8

3.6K 119 40
                                    

Deanna's POV

Pagpasok ko ng bahay ay wala pang tao. Buti nalang naunahan ko pa rin si Jema.





Dumaretso ako sa kwarto namin para mag ayos at magbihis ng pambahay. Kailangan ko ng magluto para pag uwi niya makakain na agad siya.









Pagbaba ko ay saktong dating ni Jema. Nakatingin ako sakanya habang siya ay nakayukong pumasok.






"Baby, kakauwi ko lang din. Pahinga ka muna sa taas tawagin nalang kita kapag ready na yung pagkain." Sabi ko sakanya bago ako magtuloy sa kusina. Wala akong narinig na sagot niya, siguro pagod.












Pagtapos ko magluto ng ulam at kanin ay hindi pa rin bumababa si Jema kaya tumaas na ko para sunduin siya.







Pagpasok sa kwarto ay nakahiga na siya at nakabihis na pantulog. Nakatulog na ata.






"Baby, kakain na tayo." Gising ko sakanya paglapit ko. Ilan sandali lang ay nagising na siya. Umupo siya sa kama habang humihikab. Nang magtama ang mga tingin namin ay binigyan niya ko ng ngiti kaya sinuklian ko rin yun ng ngiti. Siguro nagpapakapagod na naman siya sa work niya.







"Piggy backride." Sabi niya habang nakataas sa harapan ko ang dalawang kamay niya. Seryoso ba siya? Bababa kami ng hagdan baka madulas kami pareho.






"Baby, baka maaksidente tayo." Alinlangan akong ngumiti sakanya.





"Please?" Hala ka! Nagpacute na siya. Tumalikod na ko sa harapan niya. Sumampa naman agad siya sa kama at sumampa na si likuran ko. Mabigat pero kayang kaya!







"I love you." Bulong niya pagsandal niya sa kaliwang balikat ko. Parang pandagdag energy yun sakin.








"I love you." Paulit ulit na bulong niya sakin hanggang sa makababa kami at magpunta sa dining area.






"I love you too." Sabi ko sakanya pagbaba ko sakanya sa upuan niya. Agad ko namang sinabayan yun ng halik sa noo niya.










Pagtapos namin kumain ay inayos lang namin ang kinainan namin at sabay na kaming tumaas. Tulad kanina ay nagpabuhat ulit si Jema pataas naman. Hindi ko alam kung anong trip niya.







"Baby?" Paglabas ko ng bathroom ay mahimbing ng natutulog si Jema.







Hindi man lamang ako nahintay?






Sumampa na ko sa kama at yumakap sakanya at nagpatangay sa antok.














Paggising ko ay nakita kong nakabihis na si Jema habang nakatalikod saking nag aayos. Bumangon ako. Pagcheck ko sa wall clock ay 6:10am na pala. Hindi man lamang nag alarm ang phone ko?










"Gising ka na pala. Nakapaghain na ko sa baba. Hintayin kita sabay na tayong kumain. Mag ayos ka na." Sabi ni Jema bago lumabas ng kwarto namin.




Anong nangyari dun? Hindi man lamang ako ginising paggising niya. Wala man lamang Goodmorning kiss?






Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na ko. Naabutan ko siyang nanonood ng tv. Napansin naman agad niya ko pagbaba ko kaya tumayo agad siya at pumunta ng dining area. Hindi man lamang talaga ako hinintay?











"Nagmamadali ka ba?" Sabi ko pag upo ko sa tabi niya. Napatingin naman siya sakin bago lunukin ang kinakain niya.







"Kailangan ako sa office ng maaga." Sabi niya sabay subo na agad. Pagkaubos niya ng pagkain niya ay niligpit na niya agad ang pinagkainan niya. Ayaw niya talaga akong hintayin man lamang matapos?






"Sige na Deanna. Una na ko. Bye." Bumeso muna siya sakin bago tuloy tuloy na lumabas ng dining area. Beso talaga? May problema ba kami? Okay naman kami kagabi ha. Nagpapiggy backride pa nga siya kagabi. Okay naman kami ha.









Narinig ko nalang na paalis na ang kotse niya. Pagtapos kong kumain ay pumunta na ko sa kwarto para kunin ang mga gamit ko.







Pagcheck ko sa phone ko ay may 2 unread messages at 1 missed call. Nakasilent ang phone ko? Pagkakaalam ko may tunog to bago ako matulog kagabi.






2 unread messages. Unknown number.

'Hintayin mo ko ha.'

'Papunta na ko.'

Ha? Sakanya rin galing yung missed call. Sino ba to?




Pagbaba ko ay daredaretso na kong lumabas ng bahay.

*beep beep*



Napalingon ako sa kotse na kakarating lang. Familiar. Tumigil yun sa harapan ko. Bumaba ang window sa driver seat.




"Sorry natagalan." Ha?







"Bakit ka nandito teacher Samuel?" Nagtatakang nakatingin ako sakanya. Bumaba naman siya sa kotse niya at lumapit sakin.







"Akin na yang gamit mo. Lagay natin sa backseat." Sabi niya sabay kuha ng gamit ko. Tuloy tuloy naman niyang nilagay yun sa backseat niya.








"Tara dito. Pasok ka na." Sabi niya pag open niya ng passenger seat niya.










"Samuel. Bakit ka nandito?" Oo obvious naman na gusto niya kong isabay. Ang sakin bakit?






"Para sunduin ka. Tara na teacher Deanna baka malate na tayo." Sabi niya habang naghihintay pa rin habang hawak ang pintuan ng passenger seat.








6:47am na pagtingin ko sa relo ko. Kakausapin ko nalang siya tungkol dito.









"Hindi mo naman ako kailangan sunduin." Sabi ko pagpasok niya sa driver seat.






"Nagpaalam naman ako sayo. Yun nga lang di ka nagsalita nung sinasabi ko yun kanina sa tawag." Ha? Tawag?







"Hindi ko naman nasagot yung isang tawag mo ha?" Sabi ko sakanya habang nakatingin sakanya.









"Yung huling tawag ko hindi mo sinagot pero yung una sinagot mo di ba? Naghello ka pa nga tapos di ka na nagsalita nung nagpakilala ako at nagsabing susunduin kita. Nakalimutan mo agad?" Natatawang sagot niya sakin habang nakaharap sa kalsada.








Jema? Shit!

Book II: EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon