37

132 6 0
                                    


"Felicity, let's go?" he was standing beside the door, ayaw niya daw umupo at doon na lang daw niya ako hihintayin.

"Ayaw mo ba munang umupo dito, Khairro?" Tanong ni Mama. "Baka mainip at mapagod ka kakatayo diyan. Mabagal pa naman mag-ayos itong si Charity."

Yes, it's Khairro known as Keiji in fake world.

Binigyan ko siya ng chance. Kung siya nga lumalaban, hindi ba dapat ako din? Lahat naman ng gusto ay may paraan.

I know he deserves a second chance. Halata naman na pursigido siyang gawin ang lahat para maging okay lang ako, maging okay kami. Ayaw kong magsisi at magmukhang masama sa kanya.

"Okay lang po, Tita Charlotte." He smiled a little bit. "Hindi po ba kayo sasama sa amin?"

"Okay lang, magkanya-kanya na lang muna tayo." sambit ni Mama habang nag-aayos din. "Maghiwalay muna ang adults and teenagers para naman hindi kami magmukhang matanda dahil kasama namin kayo."

"Ang arte mo, Ma." Isinuot ko na ang white heels ko nang magreak sa sinabi ni Mama. "Matanda ka naman na talaga, dalawa na po ang anak niyo." Paalala ko.

"Hayaan mo na si Mama." natatawang sabi ni Kuya. "Ganyan ata talaga pag-iniwan ni Papa."

"Manahimik ka diyan, Caleb!" saway ni Mama. "Baka gusto mong masampal."

"Okay! Okay!" Kuya acting like he really zipped his mouth.

"Tara na." Aya ko kay Khairro at tumayo para lumapit na sa kanya. "Ma, mauuna na po kami. Magkita-kita na lang po tayo mamayang dinner."

"Text mo kami, Ma." Pahabol ni Kuya bago kami lumabas.

Kuya already knew since then that Keiji is courting me. Si Mama naman kagabi lang nalaman noong nagbati at nagkaayos na kami. At kagabi ko lang din nakita ng personal ang mga magulang ni Keiji.

At first, I was nervous. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang makita sila. Kung titingnan kasi si Tita Daniela ay nakakatakot pero kapag kinausap ka ay mabait naman. Ang daddy naman ni Keiji ay mabait din, para lang siyang daddy ni Yeol. At yung Khaorie? Babaeng kapatid pala ni Khairro iyon, hindi man lang naikwento ni Lee sa akin ng maayos.

I was relieved that everything is okay now. Gusto ko lang na magsaya kaming dalawa at wala nang isiping problema.

We also deserve to spend time together. Sa mga nakaraang buwan at araw na nagdaan, masasabi kong talagang sinubukan kami ng tadhana. At doon, doon niya pinatatag ang loob naming dalawa ni Keiji.

"Hoy! Huwag niyong sabihing photographer niyo na naman ako?" Lee complained, kahapon kasi siya ang inutusan naming kumuha ng litrato. Hindi naman siya umangal, napaka-ano talaga nito.

"Sino pa ba?" Tanong ko, tumingin siya kay Kuya.

"Ahhh... Zailah at Khaorie, ano gusto niyo? Libre ko na kayo, tara?" Tanong ni Kuya sa dalawang bata, para umiwas siguro. Tumango lang naman yung dalawa para umalis na sila ni Kuya.

"Hoy, Caleb!" Tawag ni Lee pero hindi lumingon si Kuya.

"No choice ka na." sambit ni Keiji sa kanya, kaya naman natawa ako. "Third wheel ka ulit sa amin."

Nakabusangot lang siya sa buong araw na kasama namin siya. Puro lang naman kami ikot. Naisipan din naming pumunta ng mall sandali dahil wala na kaming mapag-ikutan sa beach.

Fake WorldWhere stories live. Discover now