Sofia's POV
"Dad." Tumingin lang siya sakin kaya tahimik na pumasok ako sa library. Dito siya madalas, naging office na niya dito sa bahay ang library namin. Dito niya ginagawa ang mga paperworks niya sa school.
"Pinalaki kita ng maayos. Tinuro ko sayo ang kaibahan ng tama sa mali. Ngayon, gawin mo ang tama." Sabi niya pagkaupo ko. Kung titignan kami ay para akong naguidance office.
"Dad, ano pong nagawa ko?" Kahit may hint na ko sa tinutukoy niya ay kinalma ko ang sarili ko. Natatakot ako pero ano bang masama ang ginawa ko? Hindi naman ako pumatay. Hindi ako nagnakaw. Hindi naman ako bumagsak sa mga subjects ko. Wala naman akong inaway. Wala naman akong ginawang masama.
"Maria Jessica." Nakamasid siya sakin ng banggitin niya yun. Pareho kaming tahimik pagkasabi niya.
"San ako nagkulang? Bakit? Bakit ka nagkaganyan?" Basag niya sa katahimikan. Makikitaan mo na frustrated siya. Nasaktan ako sa sinabi niya na parang may mali sakin. Tanggap kami sa part ni Jess pero yung malaman ko na ganito sa part ko ay nasasaktan ako para samin, para kay Jess.
"Dad, anong mali?" Wala naman talagang mali! Close-minded lang talaga sila!
"Sofia, anong mali? Tinatanong mo ko anong mali?!" Naiyak na ko sa tono ng boses niya. Ngayon lang niya ko nasigawan dahil halos minsan lang kami magkausap dahil lagi siyang busy.
"Dad, wala naman po talagang mali!" Umiiyak na sabi ko.
"Lumabas ka na. Bukas na bukas ililipat kita sa ibang school."
Maria Jessica's POV
"Nak, kumusta na kayo ni Sofia?" Napalingon ako sa tumabi sakin binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. Binalik ko sa phone ko ang tingin ko.
Gaano na nga ba ako katagal na nakabantay sa phone ko? 1 week
Ilang beses na ba ako paulit ulit na bumabalik sa kanila? 3 times na pero walang Sofia na lumabas.
"Ma, okay naman kami nung huli kaming nagkausap. Hindi ko alam bakit biglang nawala siya. Nihindi ko macontact, ayaw niya rin akong labasin sakanila. Ma, wala naman kaming problema o pinag awayan." Naramdaman kong niyakap ako ni Mama Deanna.
"Ma, anong kailangan kong gawin?" Sofia, ano bang problema?
"Nak, wala. Wala kang gagawin. Tama na. Mahirap makita ang ayaw magpakita. Now, it is up to you if you'll wait for her or you'll just move on." Umiling ako kay Mama.
"Ma, sabihin mo sakin kung ano pa ba ang kailangan kong gawin. Hindi pwedeng wala akong gawin, Ma, kailangan meron." Hinarap ako ni Mama sakanya.
"Tama na. Ilang beses mo na ba hinahanap? Maraming beses na di ba? Nak, walang masamang sumuko. Wag mong idepende sa isang tao ang kasiyahan mo. Nak, bata ka pa. 17 palang kayo marami pang pwedeng mangyari." Paanong hindi idepende sakanya ang kasiyahan ko?
Pareho kaming napalingon ni Mama sa phone ko.
"Sofia" Mahinang bigkas ko ng makita ko ang pangalan niya.
'Punta ka ngayon dito sa bahay. Hintayin kita.'
Sinubukan kong tawagan siya pero hindi na nagriring.
Sofia's POV
"Bumaba ka na at baka dumating na yun. Gawin mo ang tama. Itigil mo yang kabaliwan na ginagawa mo." Lumabas na si dad pagkatapos niya kong diktahan.
Isang linggo akong parang bilanggong nakakulong sa sarili naming bahay. Tuwing pumupunta dito si Jess ay wala akong magawa kundi umiyak dito sa kwarto ko. Mahigpit ang pagbabantay ng guard ayaw papasukin si Jess. Sinusubukan kong lumabas at puntahan siya pero lagi akong hinaharangan nila yaya. Lumuhod na ko at umiyak sa harapan nila para hayaan akong puntahan si jess pero ayaw talaga nila akong payagan dahil matatanggal daw sila kapag nakalabas ako.
Confiscated ang mga gadget ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa. Yung sobrang frustrated ko na kaya iyak nalang ang nagagawa ko.
"Ma'am Sofia, nasa baba na po si Jessica" Katok na sabi ni yaya sa pintuan ko. Nihindi pa ko nakakapag ayos.
Humarap ako sa salamin. Halatang namamaga pa rin ang mga mata ko. Ngayon palang naiiyak na ko what more pa kapag nakaharap ko na ulit siya? Bakit wala akong magawa?
"So--Sofia" Umiiyak na lumapit siya pagbaba ko. Mahigpit na yakap ang sumalubong sakin kaya hinayaan ko na ring bumuhos ang mga luha ko at sumabay sa paghikbi niya.
Humiwalay na rin siya at hinarap ako sakanya.
"Hey, bakit? Bakit ka biglang nawala?" Sinalubong ko ang tingin niya. Nahagip ng tingin ko si Dad na nakatingin samin habang nasa taas.
"Ayokong maging unfair sayo na bigla nalang aalis na walang paalam. Deserved mo yung maayos na --"
"Please, wag." Umiiyak na putol niya sa sinasabi ko. Yakap na naman niya ko.
"May nagawa ba ko? Sabihin mo para hindi ko na maulit. May nasabi ba kong mali? Nasaktan ba kita? Please hon, sabihin mo wag yung ganito. Wag." Pilit kong iniiwas ang tingin ko sakanya. Baka kasi. Baka kapag hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa tingin niya ay masaway ko si dad. Si dad nalang ang meron ako, ayokong maging selfish.
"Tama na. A..ayoko na. Pa..pakawalan mo na ko dahil pinapalaya na kita Jess. Jess, bata pa tayo. Unahin natin yung pag aaral natin, yung pangarap natin. Kung sakali mang magkita tayo ulit sana. Sana pareho na tayong okay at masaya."