15

5.3K 166 55
                                    

Deanna's POV

"Nak." Bungad sakin ni Mama habang si Papa nasa tabi niya nakaupo. Kakauwi ko lang galing sa work.



"Bakit po?" Tanong ko paglapit ko sakanila sabay upo sa tabi nila.



"Dito ka na ba talaga magstay?" Tanong sakin ni Papa.


"Bakit Pa? Ayaw mo ba ko dito?" Biro ko sakanila. Napangiti ko naman sila pero alam kong may lungkot din silang nararamdaman. Panghihinayang.






"Syempre gusto ka namin dito pero nak, hindi ka na ba babalik sa bahay niyo ni Jema?" Si Mama talaga. Anong bahay namin ni Jema? E kay Jema lang yun, nakakahiya namang dun pa rin ako tumira e wala ng kami.



"Ma, babalik ako dun para kunin nalang yung mga gamit ko pero yung dun ako magstay, malabo na yun Ma." Nginitian ko nalang sila mama pagtapos kong sabihin yun. Masakit? Oo, sobra pero kinakaya ko naman. Isang linggo ko ng kinakaya.









Jema's POV

Pagkatapos kong magwork ay naisipan kong sumilip sa bahay. Simula nung umalis ako ngayon nalang ulit ako babalik dun.



Pagkadating ko dun ay napansin kong nakabukas ang ilaw sa living room. May tao? Bago ako bumaba sa kotse ay chineck ko muna ang phone ko. 6:34pm na.




Dalawa lang kaming may susi dito sa bahay. Handa na ba akong makita ulit siya?












Deanna's POV

Pagkatapos ng pag uusap namin ng parents ko ay isang linggo akong nag ipon ng lakas ng loob bago nagbalak bumalik sa bahay ni jema para kunin ang mga gamit ko.





"Deanna, uwi ka na?" Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit ko at sinigurado na okay na bago ko nilingon ang taong nagtanong.




"Oo, una na ko. Bye." Sagot ko bago bumaling sa kabuuan ng faculty. Tsaka ako lumabas. Time check 3:46pm.





"Deanna, hintay." Sabi ng nasa likuran ko na humahabol sakin. Oo naiistress ako sakanya minsan kasi napakakulit pero wala naman akong magagawa kasi co-teacher ko siya.





"Sir Samuel nagmamadali ako pasensya na." Bago binilisan ang lakad ko. Nahabol naman niya ko kaya nakita kong sumasabay na siya sa lakad ko.





"Hatid na kita pauwi." Kulit pa niya.



"May dadaanan pa ko. Tsaka hindi ko kailangan ang serbisyo mo." Straight to the point na sabi ko sakanya. Paglabas ko ay pumara na agad ako ng jeep.







Pagdating ko sa bahay ay sarado. Malamang Deanna 4:03pm palang maya pa uwi nun.




"Nakakamiss." Bulong ko sa sarili ko pagbukas ko ng pintuan. Napangiti nalang ako sa mga alaala na pumapasok na naman sa isip ko. Pagluto ko kaya siya para may madatnan siyang pagkain pag uwi niya? Kaso baka hindi na niya trip ang luto ko.





Dumaretso na ko sa kwarto namin. Malinis, para ngang di nagagalaw e. Umupo ako sa kama pero ilang saglit lang ay humiga na rin ako. Nakakamiss, sobra. Yung lambot ng kama dito. Etong mga yakap kong unan. Yung amoy netong kwarto, netong bahay, nakakamiss. Makakauwi pa kaya ako ulit dito? Magiging tahanan ko kaya ulit to?









Jema's POV


Pagpasok ko sa bahay ay walang tao. Ha? E hindi naman nakalock yung gate at bukas ang ilaw tapos walang tao? Pumunta akong kusina, walang tao. Tumaas ako patungo sa kwarto namin.




Book II: EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon