Jema's POV
Nagising ako. Hindi ako makatulog ng maayos sa mga nakaraang gabi. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa paputol putol na tulog ko. Napabaling ako sayo. Mahimbing kang natutulog habang yakap ang unan na dapat ako yan, ako dapat ang yakap mo.
Nakita kong umilaw ang phone mo sa table natin. Nagtext na naman siguro siya sayo no? Namiss ka ata niya agad Deanna.
Pinagmasdan kita habang natutulog. "Deanna. Bakit ka pa ba nagstay sakin?" Hindi ko maiwasan pumatak ang luha ko habang pinagmamasdan kang matulog.
Nagsabi ka sakin e. Magiging Mrs. Wong pa ko di ba? Nangako ka. Sabi mo hindi ka mawawala.
Nandito ka nga sa tabi ko ngayon pero bakit ang puso't isip mo nasakanya?
Deanna, konti nalang. Konti nalang pasuko na ko sating dalawa. Wag mo naman akong bigyan ng rason para sukuan at bitawan ka.
Pero tulad nga ng sabi ko. Kasayahan mo ang priority ko. Kung nasa kanya na yung happiness mo at awa nalang sakin ang nararamdaman mo, bitawan mo na ko.
Tulad mo, hindi din ako hahadlang sa kasiyahan mo.
Pero Deanna, wala na ba talaga?
- - - -
A/N: Ang sakit no? Ano ipupush pa ba natin tong book two?