Lydia POV
Nakangiti ako ngayon habang nagtatrabaho. Kahapon ng mag date kami ni Jazz at ngayon at balik trabaho na ako. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya. Hayys.."Here's your oder sir"binaba ko ang order niya at bumalik sa counter. Naabutan ko naman na nagbabangayan ang dalawa. Si Cleck at Mea.
"Bat di ko aminin na namiss mo ko"
"Miss mo mukha mo"
"Asus pakipot ka pa. Tinawagan mo nga ako kaninang umaga eh sabi mo pa nga cleck papasok ka? With sweet voice"tapos ginaya ni Cleck ang boses ni Mea
"Alam mo malala kana. Naka drugs ka ata eh! Atsahaka inutusan ako ni Ate Sheena dun no. Assuming nito"at umirap
"Yan na naman kayo. Kakabalik lang natin sa work mag-aaway pa kayo. Hindi na kayo nahiya kay Dia" tumingin ako sa palapit na si Ate Sheena.
"Ikaw kasi"
"Anong ako ikaw kaya"
"Ikaw"
"Ikaw"
"Ikaw sabi eh"
"Ik---"
"Sige ituloy mo Cleck kung ayaw mong lumipad ang plato sa mukha mo"asar na asar na ata si Ate Sheena. Napanguso naman si Cleck.
"Balik na nga kayo sa work"
"Sorry po"yumuko silang dalawa at umalis harap namin. Tumingin naman sakin si Ate Sheena.
"Nasanay ka na ba sa kanila hahaha"
"Oo naman Ate. Araw - araw na ata yun eh"
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang tray.
"Nasan nga po pala si Brent?"sinundan ko siya. Pumasok siya sa loob ng lababo at binaba sa sink ang mga plato.
"Ayun..bukas pa daw siya papasok. Nagkaproblema eh. Teka nga lang!! Bakit Brent tawag mo sa kaniya?? Di ba dapat kuya? Unfair naman sakin yun...ano ako matanda"tinuro niya ang sarili niya.
"Hehehe eh kasi para kasi siyang isip bata kaysa sayo"
Tumango siya kaya natawa ako. Si Ate Sheena naman tinakot ako.
"Kung sabagay isip bata nga"
Nakatingin lang ako sa likod ni Ate Sheena habang naghuhugas siya.
"Ate Sheena?"
"Hmm?"
"May tanong lang ako?"
Tumingin siya sakin bago binalik ang tingin sa plato "Ano yun?"
"Legal na ba kayo?" Tumigil siya sa paghuhugas at hinarap ako.
"Unfortunately hindi"malungkot na saad niya.
"Huh bakit naman po?"
"Ayaw kasi ng pamilya niya sa katulad ko. Sa katulad kung mahirap lang. Kung baga kung anong level nila ganun din dapat ang maging kasintahan niya"ngumiti siya at alam kung hindi umabot sa mata niya..
"I'm doing my best everyday. Just to prove myself. Na hindi ibig sabihin na ganito ako eh wala ng magmamahal sakin. But...but"hindi ko na hinintay na tapusin ang sasabihin niya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
"Ok lang yan Ate"
"Ang sakit Dia. Lalo na harap harapan na pinagtutulakan ng pamilya nila si Brent para sa isang babae"
"Mahal ka ni Brent. Ate"
Kumalas siya ng yakap sakin at umiling..
"Hindi sapat ang pagmamahal lang Dia. May tiwala ako sa kaniya pero sa pamilya niya wala. Wala akung laban sa kanila. Sigurado ako gagawa sila ng paraan para magkahiwalay kami. At alam ko balang araw. Pagpapiliin siya... Mas pipiliin niya ang pamilya niya kaysa sakin. At yun ang masakit"