21

5.6K 159 28
                                    

Jema's POV

"Hi baby." Bungad sakin ni Deanna pagpasok ko sa bahay. Kakauwi ko lang galing work. Naupo naman kami pareho sa sofa.





"Kumusta? Bakit ka daw pinatawag?" Kaninang umaga ay pinatawag siya ng school na pinagtratrabahuhan niya kaya sabay na kaming umalis kanina.






"Huy anuna? Anong sinabi sayo?" Nakatingin lang kasi siya sakin at parang walang balak sumagot. Natulala ata.





"Wala yun. Tara naghain na ko ng pagkain natin." Sabi niya sabay tayo patungong dining area sumunod naman ako sakanya.









Matapos naming kumain ay tumaas na ko sa room namin para mag ayos pangtulog. Nabigla ako ng maramdaman ko ang yakap niya kaya bahagyang natawa siya.






"Bakit ka nagulat?" tanong niya habang nakabackhug pa rin sakin.


"Bakit ka kasi nanggugulat? Hindi ko naramdamang pumasok ka." Sabi ko habang patuloy na nagpapatuyo ng buhok ko.





"By, pangarap o pag ibig?" Napatigil ako sa pagsusuklay sa out of nowhere na tanong niya. Pangarap? o pag ibig?



"Anong klaseng tanong yan Deanna? Bakit may ganyang tanong? San mo nahugot yan?" Sabi ko bago ipagpatuloy ang pagsusuklay ko. Hindi naman siya kumibo bagkus naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin.





"Ano bang pangarap mo?" Natanong ko sakanya.

"Ikaw. Ikaw yung pangarap ko." Napangiti ako pero ayoko ng sagot niya.



"Baliw! Anong pangarap mo sa sarili mo? Yung sayo mismo? Pansarili mo." Kasi ako pangarap ko maging successful sa profession na meron ako. Yun ang pangarap ko sa sarili ko. Pangarap ko bumuo ng pamilya kasama si Deanna yun ang pangarap ko para saming dalawa. Pangarap ko mabigyan ng magandang buhay ang parents ko yun ang pangarap ko sakanila.



Ano nga ba ang pangarap ni Deanna sa sarili niya?






"Gusto kong magturo. Pangarap kong tumagal sa profession na to. Ang saya kasi sa pakiramdam magturo lalo na kapag natututo sila. " Ramdam ko yung happiness sa tinig niya ng sabihin niya yun. Masaya ako na nandun na siya sa pangarap niya. Panatilihin lang niya yun siguradong magtatagal siya.








"Proud ako sayo na nandyan ka na sa pangarap mo. Naabot mo na. Ramdam ko naman ang puso mo sa pagtuturo, kaya masaya ako na yan talaga ang pangarap mo sa sarili mo." Sabi ko pagharap ko sakanya.







"Deanna, pangarap o pag ibig?" Biro ko sakanya pagtabi ko sakanya ng upo sa kama namin.






"Pag ibig." Seryosong sagot niya habang nakatingin sakin.



"Baliw! Ang pag ibig makakapaghintay pero ang pangarap maaaring mawala kapag pinalagpas mo." Umiling naman siya sakin.





"Maaari ding mawala ang pag ibig kapag sinet aside mo." Napakunot naman ang noo ko. Anudaw?




"By, ano ba yang sinasabi mo? Hindi mawawala ang pag ibig. Kasi kung kayo kayo pero ang pangarap pwedeng mawala kapag pinalagpas mo, kapag hinayaan mo at binaliwala. Tsaka love if na mahal ka di ba isusuport ka sa pangarap mo? So pwede mo namang piliin both." Nginitian niya ko bago humiga.




"Tulog na tayo love." Sabi niya habang nakatingin sakin, tumabi naman ako sakanya at niyakap siya.








Deanna's POV

Paano kapag hindi pwede both?




Marami namang ibang work na pwede kong maapplyan. Atleast minsan kong narating yung pangarap ko. Pero yung iset aside ko yung pag ibig? Nah. Kaya kong talikuran ang pangarap ko para sa pag ibig.












Jema's POV

"Resignation letter?" Napatigil sa pagtatype si Deanna ng mabasa ko yun. Hindi niya ko napansin dito sa likuran niya. Agad naman niyang sinara ang laptop niya at humarap sakin.





Nakakunot ang noo ko ng humarap siya sakin. Magreresign siya? Pangarap niya magturo tapos magreresign siya?





"Bakit wala kang nasabi sakin? May nag offer ba sayo na ibang school?" Malabong tumigil siya sa pagtuturo dahil pangarap niya yun. Yun yung gusto niya.









"Deanna sumagot ka. Ano yang resignation letter na yan? Bakit ka aalis sa work mo?" Naguguluhang tanong ko sakanya pero yumuko lang siya sakin. Nakatayo ako sa harapan niya habang siya ay nakaupo na nakayuko.









"Deanna naman. Ano ba? May problema ba?" Fiancee niya ko pero wala akong alam sa pinagdadaanan niya. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko dahil dun. Hindi ko naman kasi nararamdaman na may problema siya dahil hindi niya pinaramdam sakin. Akala ko okay lang ang lahat.









"Deanna, may problema ba?" Sabi ko pagluhod ko sa harap niya para makalevel kami. Pilit ko namang inaangat ang mukha niya para makita ko siya.








"Pinapapili nila ako. Hindi daw pwede yung ganito. Affected yung personal life ko sa work na meron ako. Jema, ikaw yung pinipili ko." Umiiyak na sabi niya sakin. Ang daming tumatakbo sa isip ko.






"Jema, pwede bang hayaan mo ko sa desisyon ko? Hayaan mo kong ikaw yun piliin ko. Marami pa namang work na pwede kong applyan e." Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Nahihirapan siya.







"Deanna, pano yung pangarap mo?" Handa ko bang tanggapin na dahil sakin kaya hindi niya maitutuloy yung pangarap niya? Passion ni Deanna ang pagtuturo, nandun ang puso niya.












Napatingin ako sa taong nasa harapan ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa pinsngi ko. Kasabay nun ang paglapit niya at paghalik sa noo ko na ikinapikit ko. Ako yung pinipili niya. Gusto niya kong mapanatag pero nalulungkot ako sa naging desisyon niya. Apat na taon niya pinag aralan ang profession na gusto niya pero ng dahil sakin tatalikuran niya yun?














Bakit pakiramdam ko pinuputulan ko siya ng pakpak para lumipad? Hindi niya pinaparamdam yun pero bakit yun yung nararamdaman ko? Ang bigat para sakin, nagunguilty ako ngayon palang.









"Shhh. By, tahan na po." Mahinang sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko. Naguguilty talaga ako at nalulungkot sa kalagayan niya. Pinagmamasdan ko siya habang pinapagaan ang loob ko pero sa harapan ko umiiyak din siya.










"Tama na." Awat ko sa kamay niya na pinapahid ang mga luha ko. Magpapatuloy ang mga luha ko dahil sa nararanasan niya ngayon kaya walang silbi ang patuloy na pagpahid niya sa mga luha ko, mapapagod lang siya.









"By, maghahanap ako by next week ng bagong work. Kaya wag ka ng mag aalala ha. Magiging okay rin ang lahat." Hindi ko magawang makapagsalita. Gusto ko lang tumahimik at pagmasdan siya.










"Jema, wag mo naman sanang maisip na iwan ako ng dahil dito. Wag mo naman sana akong iwan dahil sa situation ko ngayon. Nakikiusap ako, kumapit ka. Naniniwala akong malalagpasan natin to, malalagpasan ko to. Please jema, wag." Umiiling na sabi niya habang umiiyak sa harapan ko.








"Pano kapag dumating sa point na magsisi ka dahil ako ang pinili mo?" Naguguluhan ako.





"Jema, buo ang desisyon ko na ikaw ang piliin ko. Sa lahat ng pagkakataon na darating ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Pinili ko ang future ko. Pinili ko kung sino talaga ako. Gusto kong ipagpatuloy ang buhay ko kung saan tanggap ako. Sana, sana maintindihan mo ko. Pinili kita dahil mas mahal kita kesa sa profession ko. Mas kaya kong mabuhay at maging masaya kahit wala na yung work ko as a teacher as long as nandito ka."











- - -
A/N: Tapusin na natin to! Focus na ko sa another story na ginagawa ko. 💙

Book II: EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon