P.A 3

835 33 0
                                    

Nandito ako sa Mall kasama si Ate Heidi. Tinawagan niya ako kagabi at sinabing gusto niya daw magpasama dito. Ilang araw na ang lumapis , simula ng makilala ko si Jazz. Hanggang ngayn hindi ko parin siya nakikita .

Humingi din sakin si Ate sa ginawa nila ni Kuya. Sinadya daw nila yun baka sakali daw may mabuong something.

Papano mabubuong something yun eh! Hindi nagsasalita. Magsalita nga kunti lang. Mas ok na yun , nakakatakot kasi boses nun.

"Sigurado ka walang spark. Hindi ka ba niya hinawakan"

Umiling lang ako. Hahawakan? Ni isa ata. Pagbukas nga ng pinto hindi niya magawa. Hawakan pa niya ako.

Lumungkot naman ang mukha ni Ate Heidi. Hindi ko ma gets si Ate. Ano ba talaga gusto niya.

"Gzz ang kj naman. Kapag siya naunahan nako"

"Ano po"

Ngumiti ito at umiling. Ang weird din pala ni Ate Heidi minsan. Bagay nga sila ni Kuya..

"Sayang"

Hindi ko na lang inintindi si Ate Heidi.

Hinawakan nito at hinila sa mga pambatang damit.

"Ano pong gagawin natin dito?"

Ngumiti naman itong lumingon sakin. "Bibili lang tayo ng kagamitan ni baby" sabi nito at lumapit sa panglalaking damit.

"Hindi po ba dapat asawa niyo ang kasama iyo at hindi ako"

Mas maganda kasi si Kuya kasama niya. Asawa niya yun at para magkasundo sila para sa bibilhin nila.

"Wala naman taste yung Kuya mo dito. Atshaka" Humarap ito sakin "Mas mabuti din masanay ka. Alam mo na"

Lumapit ako sa pangbabaeng damit. Hinawakan ko ito.

Flashback

"Ryder naman. Kailangan ka ba matutulog dito sa bahay. Lagi ka na lang wala. Babalik ka nga ang bilis naman"

Tumingin naman ito sakin ng masama "You don't care"

"I care Ryder. I CARE. Asawa mo ako"

"Don't expect to much bitch. I don't love you"

Tumulo ang luha ko pero pinilit ko parin magsalita"Ryder. G-ginawa mo lang bang laruan ito. Kung hindi mo ako mahal bakit mo ako pinakasalan. Ano tingin mo sakin laruan mo lang"

He smirked "Hindi ako ang nakikipaglaro dito. Ikaw. Alam mong hindi kita mahal pero pinipilit mo ang sarili mo. YOU ARE NOTHING TO ME"


End Flashback

Wala kayong ibang ginawa kundi saktan ako. Wala na kayong ibang ginawa kundi pahirapan ako. Pati puso ko ginawa niyong laruan. Hindi pa kayo nakuntento sa pananakit sa katawan ko at gusto niyo pa talaga pati puso ko.

Mga halimaw kayo. Sana namatay na kayo.

"Hey Are you ok"

Bumalik ako sa ulirat ng may narinig akung nagsalita. Pinunasan ko ang luha ko at binalik sa lalagyan ang mga damit ng batang kinuha ko. Humarap ako kay Ate at ngumiti

"Ok lang po ako. May naalala lang"

"Sigurado ka. Pwede na mang bukas na lang-----"

Agad ko naman siyang pinigilan. Idadamay ko pa talaga si Ate sa kadraman ko.

"Taposin na natin ito Ate"

Tumango na lang ito at bumalik sa pwesto nito kanina.

I'm sorry Ate , pati kayo walang kamuwang muwang sa buhay ko dinadamay ko. Hindi ko naman sinasadya maging ganito. Sigurado malalaman nila na may kasama ako at idadamay kayo. Pero wag kayong mag-alala. Kung kinakailangan kung dumaan sa patayan gagawin ko basta hindi lang kayong masaktan. Alam kung hindi pa niyo ako masyadong kilala pero sinisigurado ko. Magbabayad sila. Magbabayad sila sa lahat.

Pretending AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon