34

106 8 0
                                    


"Hoy, Charity." pang-gugulo ni Mama sa pagtulog ko. "Gumising ka na magboboating daw tayo sabi ni Lyka."

"Ma, ang aga aga pa, " muli kong binalot ng kumot ang katawan ko. "Mamaya na lang."

"Anong mamaya? Mag-aalas dose na," Hinila ulit ni Mama ang kumot. "Bumangon ka na diyan, nakakahiya lagi na lang nila tayong hinihintay."

"Kanina pa nasa labas si Zarel, bumangon ka na." Dagdag ni kuya, kaya naman bumangon na ako.

Nakakainis pero 'di ako makatanggi, nakakahiya naman kasi talaga. Paano ba naman kasi ang aga aga lagi nila Mama mang-gising, eh paulit-ulit lang naman ang ginagawa namin araw-araw. Nagkakanya-kanya naman sila nang ginagawa.

I'm so tired, gusto ko na talaga umuwi ng Manila.

Hindi na ako naligo, malamang ay nasa beach kami. Kahit anong oras pwede ako lumusob sa dagat. Nagsuot lang ako ng one piece bikini at pinatungan ko ng maong na shorts at citru. Nagtali lang din ako ng buhok at nag suot ng shades.

Nauna nang lumabas si Kuya kaya kaming dalawa na lang ni Mama ang nasa loob ng room. Nag-aayos pa kasi siya ng mga kalat nila kagabi ni Kuya. Hindi ko alam na nag-inom pala sila kagabi, hindi man lang nag-aya.

"Baka mag-extend pa tayo ng one week dito." pagbabasag ni Mama sa katahimikan.

"What!?" sigaw ko. "Bored na bored na ko, Ma."

"Anong meron?" tanong ni Lee nang makapasok, nataranta ata sa sigaw ko. "Sorry, Tita. Narinig ko kasi yung sigaw ni Felicity."

"Okay lang, O.A kasi itong si Charity," sambit ni Mama. "Kung gusto mo ay mauna ka na umuwi, pero wala kang kasama dahil ayaw pa ng Kuya mo."

"Mag-stay ka na lang kasi." dagdag ni Lee. He opened the Lava cake from the table. "Dadating kasi yung kaibigan ni Mommy from Paris."

Halatang diniin niya ang salitang 'from Paris'. Dahil inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya.

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Hindi naman sa nag-assume ako, pero ramdam kong siya yung ipinahihiwatig ni Lee.

"Oo nga, nakakahiya kung uuwi na tayo ng Manila," Mama always repeat the word 'nakakahiya'. Para naman akong gumagawa ng kahihiyan. "Minsan lang 'to, 'wag kang magpapilit diyan, Charity."

"Okay, fine." tipid kong sagot.

"Awit! Magkikita na naman sila." pang-aasar ni Lee. "Sana oil! Fish oil! "

I rolled my eyes and wear my sunglasses. Nauna na akong maglakad at sumunod siya. Nakita namin sila Tita Lyka na nakatayo na malapit sa bangka.

"Saan nga pala yung kapatid mo?" I asked. Ilang araw ko na kasing napansin na wala yung kapatid ni Lee na babae. Eh mas bata sa kanya iyon, kaya bakit hindi namin kasama? "Naiwan ba sa Tito mo?"

Tumawa siya saglit bago sumagot sa tanong ko. Baliw na talaga.

"Hindi ha, nasa Paris kasama nila Khairro." tumawa siya.

"Ha?" I furrowed my brows. "Ahh, so that's why Keiji and his family going here?"

"Sus, excited ka lang diyan. 'Wag mo nga akong ini-english. It's getting into my bones." napasapo siya sa noo.

"Tanga! It's getting into my nerves yun." I corrected.

"Whatever!" pagtataray niya.

Fake WorldWhere stories live. Discover now