"Anong gusto mong gawin? Nuod sine?" tanong ni Sage sakin.
"Am...May maganda bang movie ngayon?" tanong ko.
Sabagay wala naman akong maisip na gawin. Manuod na lang kami ng movie.
"Hmm...Tingnan natin. Pili ka na lang kung ano sa tingin mong maganda."
Tumango na lang ako sa kanya.
Tahimik lang kaming naglalakad. Ayoko din kasing mag-daldal, baka mag away lang kami.
"Bakit ang tahimik mo? Minsan maingay ka sa gc tapos nang-aaway ka pa." napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Ano?" tanong niya. "Masyado ba akong gwapo?" sabay hawi pa niya ng buhok.
Ang kapal talaga.
"Ang hangin ha? Pake mo ba kung tahimik ako?" pagtataray ko. Ayokong humaba pa yung usapan namin at magkainisan lang kami.
"Alam mo kayong mga babae ang gulo niyo. Nahihirapan din kaming mag-adjust. Minsan galit minsan pabebe minsan nasa mood naman. Ang gulo!" napakamot na lang siya sa ulo.
Gusto ko lang naman sulitin yung araw na magkasama kami na hindi ako nagagalit, kaya ayaw ko na lang magsalita pero ang kulit talaga nitong si Sage.
"Hoy, Christopher Ionn! Huwag ka nga mag reklamo. 'Di pa kita boyfriend, 'wag kang ano diyan!" wait what? Anong sinabi ko?
Natawa siya."Hindi pa? So magiging tayo? Hindi pa nga kita nililigawan. Masyado ka din eh." Hindi maalis yung ngiti sa labi niya. Nakakaasar! Ang gwapo sheeet!
"A-ahh..I mean 'di kita boyfriend!" pag-aalibi ko atsaka nag walk-out.
Ang kulit talaga, bahala siya dyan kapag ako umamin sa kanya! Ay, mali joke lang pala.
"Hoy Caileen! Ay,Kiaraaa pala!" sigaw niya.
"Tara na! Bilisan mo!" sigaw ko din sa kanya.
Nung nasa sinehan na kami, pinag-iisipan namin kung horror, romance, o comedy ba ang papanuorin. Gusto niya sana ng action movie kaso sabi ko hindi ako mahilig dun at baka mabored lang ako. Kaya ako ang pinapapili niya. Gusto ng horror or romance.
"Yung horror na lang." iyon na lang napili ko. Baka ma-awkward kami kapag romance.
"Sus, gusto mo lang ako mayakap 'pag natakot ka." ang kapal talaga, pero parang tama nga siya. Joke.
I just rolled my eyes on him, pero alam niyo kung ano ginawa niya? Ngumiti lang siya nang nakakaloko,mygad. He's really getting into my nerves!
Ako na ang nag-order ng popcorn at drinks namin. Kung hihintayin ko pa na siya ang bumili, baka 'di namin maabutan ang simula ng papanuorin namin. Mahaba ang pila sa bilihan ng ticket kaya nag-kusa na ako nang hindi niya alam.
YOU ARE READING
Fake World
Teen FictionWhat if you fell in love with the person you hate the most? What if in a world you don't want to? Felicity Charlene Cordez, Taeyeon role player in a virtual world, did not expect that she will become famous and hated by some of her co-role players...