-

Muli nyang ini-angat ang ulo nya at tumitig sa akin...

"Nakakatanggal ng stress yun."  sabay sabi nya nyan...

Okey.. Maybe.. HELPFUL din sya kahit papano.. :)  At least... Kahit na walang kwenta yung kwento ko... PInagtiyagaan nya akong kausapin! Hahaha! :)) Medyo nawala yung inis ko nun ah. Nakalimutan kong broken hearted ako kani-kanina lang..

"Hindi ka broken Hearted.."   O_O Bigla-bigla na namang nagsalita tong si Renz... Nababasa nya ba ang naiisip ko?

"Kasi kung ganon, patay ka na ngayon."  ... Onga naman? .__. mautak din naman pala tong si Renz eh...

"Eh di anong tawag mo dun?" Tanong ko naman sa kanya.. Aba! Aba! Makwento si Renz ngayon ah! Chikahin ko nga muna... xDD

"COWARDICE..."

"H-huh? Bakit naman?"

"Duwag kayong tanggapin kung ano ang katotohanan" ... hindi ko sya maintindihan...

Pero.. may point sya...

Bakit mo nga namang Tatawaging BROKEN HEARTED ang isang taong rejected? Eh di kung nabasag ang puso nya.. patay na sya ngayon?  Kaduwagan nga ba yun? Kaduwagan na malaman ang katotohanan?

"Pano naging kaduwagan yon Renz? Kaduwagan mo bang maituturing kung masasaktan kami? Kaduwagan bang ituturing kung iyakan namin ang nag-reject samin? Kaduwagan ba yon kung iyakan namin yung bagay na masakit? Sabihin mo nga sakin Renz! Ipa-unawa mo sakin! Kaduwagan ba ang magmahal ng isang taong malabo mong maabot? KADUWAGAN BA YON RENZ!?!?!?? Babae lang din ako! TAO lang din tulad nyo! Nasasaktan din ako! Kaduwagan ba ang UMASA???!?!"

Hindi ko namalayang Naiiyak na pala ako... Habang si Renz, nakaupo pa rin, at mukang tulog.... Bakit ko ba kasi pinagtitiyagaang kausapin itong lalaking toh di ba? Aware naman ako na walang MABUTING idinudulot yan. Aware naman ako na Hindi sya matinong kausap... Tignan mo ngayon. nagdadrama ako dito.. ni hindi man lang ako pinansin. tsk. =_=

"Duwag kayong tanggapin ang katotohanan na hindi kayo ang mahal nila. Duwag kayong tanggapin ang katotohanang hindi nila maibabalik ang pagmamahal na binigay nyo. Duwag kayong isipin na hindi SIYA ang taong para sa inyo. HIndi nyo man lang naisip na tao lang din sila at nagmamahal? Na tao lang din sila at narereject? Na tulad nyo, pwede ring masaktan, makonsensya at umibig? Hindi lahat makukuha nyo. Hindi lahat para sa inyo. TAO lang tayo. Hindi natin alam kung ano ang ginawa ng Diyos na nakatadhana para sa atin.."

sabi ni Renz nang hindi man lang ako tinitignan...

Tama... DUWAG NGA AKONG HARAPIN ANG KATOTOHANAN....

-------------------To Be Continued--------------------

Wew. ang haba nung sinabi ni Renz sa huli. AHAHHAHAHA! angaaaas! x)) I Love you Renz! Wohooo!

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon