Deanna's POV
"This is your key Maam. Thank you." Nandito kami ngayon sa Car shop dahil ngayon naisipang bumili ni jema. Nagdown palang naman siya. Pag alis kanina nila Cassy sa bahay ay nagyaya ng magpasama si jema dito.
"Thank you." Pagkuha ni Jema ng key. Marunong magdrive si Jema kaya walang problema at hindi na kailangan ipadeliver pa sa bahay. Ramdam ko na iniisa isa na ni Jema yung mga kailangan namin sa pagsesettle down. Bahay. Kotse.
"Test drive natin. Baby san mo gustong pumunta?" Excited na sabi niya. Unang pumasok sa isip ko ang Nuvali kaya yun ang sinabi ko. Matagal na rin kaming hindi nakakapunta dun.
"Baby." Napalingon naman ako sakanya na kasalukuyang nagdadrive. Sa labas kasi ako nakatingin kanina.
"Tuturuan kitang magdrive para kapag gusto mong gamitin to at may malayo kang pupuntahan pwede mong magamit to." Sabi niya at sumulyap sakin bago ibalik ang tingin sa daan.
"Sige. Pag may time." Sabi ko sabay baling ulit sa labas. Tahimik na kaming byumahe.
After ng mahabang byahe ay finally nandito na kami. Pinark na ni Jema ang car. Sabay na kaming bumaba pagkatapos malock ni Jema ang kotse ay nagstart na kaming maglakad ni Jema. May gusto akong part dito kaya dun ko agad niyaya si Jema. Sa may dulo kasi dun maganda ang view.
"Here." Bigay sakin ni jema ng juice bago maupo sa damuhan. Bumili muna kami sa 7/11 bago dumaretso dito sa dulo.
"Thank you." Sabi ko pagbukas ko ng juice. Tahimik kaming nakatanaw sa magandang view. Eto yung panahon na gugustuhin mo yung katamikan.
"Deanna. San mo gustong magpakasal?" Nakasandal na tanong niya sakin habang nakatanaw sa harap namin.
"Kahit saan. Basta ikaw yung papakasalan ko. Yun naman yung importante di ba?" Sagot ko habang nakatingin lang rin sa harapan namin. Naramdaman ko ang kaliwang kamay ni jema na nasa bewang ko na habang nakasandal pa rin siya sa kanang balikat ko.
"5 years from now. Anong nakikita mo sa future mo?" Tanong niya sakin. Uminom muna ako ng juice ko bago sumagot.
"Ikaw." Napaangat ang tingin niya sakin.
"Ikaw yung nakikita ko sa future ko. Ikaw yung nakikita kong kasama ko dun. And sana may baby na tayo nun." Pangangarap ko habang nakatanaw pa rin sa malayo.
"Ikaw? anong nakikita mo 5 years from now?" Tanong ko sakanya kasabay nun ang pagharap ko sakanya na hanggang ngayon ay nakatingin rin sakin.
"Same rin sayo. Kaya hangga't kaya ko inuunti unti ko na yung mga bagay na bubuo satin 5 years from now." Pareho naming sinalubong ng ngiti ang isa't isa.
"Deanna." Napabaling ako sa likuran ni Jema ng doon manggaling ang tumawag sakin. Agad ko namang nakita si Teacher Mary.
"Hi Teacher Mary. Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko pagtayo ko. Naramdaman ko naman tumayo rin si Jema.
"Nagdadate kami ni Jeff." Sabi niya saktong dating naman ni Jeff. Long time boyfriend niya. Naramdaman kong humawak sa braso ko sa Jema.
"Ikaw? Napasyal lang? I mean kayo. May kasama ka, siguro siya yung bestfriend mo na kasama mo sa bahay no?" Split second ata akong hindi nakahinga sa kaba at pagkabigla.
"Ahmm yeah. Jema meet Mary my co-teacher and this man is her boyfriend, Jeff. And guys this is Jema my bestfriend." Naramdaman kong bumitaw si Jema sa pagkakahawak sa braso ko bago sila nagpalitan ng Hi nila mary and jeff.
"Btw, Deanna are you aware about sa new teacher in our school? Nabalitaan ko sa monday daw magstart yun." Wala akong alam.
"Hindi ko alam yung balitang yun." Sabi ko. Gusto ko ng matapos ang pag uusap na to dahil alam kong may kailangan pa kaming pag usapan ni Jema.
"Nabalitaan ko rin na lalaki yung new teacher and single ata yun. Interviewhin ko agad para sayo." Biro niya na kinatawa niya. Weird.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Naramdaman ko ulit na humawak sa braso ko si Jema kaya napalingon ako sakanya. Hindi ko mabasa ang gustong sabihin ni Jema sa mga mata niya. Basta ang alam ko hindi siya natutuwa.
"Anong ha ka dyan?" Napalingon ako kay Mary na patuloy sa sinasabi niya.
"Single ka. Single yung new teacher. Malay mo time mo na para magmahal ulit after kay Samuel. Tumatanda na tayo teacher Deanna kaya need mo na ring magkaboyfriend para makapag asawa ka no. Kaya ako bahala sayo, basta libre mo ko kapag naging kayo ha." Mahigpit na ang pagkakahawak sakin ni Jema na parang sakin siya kumukuha ng lakas na anytime na bumitaw siya ay baka mahulog siya. Pero tiniis ko yung higpit dahil dun ay nawala na rin ang atensyon ko kay Mary.
"Wag na hindi naman kailangan e." Sabi ko kay Mary. Umiling naman siya sakin.
"Akong bahala sayo Teacher Deanna." Huling sabi niya bago magpaalam samin ni Mary. Hinarap ko naman agad si Jema.
"Je--"
"Tara na. Gusto ko ng umuwi." Sabi ni Jema bago tumalikod sakin at naunang naglakad papunta sa parking lot.
Pag uwi namin ay dumaretso agad siya sa kwarto kaya sumunod agad ako. Buong byahe namin ay walang nagsasalita. Alam ko, alam naming pareho na may problema kami, ang hindi ko lang alam bakit nananahimik siya.
"Jema pwe--"
"Magluluto lang ako ng hapunan natin." Sabi niya na nakapambahay na paglabas niya ng bathroom. Daredaretso siya sa paglabas ng kwarto namin.