Chapter 3

90.7K 1.8K 105
                                    

Gumising ako ng maaga para pakainin ang mga kabayo. May ginawa daw kasi si Eren at ipinakita muna sakin ang mga kabayo. Heto ang buhay ko, walang tigil at nag ta-trabaho.

"Alam niyo ako muna ang mag papakain sa inyo okay? Wala dito ang nag papakain san'yo kaya tiisin niyo muna ang mukha ko." Nilagyan ko ng bawat pagkain nila ang mga box na malaki sa harapan nila. Syempre mahal 'to ng amo nila eh kaya mas especial sakin. Hinimas himas ko ang ulo ni Roro. Ang chaka ng name pero ang ganda naman niya.

"Okay lang na makita mukha ko basta makakain kayo." Nilibot ko ang paningin ko sa kwadra mas maganda pa ang bahay nila kesa sakin. Nakakainis at nakaka tampo mas maganda pa sila kesa sakin, tapos ang mga kasuotan nila? Pak na pak para lang silang mga tao. Tumayo ako at pumunta sa loob ng mansyon nakita ko ang dalawang kasamahan ko sa bahay nag tsitsimis na naman ang mga ito for sure. May hawak akong sanga ng kahoy dahil nilalaro ko ito.

"Ewan ko pero mangagabayo daw si sir mamaya." Sabi ni Lucy sa isa pa niyang kaibigan.

"May pagnanasahan na naman tayo mamaya." Nakangiti sila na parang binubudburan ng asin sa kilig.

Tumaas ang aking labi at inismiran sila. Lalampasan ko na sana sila ng makita ako ni Aina na naglalakad.

"O- nandito na naman ang bruha." Mas bruha pa sila kesa sakin.

"Ang aga aga nag tsismis kayo diyan." Sabi ko, nag si tataasan ang kilay nila ang nagkatingnan. Kailan pa kaya magiging mabait ang dalawang 'to? Parang araw-araw nalang kami nag aaway. Namewang si Lucy at tinignan ang kuko. Wala namang kuko puro pudpod.

"Narinig ko may bibisita si sir Nicket na babae, at sure kami ni Aina na mas maganda pa siya sa inaasahan namin." Nagkatinginan sila, para talaga silang mga bulati na binubudburan ng asin, kaso Ngumiti ako sa kanila.

"Wala akong pakiam." Nilapasan ko sila ng tuluyan at pumunta sa likod bahay. Nakita ko si manang na may dala dalang sako na puno ng kagamitan.

"Ako na po..." Kinuha ko iyon at pumunta sa may tambakan.

"Tulungan mo ako may darating na bisita eh." Tumango ako.

Bumalik kami sa loob at mas nauna pa ang dalawa. Linis sila ng linis sa sala at sa sulok ng malaking mansyon. Hindi naman ako mag rereklamo basta pagdating sa pag lilinis masipag sila pero iyon nga lang mata-pobre sila. Tinulungan ko narin si manang sa kusina, sa buong ibat ibang kwarto. Pagod akong umupo muna dahil pawis na pawis ako. Damn, bakit ang lupet ng mundo sakin. Nagulat nalang ako ng mga kababaihan na pumasok Kumunot ang noo ko.

"So cool huh gnda ng bahay mo." Napalunok ako habang tumayo kaming lahat sa sala.

"Yeah, did you like it?" Si Nicket na nakatingin sa babae.

"Oo naman cool sana pala pinasama ko nalang ang dalawang kaibigan ko kaso wala pala sila dito." Ang ganda niya, simpli lang ang pananamit hindi siya iyong mukhang mataray bagkos ay inosente. Naiisip ko baka isa 'rin ito sa mga naikakama niya. I know I'm not the only one.

Umupo siya sa sofa at si manang ang nagbigay sa kaniya ng tubig. Ngumiti lang ang babae hababg si Nicket ay namulsa habang nakatingin sakin tumaas ang kilay at ng labi ko, magseselos sana ako kaso naalala ko pala wala akong karapatan. Nag si punta kami sa kusina at nag handa na ng pagkain sa dalawa.

"Ang ganda niya hindi ba? Ang swerte niya kay sir Nicket." Si Lucy na masamang nakatitig sa akin, halatang nag paparinig.

"Oo nga sana ako nalang siya." Sabi naman ni Aina.

"Manahimik kayo diyan dalhin niyo na 'to at baka mainip ang bisita ni senyorito Nicket."

"Sige po manang," Umupo ako sa upuan at duon nag mukmok. "O siya duon na muna ako i-entertain ko siya pag may kailangan siya." Tumango ako kay manang.


That Man 3: Nicket Leonbird (COMPLETED SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon