"Ako si kyle, kapatid ko si Kaizer."
"Ano namang pake namin? Tsaka sino 'yon?" Tanong ni Selene.
Grabe naman itong si Selene kung mang bara sa kausap. Pero dahil na rin sa naiinis na siya kaya siya ganyan.
"Siya si Jihoon, yung ka-squad niyo." Nagulat kami sa sinabi niya. "Ako yung Baekhyun roleplayer na nangungulit din sa timeline mo. Hindi alam ng iba na ako yung nagkalat ng picture mo dahil ibang account yung ginamit ko."
End of flash back.
Umaga na pero hanggang ngayon nasa isip ko parin yung pangyayari kagabi. Feeling ko nangyayari pa rin siya ngayon dahil hindi talaga ako makapaniwala. Kapatid ni Jihoon iyon? Na may gusto sa akin? Parehas silang nag kagusto? Naguguluhan na talaga ako.
Hay.
Nalgeun ilgijang meonjireul teoreonae
mundeuk pyeolchin got geu sogen haemarkge
Nega isseo ajik neon geudaero yeogi namaisseo~
"Ay pusang naging kalabaw!" Sigaw ko ng marinig kong tumunog yung cellphone ko.
Hindi ko namalayan na may tumatawag na pala sa akin, buset natutulala na lang kasi ako bigla.
Unknown number
[ Sino 'to?1 Hihimatayin ako sa gulat eh, takte! ] Sana lang hindi siya mabingi sa sigaw ko.
[ Hindi ka naman siguro galit ano? ] Natatawa niyang tanong.
What the F, si Lee?
[ Oy takte san mo nakuha number ko? ]
[ Stupid, nung mag mi-meet up tayo binigay mo diba? Ulyanin ampota. ] Pang-aasar niya.
[ Gago ka talaga, nalimutan ko eh. Ba't ka ba napatawag? ]
[ Mangangamusta lang. Pupunta ulit kasi kami diyan. 'Pag dumating daw kuya mo? May kuya ka pala? ]
[ Sus, miss mo lang ako, hayup ka. Oo, 'di ko nakwento. ]
[ Alam mo ang ganda mo na sana eh. Kaso yung bunganga mo napakababoy magsalita. Masyado ka ng masama. ] Sinabayan niya ito ng malakas na tawa.
[ Oy, good girl naman ako. Sadyang makulit at masama lang ako magsalita pag komportable ako sa isang tao.] Pagdedepensa ko. Totoo lang naman na ganito ako. [ Kumbaga may tinatagong kasamaan konti. Joke ]
[ Ewan ko sayo, bye na. Got to go, may pupuntahan pa kami. Chat me later ha. Bye ]
Magsasalita pa ko eh napakabastos naman nitong lalaking 'to. Kung 'di lang siyang gwapo, 'wag kang ganyan Lee! Naiinlove ako. Parang unti unting nawawala yung feelings ko kay keiji. Hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko minsan. Sa dami din siguro na nangyayari kaya ganito.
Ano naman kung magka-gusto ako sa iba? As if naman na i-crush back ako ni Keiji. And I have no idea if he wants me too. Masakit umasa remember.
YOU ARE READING
Fake World
Teen FictionWhat if you fell in love with the person you hate the most? What if in a world you don't want to? Felicity Charlene Cordez, Taeyeon role player in a virtual world, did not expect that she will become famous and hated by some of her co-role players...