14

4.3K 134 43
                                    

Deanna's POV

"Nak, napadalaw ka?" Bungad ni Papa pag uwi ko dito sa bahay. Pagkatapos ng klase ko ay dito na ko dumaretso ng uwi. Siguro bukas o sa mga susunod na araw ko nalang kukunin yung mga gamit ko sa bahay ni Jema.





"Pa." Lapit ko sakanya. Niyakap ko si Papa. Para akong bata na gustong magsumbong.




"Nak, anong problema? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni papa habang hinahaplos ang likuran ko.


Pa, parang wala na kong lakas. Pa, parang nawala yung kakayahan kong maging masaya. Pa, bakit ganon? Buhay nga ko pero parang patay naman ako. Bakit parang pinagpapatuloy ko nalang tong ginagawa ko dahil kailangan? Gusto kong maramdaman ulit yung yakap ni Jema.







"Pa, pagod na rin ako." Tahimik lang si Papa pagsabi ko nun. Gusto kong mawala tong mabigat na nararamdaman ko. Nakakapagod dalhin to buong araw.







"Magkwento ka kapag ready ka na. Sa ngayon, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin nalang kita kapag maghahapunan na." Humiwalay na ko sa yakap. Alam kong may mga bagay siyang gustong itanong pero pinili niyang hayaan muna ako.



Pagdating ko sa kwarto ko ay humiga agad ako. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko. Iniyak ko sa unan ko lahat ng bigat na nararamdaman ko hanggang sa nakatulog ako.






"Deanna." Napamulat ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.




Pinagmasdan ko maigi ang taong nasa tabi ko. Gusto ko ulit umiyak. Yung wala ka ng ibang magawa na paraan para mawala yung heavy pain na nararamdaman mo kundi iiyak nalang. Na baka sakaling mabawasan kahit paaano, baka sakaling madala ng mga luha mo yung pain na nararamdaman mo.






Hiniga ko sa kanyang hita ang ulo ko tsaka ko siya niyakap sa bewang niya ng napakahigpit. Patuloy pa rin niyang hinahaplos ang buhok ko.






"Hindi ko pala kaya."






Ako din! Ako din hindi ko kaya pero pinipilit ko kasi di ba hindi ka na masaya? Ayokong magstay tayo sa ganon kung hindi mo na pala maramdaman yung happiness na nabibigay ko noon, kung hindi mo na ko maramdaman.




"Mahal na mahal kita." Sabi ko habang nakayakap pa rin sakanya. Ayokong bumitaw, kahit dito nalang sa yakap ko sa bewang niya, kahit dito nalang gusto ko munang magstay.















"Nak, gising na." Narinig kong katok sa pintuan ko. Bigla akong natauhan. Pati ba naman sa pahinga ko, andun ka pa rin? Nagising ako sa basang unan na hinihigan ko habang yakap ko.




"Naaaak, gi--"



"Pa, gising na po ako." Sabi ko habang nakatingin sa pintuan ng room ko habang nakahiga pa rin.






"Kumain ka na kaya?" Bulong ko habang nakatanaw sa pintuan pero alam kong wala dun ang isip ko, nasa kanya.




Kumain muna kaya siya bago nagpahinga? o nagpahinga na agad siya kahit walang kain? Ano na kayang ginagawa niya ngayon?






Umupo na ko sa kama. Kinuha ko ang phone ko sa table na nasa tabi ng kama ko. No message. No missed call coming from her.




Siguro nga buuin muna natin yung sarili natin. Emotionally drain na tayo pareho. Sana kapag okay ka na, okay na ko, sana pwede pa ulit tayong magsimula.






Jema's POV


Pagkatapos kong magpagod sa office ay wala akong nadatnan sa bahay. Aasa pa ba akong uuwi siya? Na pagdating ko sasabihan niya kong magpahinga at magluluto lang siya ng hapunan namin? Na may gigising sakin para kumain na pagkatapos kong magpahinga? Na may mangungulit sakin kapag napagtripan niyang maglambing? Na may yayakap sakin bago matulog? Na may bubungad sakin paggising ko, isang halik, isang yakap, isang ngiti mula sayo?





Nagpakapagod ako sa work ko ngayon para malibang ako at makalimutan ko kahit saglit na wala ng tayo, na wala ng ikaw sa buhay ko, na ginusto kong huminga at lumaya sa relasyon natin. Nagpakapagod ako pero ngayong mag isa na naman ako kung saan punong puno ng nakakamatay na katahimik, ikaw, ikaw na naman ang nasa isip ko.







Sumandal ako sa sofa kasabay ng pagpikit ko. Kaya ko ba to? Pwede bang itigil na tong break up na to at bumalik tayo sa dati? Kaso... kaso natatakot na ko.









"Kaya ko bang magstay sa lugar na to?" Bulong ko sa sarili ko pagkadilat ko. Pinagmasdan ko ang paligid, ang kabuuan ng bahay. Wala ng buhay. Puro lungkot na ang nararamdaman ko habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid ko.








Kinuha ko ang phone ko. No message. No missed call. Wala niisa galing sakanya. Halik ng pagrespeto. Hinalikan mo ko nung oras na pinalaya mo ko, nung oras na ginusto ko to. At hanggang ngayon patuloy mo pa rin akong nirerespeto, sa paraan ng pagbigay sakin ng space.






Darating pa kaya kami sa punto na ikakasal kami katulad nila Cassy at Mark? 2 weeks ng happily married yung dalawang yun. Mararanasan rin kaya namin ni Wong yun?





Hindi kinuha ni Wong ang mga damit niya dito sa bahay siguro ganon nalang din ako. Hahayaan ko muna rin dito ang mga gamit ko. Sa parents ko na muna ako uuwi ngayon.





Kinuha ko ang gamit ko na kakailangan sa work tsaka ako lumabas ng bahay. Nilock ko na, pareho naman kaming may susi ni wong kung gusto niyang balikan ang gamit niya. Sumakay na ko sa kotse at umuwi sa comfortzone ko, ang pamilya ko.

Book II: EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon