Drell POV"Kamusta pinapagawa ko Shin?"
"Naayos na. Napasok ko na ang system company ng mga Shaw"
"Good"
Lumapit ito sakin at binigay ang papeles na naglalaman ng important information ng mga Shaw.
"Masyado mahirap ang pakikipag kompetensya sa kanila. Seryoso ka ba talaga dito?"
"Seryoso ako Shin. Ayoko ng umatras pa"
"Pero"
Humarap ako dito.
"Shin. Marami na ang bagay na pinaghirapan ni Raulyn. Sapat na yun sa lahat ng nangyari sa kaniya. Gusto ko siyang maging masaya. Pero hindi sa paraan na alam niya"
"Sa tingin mo ba. Matutuwa siya?"
"Hindi"
"Kung ganun bakit mo----"
"Dahil hindi ito ang kailangan niya"
"Ano ibig mo sabihin?"
Ngumiti ako at nilabas ang isang evidence na hawak ko.
"Kilala ko ang kapatid ko Shin. Kahit sabihin niyang hindi siya si Raulyn. Alam ko siya ito. Nagtago man siya sa ibang pangalan. Ibang pamilya, kilala ko siya"Nagtaka naman si Shin. "Hindi ko maintindihan. Yes I know she's your sister. Pero? Teka lang ha!! Ano ba talaga balak mo?"
Ngumisi ako
"Malalaman mo. Pero isa lang sigurado ko. Pagbabayadin niya ang sumira sa buhay ni Raulyn. Pagbabayaran niya ang pagsira niya sa pamilya ko"Lydia POV
"Whooo Party Party"
"Let's enjoy this guys"
"Brooom"
"Weng weng weng"
Yung totoo. Resort ba pinuntahin namin o bar. Baka naman mental. Tsk tsk.
"Cleck bilis maabutan ka nila"
"Go Brent yuhooo"
"Hansel Cracker bilisan mo"
Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasadan ang tatlong ugok na lumalangoy. Si Click,Hansel at Brent. Kasama ang tudo supporta nilang mga babae. Mea,Frea,at Ate Shenna.
"Alis mo na ako"
Hindi ko na sila pinansin. Sigurado na mang hindi nila ako narinig. Ang ingay kasi.
Lumipat ako ng pwesto. Umupo ako sa buhangin at tumingin sa dagat.
Isang luha ang pumatak sa mata hanggang sa nagtuloy tuloy na ito.
2 weeks. 2 weeks na ang nagdaan pero bakit. Bakit namimiss ko siya. Bakit nalulungkot ako sa tuwing iniisip ko hindi man lang niya ako sinipot.
"Siguraduhin mo lang Jazz na maganda ang rason mo. Kung bakit hindi ka sakin nagpakita. Kung bakit hindi mo ko sinipot"
Napakagat ang ako ng labi sa pangingilid ng luha ko.
Bakit Jazz? Bakit nararamdaman ko na ang sakit. Jazz. Jazz.Napatingala ako sa langit.
"Pano mo mapapatunayan sakin ang pagmamahal mo. Kung pakiramdam ko.pakiramdam ko..."Napailing ako. Hindi. Hindi mo ako sasaktan Jazz diba. Nangako ka. Maghihintay ka Jazz. Nangako ka. Sana tuparin mo yun. Sana Jazz. Dahil ayoko ng masaktan sa maraming dahilan. Ayoko ng masaktan sa parehong paraan.
Tiwala? Sana ibigay mo sakin yun Jazz. Yun lang ang kailangan ko.
"Lydia"
Agad kung pinunasan ang mata ko. Tumayo ako at hinarap ang taong tumawag sakin.