Special Chapter

4K 135 25
                                    

Deanna's POV



"Ma." Napatigil ako sa pagtitimpla ng gatas ko ng mapabaling ako sa anak ko. Natutulog na si Jema pero ako hindi pa inaantok kaya nagtitimpla ako pangpaantok ko.







"Bakit gising ka pa?" Sabi ko ng umupo siya sa tabi ko. 10:45pm na dapat tulog na siya.





"Hindi pa po ako makatulog. May tanong po ako about sa kwento niyo kanina." Tiningnan ko siya ng nagtatanong.




"Go baby, ano yun?" Binigay ko sakanya ang tinimpla kong gatas at nagsimula ulit akong magtimpla ng para sakin.







"Thanks Ma." Sabi niya bago uminom.

"Ma, pano nila nalaman na may partner kang babae? What I mean yung sa school mo Ma." Bumalik ako sa tabi niya pagtapos ko magtimpla.





"Baby, wala namang secret na hindi nalalaman lalo na't hindi naman namin tinigil ng Mom mo kung anong meron kami."



*Flashback

"Sir, hindi naman po nakakaaffect yun sa pagtuturo ko." Bigay katwiran ko ng pinapapili nila ako between my relationship or my profession. Nandito kami ngayon sa office ng Head ng school.





"Maam Deanna alam mong bawal yan. Pano kapag nakita ka ng students mo? Ikaw mismong teacher gumagawa ng hindi tama. I'm sorry pero hindi namin hahayaang yung ganyang lifestyle dito sa school." Ano bang hindi nilang maintindihan na wala namang mali? wala namang masama? Napakaclose minded nila para sa mga katulad ko. Gusto kong ipaglaban ang profession ko pero hindi ko isusuko si Jema.








"Sir, mag aayos na po ako ng gamit ko. This week ko po ibibigay ang resignation letter ko. Alis na po ako." Paalam ko, tumungo naman siya kaya lumabas na ko ng office. Dumaretso na ko sa faculty para ayusin ang mga gamit ko.









"Deanna." Pinagpatuloy ko ang pag aayos ng gamit ko at hindi tumingin sakanya.






"Ipagpapalit mo talaga ang profession mo dahil sakanya? Deanna, babae siya!" Tinignan ko siya ng masama.





"So alam mo? Ikaw ba nagsabi kay Sir Gelo?" In the first place bakit siya nandito? Bakasyon ngayon tapos nandito siya tapos na naman namin lahat ng pending papers.








"Para itigil mo na yang maling ginagawa mo. Deanna, ako nalang. Tayo nalang ulit." Lalo akong nainis sa sinabi niya.




"Napakadesperado mo! Kahit anong gawin mo si Jema ang pipiliin ko! Kahit lahat kayo sinasabing mali to o bawal to, siya at siya pa rin ang gugustuhin ko." Nang masigurado kong okay na ang lahat ng gamit ko ay paalis na ko ng hawakan niya ang braso ko.









"Itatapon mo talaga ang pinaghirapan mong profession para sakanya? Deanna, kaya kitang pakasalan. Kaya kitang tanggapin sa mga nalaman ko. Deanna, nagmamakaawa ako, ako nalang ulit. Minahal mo naman ako noon di ba? Baka may natitira pa. Deanna, please." Ramdam kong umiiyak na siya. Nasa likuran ko siya ng sabihin niya yun.









"Noon at hanggang ngayon si Jema lang. Hindi pa man kita nakikilala hanggang sa umalis ka sa buhay ko noon, si jema pa rin. Walang naging ikaw. Akala ko minahal kita pero pinaniwala ko lang pala yung sarili ko dahil boto sayo ang family ko. Ikaw ang tama, ikaw ang dapat. Salamat kasi iniwan mo ko kaya nakabalik ako sa totoong mahal ko." Rinig ko ang walang tigil na pag iyak niya. Bumitaw na din siya sa pagkakahawak sa braso ko.






"Please, maawa ka naman sa sarili mo. Samuel, palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan." Sabi ko at walang lingon na lumabas ng faculty.


* end of flashback




"Pagkatapos nung nangyari wala na kong balita sakanya. Pagkapasa ko ng resignation letter ay hindi na ko bumalik sa school."







"Ma, Samuel Concepcion po ba?" Nagtatanong ang mga tingin na binaling ko sa anak ko. Paano?







"Yes baby pero pano mo nalaman?" Nakita ko ang gulat at takot sa mukha niya.






"Based kasi sa sinabi mo Ma. Teacher siya. Ma, pano na kami ni Sofia?" Naguguluhang ako sakanya.






"Bakit ba baby? Anong problema sainyo? Tanggap naman namin kayo ha."





"Ma, kayo tanggap kami pero si Sofia hindi siya out sa family niya." Sabi niya na makikitaan mo talagang bother siya.





"Pano naman nadamay si Samuel? Pano mo siya nakilala?"








"Ma, daddy siya ni Sofia."

Book II: EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon