TaeJi

148 9 3
                                    


"Let's go, guys. Dali!" hatak-hatak niya pa si Keiji.

Hindi ko din alam kung bakit si Keiji yung una niyang hinatak. Akala ko nga ako. Ito namang si Lee kanina pa nakasimangot habang sinusundan lang namin yung dalawa.

"Hoy, let's go na daw." kinalabit ko siya, kanina pa siya nakasimangot. Akala mo bitbit lahat ng problema sa mundo.

"Nakakatamad, nawalan ako nang gana." he crossed his arms over his chest. "Nakikita mo ba yan?" tinuro niya yung kamay ni Baekcon na nasa palapulsuhan ni Keiji.

"Stop it, Kianna." tinanggal ni Keiji yung kamay ni Baekecon na nakalagay sa palapulsuhan niya.

"I'm sorry, mahigpit ba?" tumawa pa siya.

"Ginusto naman talaga, tsk." bulong ko.

"What are you saying?" tanong ni Keiji. Narinig niya pa yon?! Halos pabulong ko nang sinabi.

"Wala!" inismiran ko na lang siya, hinatak ko na rin si Lee papasok.

Ramdam ko na agad yung lamig ng yelo kahit nagsusuot palang kami ng ice skating shoes. Medyo natutumba pa'ko dahil first time ko lang 'to. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang tumanggi dito.

"Hoy, gaga! First time ko lang ito i-try." pagrereklamo ko kay Lee.

"Easy lang yan, kaya mo na sarili mo." nauna na siyang tumapak sa yelo.

"Gago ka! Hindi ko kaya." sigaw ko at hinabol siya. Muntik pa akong matumba.

"Ayan na nga lang 'di pa kaya." Keiji passed through my side. Pumasok na din siya sa loob ng walang kahirap-hirap.

Pucha! Ano bang problema no'n sa'kin. Galit na galit palagi. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero kanina pa mainit ang ulo.

Nakita ko na silang tatlo doon sa loob. Ang saya-saya ni Baekcon, walang kahirap-hirap mag-skating sa kanya kung titingnan.

Nang magtama ang tingin namin dalawa ni Baekcon sinenyasan niya kong pumunta na roon. Halos madulas-dulas na talaga ako nung makatapak sa yelo.

"Nyeta naman talaga oh!" sigaw ko nang madulas ako. Anlamig ng yelo depunggol, tapos naka-off shoulder ako? Bakit ba kasi pumayag akong mag-skating kami na ganito yung suot ko?!

"Ano kaya pa?" pang-aasar ni Lee, tumawa pa siya. Tinulungan niya din naman akong tumayo. "Uso kasi magptulong sa bebe mo para hindi ka sungitan. Tingnan mo kinukuha niya na yung bebe ko! Kung hindi ko lang siya kaibigan sinapak ko na talaga 'tong si Khairro." pagra-rant niya sa akin.

Edi sapakin niya na para maganda!

"Crush mo si baecon?!" I asked, umiiwas pa siya nang tingin. Asus!

"Halata ba?" tanong niya. Siraulo 'to.

"Hindi." sabi ko, tumawa pa ako nang malakas. "Kasi halatang-halata!" tumawa pa ulit ako nang malakas.

"Parang tanga naman, Felicity!" inis na inis siya.

Tumawa lang ako lalo kaya iniwan niya ako sa gitna. Kainis talaga. Nakatunganga lang tuloy ako dito. Hindi ako gumagalaw masyado baka kasi masubsob ako sa yelo ang sakit kaya sa katawan kasi ang lamig.

Nag-cross arm lang ako habang nakatayo. Medyo nilalamig na din kasi ako. Bakit ba kasi talaga wrong timing yung suot ko? Hindi ko naman kasi naisip na posibleng mag-ice skating kami ngayon.

Fake WorldWhere stories live. Discover now