Third Person POV
Naghahanda lahat para sa party mamaya. Habang tumatagal ang or as ay parami ng parami ang mga tao. May mga reporter ding nakaabang sa labas...
"Kinakabahan ako" bulong ni Lydia
Tumawa naman si Cheska ang baklang nagaayos sa kaniya.
"Don't be so nega girl. Relax maraming puppy ang punta doon kaya dapat chill ka lang"
"P-pano kung madulas ako o di kaya madapa hindi pa ako marunong mag heels kaya nakakahiya"
"Hindi naman siguro"
"Ano!!??" Humarap si Lydia kay Cheska. "Hindi ka sigurado. Wag na lang kaya ako tumuloy"
"Gaga gusto mo ipahiya pamilya mo. Pinaghirapan nila ito tapos hindi ka sisipot"
Natigilan naman si Lydia at humarap sa salamin.
'Oo nga no. Soguradong mawawala ang ngiti nila kapag hindi ko tinuloy..'
Magsasalita pa sana si Lydia ng may kumatok sa kaniyang pinto. Pumasok ito at bumugad sa kaniyang Ama.
"Daddy"
Tumayo naman si Lydia at lumapit sa Ama. Napangiti naman ang Ama ng nakita ang kaniyang anak.
"Your so beautiful princess"
Nakangiti naman si Lydia "Salamat Daddy. Si Mommy?"
"Nasa baba na. Marami na kasi ang nandon"
Hinawakan naman ni Victor ang kamay ng anak "Wag kang kabahan. We here for you. Marami kaming susuporta sayo kaya smile ka lang ha!!"
Tumango lang si Lydia "oh! Sya, malapit na din kayo bumaba. Malapit na tayo magsimula. Hindi dapat tayo magsayang ng oras lalo pat gabi pa naman"
"Opo Daddy"
Lumabas na ang Ama kaya naiwan ang dalawa. Bumalik sa pagaayos si Lydia hanggang sa natapos.
-------
"Pumasok na tayo"
Sabay na pumasok ang pamilyang Kim sa mansion at halos lumuwa ang mata nila sa dami ng tao.
"Gaano ba kayo importante ang okasyon na ito at sobrang daming tao" sambit ng kanilang Ina namsi Flecia Kim
"Malalaman natin yan mamaya. Humanap muna tayo ng upuan"
Tudo ngiti naman ang mag-ina ng makita ang iba sa kanilang ay napapatingin.
"Ang mga Kim ba yan"
"Oo. Ang ganda no"
"Halatang pang mayaman"
"Pre yung idol mo oh si Fleo"
"Grabe tangkad pala niya"Ng makahanap ng pwesto ang pamilyang Kim ay hindi parin tumigil ang bulungan.
Nilibot ni Trisha ang paningin nito na parang may hinahap.
"Sino hinahanap mo?" tanong ni Fleo.
Tumingin naman sa kaniya si Trisha "Sila Leinicar. Nakita mo ba sila"
Hindi sumagot si Fleo at may tinuro. Sinundan naman niya ito ng tingin.
"As always"tipid na sabi nito ng makita nila si Leinicar at Ryder na pinapalibutan ng mga reporters.
"Totoo po bang tumitira na kayong dalawa sa isang bubong?"
"Kailan po ba kayo ikakasal"