Story 4: Together Forever part 3

497 6 0
                                    

Samantha:

Mag-isa akong naglalakad-lakad sa may Mini Forest sa subdivision namin...

Nagmumuni-muni ako tungkol sa nakaraan... Iniisip ko ang mga bagay na dapat.. ikinaliligaya ko na ngayon pero isinuko ko pa..

"SAMANTHA!!" bumilis ang tibok ng puso ko... bakit ganun? Isang tawag nya lang? Nagiging abnormal na katawan ko?

"SAMANTHA!! Bakit hindi mo ako ininform sa naging desisyon mo?! Kala mo ba ikaw lang apektado dito sa sitwasyon natin??" Malakas ang boses nya pero kalmado pa rin ang tinig nya...

Hindi ko sya magawang tignan sa mata... Nakayuko lang ako habang kinakausap nya ako

Nakarinig ako ng isang malalim na pagbuntong hininga..

"Sigurado ka na ba diyan sa pasya  mo? Hindi mo ba pagsisisihan to?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.. dahan-dahan kong itinaas ang muka ko at hinarap sya... Nakita ko ang isang matipid na ngiti mula sa mapupulang labi nya... Hindi ko malaman ang totoong ekspresyon nya...

"Oo." matipid kong sagot..

"So... ipaplano na daw nila Papa ang kasal? o after graduation na lang?" sabi nya...

Nabigla ba kayo?

Anong akala nyo?

Uurong ako sa kasal namin?

Lul... Asa! Pangarap ko 'to oh! yung maglakad sa papunta sa altar sa isang pula ng carpet at kung saan naghihintay sya sa kabilang dulo suot-suot ang isang magarang amerikana at may irresistable charming smile sa mga labi nya! My goooosh!

Bakit ako malungkot? Syempre... hindi na sya magiging masaya kasi si Ate Monna nga yung type nya di ba? Selfish na kung selfish... pero.. anong magagawa ko? Nagmamahal lang naman ako eh... Hindi ako tulad ng ibang babae na nag-gi-give up na lang.. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong mag-let go at maging kaawa-awa sa sarili mong story..

Ayokong maging pulubi sa pagmamahal na ibibigay ng sarili kong leading man noh! Di ako taong grasa. >:P

"Sam.. gusto ko..... gusto ko sanang malaman mo.... na......" sabi ni Kean

puro Pause nalang ang naintindihan ko. grabetyy!

Kaso syempre, may hahadlang... biglang may tumawag sa cellphone ko..

"Uh.. teka lang Anton... hahahah! Jokes.. Teka Kean, sasagutin ko lang yung tumatawag sakin..." sabi ko sa kanya.. tinignan ko ang cellphone ko at sinagot ang incoming call ni Ate Monna "Hello? ... Opo.... Kasama ko... Yea... Now na?... Ok... Gotta be there after 5 minutes..." 

"Uy.. sino yun? ano meron?" nagtatakang tanong ni Kean

"Si ate Monna.. Pinapapunta tayo dun sa tree house sa may park.."

*******

"WOAA!! nakakatampo kayong dalawa!! Bakit di nyo namana ko ininform??" sabi ni Ate Monna sabay pout

"Oy Ate Monay! Wag ka magpout! Muka kang monay na.. anong tawag dun? monay na putok?" sabi ni Kean na may nakakalokong ngiti sa mga labi

"Etong Anton na toh! Lesheee! Layas ka dito! Ang baho mo!" -Ate

"Tss. Kala mo naman ang bango ng Putok." -kean

"EEEEEWWW! Walang manners!!" -Ate

"Gwapo naman!" -kean

"Oy bata! GISING NA ABA! Hanggang ngayon nananaginip pa rin?" -ate

Kwentong Barkada: RAINFALL BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon