P.A 13

882 34 5
                                    

Lydia POV

"Ito na po order niyo"

Binigay ko ang order sa table 6 at umalis agad. Nilagay ko ang tray sa counter. Sinalubong naman ako ng mapanuring tinghun ni Cleck.

"Ang lungkot mo ata? May nangyari ba"

"Wala. Wala lang to"

"Sigurado ka?"

Pilit akung ngumiti sa kaniya at tumango. Mahirap na at kulitin niya pa ako. Wala akung ganang makipag usap ngayon.

Nagpaalam ako na magpapahinga muna. Tumango naman siya kaya umalis na ako dun. Pumasok ako sa isang kwarto. Umupo ako sa isang sofa. Tumingin ako sa paligid para hanapin ang bag ko. Nang makita ko ay agad ko itong kinuha at hinanap ang phone ko

Nanlumo ako ng wala akung makitang ni tawag o text.

Diba sabi niya kukunin niya ang number ko?

Napatampal naman ako sa noo ng maalalang hindi niya pala nakuha dahil nakatulog ako. Ang sabi niya kasi bukas lang pero..,

Pano niya makukuha kung maaga pa lang wala na siya. Paggising ko Hindi ko siya makita. Tinanong ko si Aling Norma ang sabi maaga daw siyang umalis. May pupuntahan.

"Gaano ba yun ka importante para hindi siya makapagpaalam sakin. Hindi man lang niya akong hinintay magising o di kaya ginising niya lang ako"

Bumuga ako ng hangin at niligpit gamit ko. Lumabas ako ng kwarto at nagsimulang magtrabaho.
---------
Niligpit ko ang mga pinagkainan ng mga customer at pumunta sa lababo. Sumalubong naman sakin si Mea. Siya ang magsasabon at si Ate Shenna naman ang magpupunas.

"Tulungan na kita"

Tumigil sa pagpupunas ng Plato si Ate Sheena at lumapit sakin para tulungan ako.

"Dahan-dahan lang baka mabasag lagot tayo"

Dahan-dahan namin itong nilagay sa lababo para mahugasan.

"Nasan nga pala si Brent? Bakit ikaw ang nagbubuhat" tanong ni Ate Shenn at bumalik sa pwesto niya kanina.

"Ah!! Nasa labas. Nagpupunas ng mesa kasama si Cleck"

Umirap naman si Mea "Tinamad na naman ang dalawa"

"Sinabi mo pa"

Natawa na alang ako sa sinabi nila. Hindi na ako magtataka kung sa bandang huli magkatuluyan si Mea at Cleck. Para kasing aso't pusa kung mag-away. Tapos si Ate Sheena at Brent.

Galing ako lang pala walang partner dito.

"Oh! Tapos na"

Paglabas naming ay tapos na din ang dalawa.

Kinuha namin ang gamit sa kwarto.

"Cleck. Ikaw magsarado" tinapon ni Mea ang susi. Nasalo naman ito ni Cleck

"Bakit ako?"

"Kasi hindi kami"

Natawa kaming tatlo sa bangayan nila. Wala ng nagawa si cleck kundi isirado ang pinto ng Restaurant.

Nang matapos sya ay binigay niya ang susi kay Brent. Si Brent kasi ang maagang nauuna dito kaya sa kaniya iniwan ang susi.

"Bye na guys!! Maaga akung uuwi"Ate Sheena

Tumango lang kami kaya umalis na siya kasama ang boyfriend niya. Naiwan kaming tatlo dito si Mea , Cleck at ano.

Tumingin ako sa dalawa

"Una nako ha! May gagawin pa kasi ako sa bahay"

"Mag-iingat ka" bili ni Mea. Ngumiti lang ako at tumalikod. Nagsimula na akung naglakad at iniwan sila.

Pretending AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon