Deanna's POV
Pagkagising ko ay nag ayos na agad ako ng sarili at bumaba. 6:05am na kaya nagluto na ko ng almusal namin ni Jema. Hindi kami magkatabi ngayon ni Jema tulad ng dati. Nasa kwarto namin siya habang ako napagdesisyunan namin na magstay ako sa kabilang kwarto bali magkatabi lang naman ang kwarto namin.
Maaaring siguro nga okay na siya sa tingin niya pero alam namin pareho na parang ang bilis ng dalawang linggo para bumalik ulit kami sa dati na merong kami. Pareho naming gusto mabalik yung closeness namin, yung friendship namin na nawala ng dahil sa sobra naming minahal yung isa't isa dahil masyado naming naging mundo ang isa't isa na hindi na pala healthy saming dalawa individually.
6:37am ng matapos ko ang paghahanda ng almusal namin, hindi pa rin bumababa si Jema kaya dumaretso na ko sa kwarto ko para magpalit ng uniform ko sa school. Saktong paglabas ko ng kwarto ay palabas na rin si Jema at pareho kaming nakaready na. Siya nakaoffice attire.
"Good morning." Bati ko kay Jema kaya napalingon siya sa gawi ko. Lumapit siya sakin.
"Good morning." Sabi niya bago ako halikan sa pisngi. Nginitian niya ko pagkatapos niyang gawin yun. Nauna na siyang bumaba kaya nakasunod lang ako sa likod niya ngayon.
"Oh nakapagluto ka na pala." Sabi niya pagpasok namin ng dining area. Umupo na siya kaya umupo na rin ako.
"Maaga naman akong nagising kaya nakapagluto ako tsaka para may energy tayo sa work, kailangan natin ng almusal." Sabi ko bago magstart kumain.
"Nah. Alam mo pano ako magkakaenergy sa work?" Nagtatakang napatingin ako sakanya. Ha? Ano daw?
"Pano?" Sagot ko bago uminom ng tubig.
"Kiss mo ko." Sabi niya sabay nguso sa harapan ko. Hindi ko napigilang matawa sakanya kasi ang cute cute niya. Napasimangot naman siya ng hindi ako tumigil sa pagtawa. Pinagpatuloy nalang niya yung pagkain niya habang nakabusangot sa harapan ko kaya pagtigil ko sa pagtawa ay pinagpatuloy ko na rin ang pagkain hanggang sa pareho na kaming natapos.
"Hatid na kita?" Sabi niya paglock namin ng gate.
"Salamat nalang pero hindi na naman kailangan. Baka malate ka pa. Sige na, aalis na rin ako. Bye. Iingat ka." Tanggi ko sakanya bago ako naglakad. Hindi na rin siya nangulit kaya nagtuloy tuloy na ko sa pagsakay sa jeep.
Isang buwan nalang ang pasok namin dahil March na naman. Isang buwan nalang na pagtitiis sa kaingayan ng klase pero siguradong mamimiss ko sila. Pagkadating ko sa faculty ay saktong nagbell para sa pagsisimula ng mga klase.
Natapos ng mapayapa ang mga klase ko. Walang nag away. Walang nagsuntukan. Walang umiyak. Yun nga lang maingay talaga sila na akala mo hindi nagkikita araw araw.
"Uwi ka na Deanna?" Tanong sakin ni Sir Allan pagkuha ko ng mga gamit.
"Opo, bakit?" Tanong ko sakanya. Nagdatingan naman ang iba pang mga teacher sa faculty.
"Uy ano yan Maam Deanna? Uwi na? Grabe ka sakin ha." Singit ni Maam Mary pagdating niya. Nagtatakang napatingin naman ako sakanya. Anong masama?
"Ay talagang hindi naalala. Birthday ko no! 25 years old na ko. Kakain tayo sa labas lahat di ba?" Tsaka lang nagsink in sakin ang lahat. Last week nga pala nagsabi siya about sa pag iinvite saming lahat sa labas, dapat inuman yun kaso may pasok kami bukas kaya kainan nalang ang magaganap.