35

135 9 2
                                    

🎶 Always be my baby - David Cook 🎶
(If you want, try to listen while reading)

"Ano bang pinagsasabi mo, Keiji? " inis kong tanong sa kanya, tinitigan niya din ako sa mata. "Hindi ba dapat ako ang magalit sa'yo? Kung 'di ka pa tapos sa ex mo, tigil-tigilan mo ako!"

"Sa tingin ko... kayo muna ang mag-usap." Lee said. He picked up the bottle of beer that had been on the sand before he decided to walk away from us.

Nakatalikod na si Lee sa amin habang naglalakad pero nakita kong sinundan na naman siya ni Khairro.

"Hindi pa tayo tapos!" hinila niya si Lee paharap.

"Ano bang problema mo, pre?" Tanong ni Lee. "Napaparanoid ka na ba? Hahayaan ko na nga kayong mag-usap eh."

"Gago ka pala eh! " susuntukin na sana niya ulit, pero inawat ko na this time. "Magtatanong kayo kung anong problema?! Tangina!"

"Tama na!" tinulak ko siya. "Kumalma nga kayo!" napasapo ako sa noo.

"Bahala na nga kayo diyan." Inis na sabi ni Lee. "Tangina, nadadamay pa nga. May sarili na ngang problema."

Hinayaan ko nang  umalis si Lee, alam kong problemado 'yon, hindi lang alam ni Khairro.

"Ano 'yon?" napailing-iling siya. "Nawala lang ako ng ilang araw, Taeyeon. Ilang araw lang."

"Oo, alam ko. Kaya nga nagkabalikan na kayo ni Yoona 'diba?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" he furrowed his brows. "Naniniwala ka do'n? Sa tingin mo totoo 'yon?"

"Oo!" sigaw ko. "Oo, naniniwala ako dahil sa tingin ko pinaglalaruan mo lang ako."

"Ano?" he laughed sarcastically . "All this time iniisip mong pinaglalaruan lang kita?"

"Noong una tayong nag-usap sa internet hindi mo ako gusto 'diba? Kasi hindi ako gusto ng pinakamamahal mong ex." The tears in my eyes is no longer hold back because of so much anger. "Pagod na'ko, pagod na'ko kakaisip ng kung ano-ano. Pagod na'kong ipagtanggol yung sarili ko sa ex mo."

"I'm sorry, I'm sorry kung nahihirapan ka." hinawakan niya ang mga kamay ko. "But please, please believe me I'm serious with you."

"Hindi ko alam, hindi ko talaga alam, Keiji." pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa kamay ko. "Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa'yo."

"Please... maniwala ka naman sa'kin." I saw the tears in his eyes, pero ayaw niya pakawalan ang mga iyon. "Huwag naman tayong maging ganito, please. Mag-uumpisa pa lang tayo, lumaban ka naman."

"Lumalaban ako... Kahit nakakapagod." I wiped my tears. "Sana ramdam mo kung gaano kahirap, kung gaano kasakit kang mahalin."

"I'm...Sorry..."

"Sa tingin ko dapat mong kausapin si Yoona." umatras ako ng bahagya. "Tsaka na tayo mag-usap 'pag okay na ang lahat."

"Pero Tayeon..."

Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya dahil umalis agad ako sa harap niya. I think we need space from each other to fix our own problems. Hindi naman sa itinatapos ko na kung anong meron sa amin, pero iyon lang ang paraan para maayos ito. Para mas malinaw ang lahat.

Fake WorldWhere stories live. Discover now