"Anong balak mong gawin?" tanong sa'kin ni Yulycis."Alam kong pagod ka galing biyahe. Kaya mo pa ba mag ikot-ikot?"
Kaya ko pa naman siguro? Minsan lang kami magkita-kita kaya sulitin ko na. Ngayon lang ako pinayagan nila mama na pumunta ng Manila.
"Yap, kaya ko pa naman. Tara?" Aya ko sa kanya.
Dumaan muna kami sa Watsons kasi may gusto sana akong tingnan. Hilig ko talagang mamili ng mga bagay na para sa katawan ko. Ayaw ko kasing napapabayaan ang sarili ko kaya bago matulog nililinis ko talaga.
"Miss, may new stock po ba nitong lip tint?" tanong ko sa babae. Tumango naman siya."Kunin ko na po."
Bumili din ako ng moisturizer at micellar cleansing water. Ginagamit ko yan bago ako matulog. Nakaka-fresh kasi sa mukha pag nagke-cleanse ako. Ang sarap sa feeling kapag matutulog ng malinis.
"Ako na magbabayad, sa labas ka na lang mag-hintay." seryoso? Isang bonavich gagastos para lang sa'kin?
"But-"
"No more excuses, just follow what I said." ang seryoso naman nito. Natakot ako bigla kaya sinunod ko na lang ang utos niya.
Sinunod ko na lang ang utos niya. Baka sigawan ako dito eh, mukhang galit kasi. Gagalit hindi naman ipagpapalit. Joke. Lumabas na din agad ako. Sabagay medyo mahaba yung pila kaya siguro naisipan niyang siya na lang, pero totoo ba na siya yung magbabayad?
Sumilip-silip ako baka kasi naiinip na siya sa sobrang tagal. Habang nakatingin ako sa kanya napansin ko yung mga babaeng nakapila din sa likod niya. Nagbubulungan at mukhang kinikilig. Minsan pa nga sinasadya nilang sumandal sa likod ni Yulycis. Ang lalandi, aba.
After few minutes lumabas na din si Yulycis. Nakabusangot akong tumingin sa kanya.
"Tapos na, ito na yung mga pinamili mo. Nasa five hundred plus lang naman." parang dinidiin niya sa'kin na wala akong balak magbayad ha?
"Huwag ka mag-alala, babayaran ko naman eh." kinuha ko yung pera ko sa wallet at padabog na iniabot sa kamay niya."Ayan na ha, salamat." sarkastikong sabi ko. Inirapan ko pa siya.
"What happen to you? Why are you like that? Ikaw na nga 'tong tinulungan magsusuplada ka pa. Babae nga naman oh." napabuntong hininga siya.
Maya-maya pa ay lumabas na din ang mga babaeng haliparot na nasa likod niya kanina. Napatingin sila sa gawi namin at biglang lumapit. Aba! Anlakas din ng loob nila.
Napa-irap na lamang ako sa hangin.
"Hi, I'm Jaycee. And you are?" pagpapakilala ng isang babae.
"I'm Alexander Vince." pagpapakilala din ng mokong na 'to. Nakipag shake hands pa, sa harap ko pa talaga?!
YOU ARE READING
Fake World
Teen FictionWhat if you fell in love with the person you hate the most? What if in a world you don't want to? Felicity Charlene Cordez, Taeyeon role player in a virtual world, did not expect that she will become famous and hated by some of her co-role players...