Deanna's POV
Papunta na ko sa last class ko. Grade 3. Ang makukulit na mga bata.
"Hi teacher!" Yan ang bumungad sakin pagpasok ko. Kanya kanya sila ng pagbati kaya ang ingay.
"Okay class. Back to your seat." Agad naman silang nagbalikan at tumahimik habang nakatingin sakin.
"Good Afternoon, Class!" Nakangiting bati ko sakanila.
"Good afternoon, Teacher Deanna!" Bati nila na nakangiti din na may kasamang pagtayo pa. Agad ko naman silang pinaupo. Tulad ng ginawa ko sa mga klase ko kanina nag attendance ako sa Grade 3.
"Class, kumusta ang Christmas break niyo? Masaya ba? Nag enjoy ba kayo?" Tulad ng inaasahan ay nagsabay sabay sila ng salita kaya wala akong maintindihan. Napakaactive nila parang di nauubusan ng energy kahit last subject na nila to. Buhay na buhay pa rin sila.
"Isa isa lang class. Magtaas ng kamay ang gustong sumagot." Halos lahat ay nagtaas ng kamay. Kaya inisa isa ko sila. Pang ubos oras rin yun.
"Teacher, nag enjoy po ako sobra. Nagbakasyon po kami kila Tita tapos parang reunion namin yun teacher. Marami ring pagkain nun teacher! Ang sasarap! Tapos dami kong pera kasi bigay ng bigay mga tito at tita ko teacher. Tapos teacher naglaro kami ng mga pinsan ko. Sabay sabay din kaming nanood ng mga kumikinang sa langit nung gabi na teacher, sobrang ganda." Kwento ni Fatima. Siya na ang panghuli na magkwekwento. Although meron pa kaming 10 minutes bago magtime kaya kailangan ko pa silang libangin.
"Mabuti naman nag enjoy kayong lahat class. Masaya si Teacher Deanna kasi naging masaya kayo. Meron pa bang gustong magshare dyan? We still have 10 minutes bago magtime." Agad naman nagtaas ng kamay ang isang student ko.
"Yes, Yanna?" Tumayo siya bago nagsalita.
"Teacher may tanong ako." Napatingin naman sakanya yung iba niyang kaklase at ang iba naman ay sakin nakatingin.
"Anong tanong mo Yanna? Okay lang naman magtanong." Nakatingin siya sakin na mababakas mo na nag iisip siya.
"Teacher kasi. Teacher nung Christmas yung ate ko po may pinakilalang girlfriend daw po niya. Di ba teacher bawal yun? Pareho silang babae. Ang gulo ng ate ko teacher. Pinagalitan siya nila Papa tapos yun iyak siya ng iyak. Sabi ni Mama sakin bawal daw yun teacher. Bakit ganon teacher? Love daw ni ate yung girlfriend niya." Napahinto ako habang nakatingin kay Yanna. Narinig ko ang mga kaklase niya na sumasagot ng 'Bawal yun! Pareho silang girl.' Nagsabay sabay sila kaya umingay na naman.
Anong isasagot ko? Masyado naman akong natamaan sa tanong ng student ko. Grade 3 student palang siya! 9 yrs old!
Kapag teacher ka dapat lahat ng ituturo mo tama. Dapat maging role model ka sa mga students mo.
"Di ba teacher bawal yun?" Napalingon ako kay Cedric ng lumapit siya mismo sakin habang hinihila ang laylayan ng unifom ko.
"Balik ka muna sa upuan mo dali. Sasagutin ko ang tanong ni Yanna." Agad naman umayos ng upo ang mga students ko habang nakatingin sakin. Hinihintay nila ang sagot ko. Paano ba?
"Class ang ga---" Natigil ako sa pagsasalita ng tumunog ang bell. Uwian na nila. Nakita naming may mga bata ng nagsilabasan sa kanya kanya nilang room pero ang kinagulat ko ay walang lumabas sa mga grade 3. Niwalang nag aayos ng mga gamit nila. Binaling rin nila ang tingin nila sakin ng mapatingin ako sakanila.