18

234 14 1
                                    



"O, anak buti bumaba ka na." Bigla silang nagtayuan  nung nakita nilang nakababa na ako.

Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Mama. "Narinig ko po kasi kayo Buti ginising niyo 'ko. Tinanghali ako ng gising." Sambit ko kay Mama.

"Mabuti naman, ito pala si Tita Lyka at Tito Zenky mo. Mga dati ko silang kaklase nung college." Ngumiti lang ako bilang pagbati sa kanila.

"Halika dito anak, ipapakilala din kita sa anak ni Charlotte." Pinalapit ni Tita Lyka ang anak niya sa amin. Nakangiti lang ito, pero halatang nabobored na. 

"Ito nga pala yung anak naming panganay na lalaki, siya si Lee kasing edad mo lang din ata iha." Pagpapakilala ni Tito Zenky kay Lee.

Ahh, Lee pala ang pangalan. Mukhang pang koryan ang datingan nito ha. Sino ba siya? Lee Min Ho o Lee bag? Charot. Napaka talaga ng bunganga at isip ko.

"Im Fe-" Pinutol ni Mama ang sasabihin ko.

"Ito nga pala si Charity, bunso ko. Nasa ibang bansa kasi ang kuya nito eh."

What? Charity na naman ang ipinangalan niya sa akin. Nakakainis ang panget pakinggan. Palagi na lang ganito. Ang ganda ng Felicity tapos ayaw na ayaw nila Mama na iyon ang itawag sa akin.

Nalito sila sa sasabihin ko at sinabi ni Mama. Mukhang matatawa na 'tong si Lee dahil sa pangalan ko ha. But I don't care as long as I have a name. 

"Anak sasama sila sa atin mamaya sa recognition mo ha? Diretso na kasi tayo mamaya ng Tagaytay kaya mag ready ka na ng gamit mo. Magbabakasyon daw sila doon."

"What? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Mom? Aish." Atungal nung Lee sa parents niya.

"Alam naman naming 'di ka papayag kaya hindi na namin sinabi." Sambit ng tatay niya.
Hindi na ako nag-almusal. Naligo na ako pagkatapos akong ipakilala nila Mama.

Recognition na! Another achievements in life na naman. Nakakaproud at nakakatuwa sa sarili kapag naabot mo yung gusto mo. Gusto kong ipagmalaki ako nila Mama lalo na't dahil lahat sa paghihirap nila ito. At alam kong ganito din ang nararamadaman ni Kuya lalo na malayo siya sa amin. Mas mahirap ang pinagdadaanan niya dahil hindi niya kami kasama sa tuwing may mga achievements siyang nakukuha. Tinitiis na lang namin dahil alam namin na balang araw ay magkakasama-sama din kami. Almost three years na din kasi kaming hindi nagkikita.

Tinawagan ko muna si Selene para kamustahin siya.

Bessywap

[ O, napatawag ka, charity? ]

[ Please! stop calling me charity, gosh.
Nagre-ready ka na din ba? ]

[ Okay ] Natawa siya saglit. [ Oo naman, anong oras na kaya. Mamaya mag-umpisa na eh. Bye na! Magkita na lang tayo sa school, mwuaaaps! Byeee, Felicity! Ayan okay na? happy? ] Natawa siyang muli.

[ Yas!  mwuaaaps too! ] 

-


"Mom, 'Di pa ba tayo kakain? Hindi pa ko nag-breakfast. Nagugutom na ko. Come on." Iritang sabi ni Lee. Lee Bag charot.

Napaka-attitude pala nito. Sabagay mayaman sila kaya ganyan eh.  Sa awra pa lang nila mukhang mayaman na. Pero yung mga magulang niya hindi naman maarte baka siya lang talaga. Close na close ni Mama ang parents niya, Si Mama kasi yung tipong walang kaarte arte sa lahat kaya imposibleng maging kaibigan niya ang parents ni Lee kung maarte ang mga ito.

Fake WorldWhere stories live. Discover now