31

171 12 12
                                    


Unknown number is calling...

"Oy, si Khairro na ata yan." kinalabit ako ni Lee, inaayos niya na yung mga gamit niya for his hand baggage or cabin baggage.

We're arranging our luggage bag to put in Tito Zenky's car. Pinapunta niya dito yung Tito ni Lee para siya na lang ang mag-drive at mai-uwi sa bahay nila ang kotse.

"Bilisan niyo na. It's already 5:20. First flight tayo. 6:30 departure time natin. Bilisan niyo na." Kuya said hurriedly.

"Nako, nagpuyat ata itong dalawa." sabi ni Tita Lyka. "Dalian niyo na. Akin na yung bag ko, Lee."

Nagmadali na agad ako. Suot ko ang kicking black sleeveless turtleneck and black ripped jeans na binili ko. Hindi ko muna sinuot yung leather jacket ko dahil sa pagmamadali namin. Late na kasi kami nagising ni Lee, natagalan pa kami sa pagligo. Hindi pala dapat kami nanuod ng movie kagabi.

"Bakit hindi mo sinagot yung tawag ni Khairro?" tanong niya.

Katabi ko siya ngayon at si Kuya sa pinakalikod. Kung saan kami unang magkatabi noong papunta kami sa Tagaytay. Gamit-gamit niya na agad yung navy blue niyang neck pillow. Gusto pa rin atang matulog.

"Uhm, mamaya na lang...kapag tumawag ulit siya. Nagmamadali na kasi tayo kanina." sambit ko.

Hindi na ako natulog no'ng bumiyahe kami papunta sa airport. Saglit lang naman kasi. I was just looking out the car window. Pinagmamasdan ko ang ulap na malapit nang lumiwanag.

Nang makarating kami sa airport agad agad kaming pumasok sa loob. Sakto lang naman ang dating namin dahil wala namang traffic. Agad kaming pumunta sa check-in desk para ayusin ang mga luggage bag namin at tickets.

While waiting for gate agent calls for boarding, umupo muna kami sa gilid. Antok na antok pa ako pati na rin si Lee.

Naisipan ko munang bumili ng coffee habang naghihintay kami ng boarding time. Binilhan ko na rin si Lee. Nahihirapan kasi kaming gisingin siya tulad sa kotse kanina.

"Mamaya sa airplane humingi ka sa mga flight attendant ng isang dosenang kape." I said and took a sip of coffee in a paper cup of starbucks. "Ginagawa mo kasing akong alarm clock para magising ka eh."

"Ikaw ba naman magpuyat tapos alas singko ka gigisingin!?" umayos siya sa pagkaka-upo at humigop din ng kape.

"Tanga! Tumambay ka pa kasi sa kwarto ko. Alam mo naman may flight tayo ngayon." I said  before stand up and throw the paper cup in the trash bin. Kanina ko pa kasi iniinom yung kape kaya mabilis kong naubos.

After few minutes the gate agent calls for boarding time. Nang makapasok na kami sa eroplano agad-agad kaming umupo sa kanya kanya naming seat number. Si Lee at si kuya ulit ang katabi ko.

Mabuti na lang na inaantok si Lee para hindi kami magulo habang bumabiyahe. Ginising ko lang siya nang bigyan kami ng flight attendant ng free morning snack. A tuna sandwich with hot coffee. Kitang-kita ang sikat ng araw mula sa bintana ng eroplano. Naka-pwesto ako sa gitna ni Kuya at ni Lee dahil hindi ko gusto sa bintana.

When we arrived in Caticlan Airport, we took a tricycle to Caticlan Jetty Port. Si Tito Zenky na ang nagbayad para sa sasakyan naming pump boat. Ang saya lang nang makasakay na kami. Hindi na kasi makatulog si Lee dahil sa tumatalsik na tubig mula sa dagat.

"Takteng bangka 'to! Ang ingay ingay tapos natalsik pa yung tubig-dagat, ampota." inis niyang sabi. "Nawawala antok ko eha, potangena naman."

Fake WorldWhere stories live. Discover now