Deanna's POV
Pinagmamasdan ko ngayong matulog si Jema. Nauna akong nagising sakanya, sa bagay maaga pa naman dahil wala pa ang araw.
"Balang araw baby magiging mrs. wong ka na. Tapos magkakaroon tayo ng mga anak. Baby gusto ko dalawang anak. Baby ano kayang magandang pangalan ng mga magiging baby natin? Kapag babae ano kaya? Maria Jessica kaya baby? pano kapag sa lalaki naman? Siguro maganda kung... Ano kaya baby? Di ako makaisip e." Sabi ko habang nag iisip na nakatingin sa ceiling. Pinipilit kong hanapan ng combination ang pangalan namin.
"Manuel Jedean." Napabaling ako kay jema ng magsalita siya. Hala nagising ang baby ko.
"Ano baby?" Tanong ko sakanya ng humarap ako ng pagkakahiga sa kanya.
"Baby sabi ko Manuel Jedean ang ipapangalan natin sa baby nating lalaki. Ang ingay ingay mo baby kaya nagising ako sayo. Ang likot mo pa kilos ka ng kilos habang nag iisip." Sabi niya bago lumapit at niyakap ako sa bewang. Agad ko naman siyang pinaunan sa braso ko.
"Ang advance mo talaga mag isip no? Lahat inaadvance mo. Pagtawag sakin ng mrs wong pati ba naman yung magiging name ng mga baby natin at kung ilan ang gusto mo." Sabi niya habang nakapikit. Halatang inaantok pa ang baby ko.
"Dun rin naman tayo mapupunta baby. Ikakasal tayo. Magkakaanak rin tayo. Bubuo tayo ng pamilya jema. Magiging anak natin sila Manuel Jedean at Maria Jessica. Pag aaralin natin sila. Papalakihin ng magkasama. Tatanda tayo ng magkasama baby." Siya ang gusto kong makasama sa pagtanda. Siya ang gusto ko sa future ko.
"Ang aga aga pinapangiti mo agad ako no? Planado na pala ang future natin. Uunti untiin nating matupad yun baby. Uunahin natin sa pagpapakasal. Sa ngayon mag ipon muna tayo." Sabi niya habang nakamulat na. Nakatingin siya sa table namin pero parang tagos naman dun ang tingin niya habang nakangiti. Siguro naimagine din niya ang mga plano ko sa buhay kung saan bubuo kami ng pamilya.
"Siguro baby by next year magpapakasal na tayo no?" Tanong ko sakanya. Nilevel naman niya ang mukha niya sakin at tumingin sakin kaya bumaling rin ako sakanya.
"Baby siguro two years pa. Mag ipon muna tayo para sa pagpapakasal at pagbaby para tuloy tuloy na. Hindi naman natin kailangan magmadali. 24 ka palang. 25 palang ako. Two years from now siguro kaya na nating bumuo ng pamilya." Hindi ko napigilang lumapit sakanya at halikan siya sa labi niya. Tinugunan naman niya. Naramdaman ko na ang kamay niya na nasa balikat ko. Hinawakan ko naman siya sa bewang niya. Walang putol ang halikan namin hanggang sa maramdaman kong nakadagan na siya sakin. Umupo siya sa bewang ko habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa bewang niya. Gumiling siya kasabay nun ang pagpasok ng kamay niya sa damit ko.
(A/N: Readers, tulad ng dati. Mag imagine nalang kayo. 😂 Peace! ✌🏻️)
Nagising ako sa alarm clock na natunog. 5:30am na. Kailangan na naming kumilos dahil may pasok pa kaming dalawa. 7am ang start ng klase ko ngayon hindi ako pwede malate dahil balikan na ng students galing sa christmas vacation.
Bumaling ako kay Jema na ngayon ay kinukusot ang mga mata niya. Lumapit ako sakanya at agad siyang binigyan ng smack sa labi niya.
"Good morning baby ko." Bati ko habang nakatingin lang sakanya. Bumaling naman siya sakin at ngumiti.
"Good morning din baby. Kilos na dali. Ako susunod na maliligo." Sabi niya ng umupo siya sa kama namin. Naexpose tuloy ang upper part niya dahil pareho kaming walang soot dahil sa nangyari kanina.
"Anong tinitingin tingin mo dyan? Wag ka ng tumingin at baka pareho tayong di makapasok." Sabay taas niya ng comforter hanggang dibdib niya. Napangiting napailing naman ako.
"Ang ganda mo." Nakangiting kinuha ko ang towel at mga damit ko bago pumasok sa bathroom namin.
Paglabas ko ay agad naman siyang pumasok sa bathroom. Bumaba naman ako sa kitchen para magluto ng almusal namin.
Nagsangag ako ng tira naming kanin kagabi at nagprito ng hotdog at itlog. Pinoy almusal. Kanin agad para magkaenergy kami sa work namin.
"Kain na tayo dito baby." Sabi ko ng makita ko siyang nakaayos na pababa ng hagdan namin.
Iniwan niya muna sa sala ang gamit niya bago dumaretso sa dining table namin. Lumapit naman siya sakin at binigyan ako ng halik sa pisngi bago umupo sa tabi ko. Nakaready ang kakainin namin kaya nagpray muna siya bago kami magstart kumain.
Pagtapos naming kumain ay siya na ang nag ayos ng pinagkainan namin habang ako bumalik sa kwarto para magpalit na ng uniform ko sa school. Inaayos ko na rin ang mga dadalhin ko bago bumaba. Nakita ko siyang nasa sala habang nagsasalamin.
"Baby, pag ipunan nating bumili ng car para di na tayo magjejeep papasok. hassle pa e." Sabi ko sakanya ng maupo ako sa sala.
"Wag kang mag alala baby. May ipon ako dito nakalaan talaga sa car. Pangdown natin. Siguro sa weekend pwede na tayo kumuha." Sabi niya habang papalapit sakin. Kinuha na niya ang gamit niya sa gilid ko.
"6:37am na. Tara na at baka malate pa tayo sa traffic." Tumayo na rin ako at kinuha ang gamit ko. Sinigurado muna naming nakalock at nakapatay ang mga ilaw bago kami umalis. Magkaiba kami ng way, kumpara sakanya mas malapit ang school na tinuturuan ko kesa sa office niya.
"Good morning everyone!" Bati ko pagpasok sa faculty. Bumati rin naman sila pabalik. Dumaretso na ko sa table ko.
"Kumusta ang Christmas Vacay niyo?" Bungad ni Sir allan pagpasok niya ng faculty.
"Masaya Sir" Halos lahat kami ay yun lang ang sagot.
"Back to reality na tayo. Maiistress na naman tayo sa mga students." Sabi ni Maam Sarah.
"Pagsusulatin ko agad sila ng nangyari sa Christmas break nila." Sabi ni Mary. Buti pa siya. English major kasi e. Paessay essay sa unang pasok.
"Pano naman ang Math?" Biro ko kay Mary habang inaayos ang mga gamit ko sa table ko.
"Pagcomputin mo sakanila yung mga napamaskuhan nila." Natatawang sabi ni Mary.
"Don't tell me magtuturo ka agad?" Dagdag pa niya.
"Hindi no. Mag aattendance lang ako at mangangamusta sa naging vacation nila." Narinig na namin ang bell. Simula na ang klase namin.
- - -
A/N: Pambawi ko sa prologue. Magsimula tayo sa smooth lang. 🤗