Namulat ako na puro lungkot , sakit at hirap ang naransanan ko. Ni minsan hindi ako naging masaya sa buhay ko. Walang kaibigan , walang pangarap at higit sa lahat walang nagmamahal. Tama pa bang mabuhay? Tama pa bang mamuhay sa mundo na ikaw lang nag-iisa. Parang patay sa paningin ng iba. Buhay ka lang kapag ikaw na ang may kasalanan.
Dahan-dahan kung binuksan ang mata ko. Bumungad na sakin ang puting kisame. Nasan ako?
"Levi she's awake"rinig kung tinig lalaki
"Wait Dad.. I'll call Mom"
Nilibot ko ang paningin ko. Huminto ito sa isang matandang lalaki. Siguro mga 50's na ito pero hindi halata dahil parang bata pa. Ng makita niya akung dumilat ay napa tayo ito sa sofa at lumapit sakin.
"S-sino po kayo?...at"nilibot ko ang tingin ko bago binalik sa kaniya "N-nasan po ako?"
Ngumiti naman ito "Ako si Victor Shaw isa ako sa mga nagdala sayo sa hospital na ito....t-teka"
Sinubukan kung umupo at nagtanggumpay naman ako. Doon ko lang napagtanto hindi na pala ito yung suot ko...ito ata ang suot ng pasyente kapag nasa hospital.
"Are you ok?"
Lumingon ako sa kaniya "Sir. Hindi sana niyo ak----"
"Dad"
Napatingin kami sa pinto ng may pumasok na isang binatang lalaki at isang matandang babae na nakasuot na pang doctor na uniform. Tumabi ang dalawang lalaki si Sir Victor at yung kakarating lang na lalaki. Lumapit naman sakin ang matandang babae.
"Kamusta pakiramdam mo?"
Ngumiti ako ng pilit "ok lang po"
Ngumiti din ito "That's good. By the way ok na yung sugat mo sa wrist. Pero magtatandang peklat yan..ok lang sayo dahil pwede naman namin tanggalin"
Umiling na lang ako at tinignan ang wrist ko. Hindi ko ito pwedeng tanggalin ito ang katibayan ko na malaya na ako. Dahil sa oras na mawala ito......ibig sabihin nun nananaginip lang ako.
"I-ikaw bahala...Nga pala"
Lumapit ito sa mesa at may kinuhang papel at ballpen. Bumalik din sa pwesto niya pagkatapos.
"Pwede mo bang sabihin ang pangalan ng pamilya mo at number ng saganon ay mapuntahan ka nila dito"
Gulat akung tumingin sa kaniya"Po?"
"Mother's name or Father's name"
Umiwas ako ng tingin "W-wala po akung pamilya" Tumingin ako sa kaniya nagulat naman ito pero kalaunan ay ngumiti "Then..kamag-anak mo..."
Umiling ako "Wala po akung kilala ni isa."
Totoo naman yun. Wala akung kilala ni isa sa kanila dahil ayaw nila na ipakilala ako kahit kanino. Kahit sa ka dugo ko. Kaya hindi ko alam kung meron ba ako nun.
"Ano ba pangalan mo?.."
Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko pwedeng sabihin yung totoo kung pangalan. Ayoko ng balikan pa yun.. Gusto kung iwan yun kasama ang pangalan ko. Nilibot ko ang tingin ko at huminto ito sa phone ng lalaki. May nakita akung pangalan dun kahit hindi malinaw ay binigkas ko parin...
"L-lydia po. Opo Lydia" pilit akung ngumiti sana di niya mahalata na nagdadalawang isip akung sabihin yun
"Apelyedo"
Umiling din ako "Ammm H-Hindi ko po alam.
Nagkatinginan silang tatlo bago tumingin sakin"B-bat dimo alam?"
"Ammm ano po" Ano ba sasabihin ko. Diko pwede sabihin na isa akung Kim. Mayaman ang mga Kim kaya baka kilala nila yun. Magtataka sila kung bakit di nila ako kilala.